"Wanna have fun?" Nakangiti niyang wika sabay kindat sa akin. Naiintindihan ko naman ang kanyang sinabi subalit hindi ko lang makuha ang ibig niyang ipakahulugan. Kaya naman, "Sir?"
"Napansin kasi kitang nagmumukmok diyan sa waiting shed at nag-iisa, kaya naisipan kong hintuan ka ng sasakyan. Nag-iisa lang din kasi ako, walang makakausap kaya naisipan kong alukin kang mag-roadtrip para naman may makakausap ako"
Inilawan niya ang loob ng kanyang sasakyan at pansin ko kaagad ang gwapo niyang mukha. Ang pino at manipis niyang balbas ang siyang lalong nakagdag sa kanyang s*x appeal.
"Hey, sasama ka ba, o titigan mo na lang ako hanggang mag-umaga?"
Nahimasmasan naman ako at kaagad nakabalik sa tamang huwisyo. Nagi-guilt tuloy ako sa aking sarili dahil pakiramdam ko isang pagtataksil na para kay Lukas ang pagkaka-attract ko nang lihim sa kanyang pisikal na anyo.
Kaya naman para ma-redeem ko ang aking sarili, "Salamat na lang po, may pasok pa ako bukas" Wika ko at nagmamadali na akong naglakad pauwi. Ngunit nakasunod siya sa akin.
Nakita kong inihimpil niya ang kanyang kotse sa aking unahan. Bumaba siya at hinihintay akong makarating sa kanyang kinatatayuan.
"Sorry kung na-offend man kita. Akala ko kasi—"Nag-aalangan siyang bigkasin ang susunod na mga sasabihin. Kaya naman inunanahan ko na. "—na kolboy ako?"
"Actually, yes. Sana huwag kang ma-offend sa aking sasabihin. Alam ko ang kalakaran sa lugar na tinambayan mo and frankly, I was expecting you are one of those..."
Hinagod niya ako ng isang mapanuring tingin. "...but then I realized, I was wrong and I am very sorry!" Tumango ako at gusto ko pa sanang sumagot ng, "At isa ka sa mga namimik-up" ngunit hindi ko na lang itinuloy dahil binawi naman niya ang huling tinuran at humingi ng kapatawaran.
"Mukhang napahaba na 'tong usapan and I guess it's time to find a better place, what do you think?"
"Pero hindi po kasi kita kilala" Puno ng kainosentihan ang aking boses. Parang bumalik ako sa pagiging gradeschool pupil.
"If that's the case, my name is Keith, Keith de Guzman"
Inilahad niya ang kanyang palad. Gawa nang may pinag-aralan naman ako, tinanggap ko iyon. "Mario Pontillas!" Pakilala ko rin sa aking sarili.
"Finally, we're not a strangers anymore, so sama ka na sa'kin?"
Mukhang nakorner na niya ako at wala na akong dahilan para tumanggi kaya naman pinaunlakan ko ang kanyang paanyaya. Mukhang mabait rin naman siyang tao kaya wala akong nakikitang masama kung makipagkaibigan man ako sa kanya.
Tahimik lang ako habang binabaybay namin ang daan patungo sa lugar na pagdalhan niya sa akin. Siya iyong palaging nagsasalita at ako iyong tagapakinig. Magsasalita lang ako sa tuwing may itatanong siya sa akin. Ewan, ngunit nakaramdam ako ng pagka-awkward sa kanya. Nagsisi tuloy ako kung bakit pa ako sumama.
"Are you still studying or currently working?" Isa sa mga tanong niya.
"Both" Napasulyap siya sa akin.
"You mean, working student ka?"
"Yes and there's nothing wrong with that" Mukhang nahawa na rin ako sa kai-Ingles niya.
"Exactly. And I really admire those people na may pagpupursige at determination sa buhay. I may not have experienced that pero alam ko ang hirap na pagsabayin ang pag-aaral at ng pagtatrabaho kaya naman saludo ako sa'yo"
Sa sinabi niyang iyon ay tuluyan niyang nakuha ang aking loob. Bagama't lumaki siya sa karangyaan, hindi naman niya nilagyan ng label ang pagitan namin kahit na mahirap lang ako.
Bibihira lang kasi sa mga mayayaman ang nakikipagkaibigan sa mga kagaya ko at iyon ang hinahangaan ko sa kanya. Hindi siya tumitingin sa katayuan ng isang tao.
Subalit ang paghanga kong iyon ay hanggang doon lang bilang isang kaibigan. Kay Lukas pa rin ang buo kong pagkatao lalo na ang puso.
Ilang sandali pa'y huminto kami sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Pangmayaman o iyong may mga maykaya lang sa buhay ang sa tingin ko ang pumapasok doon dahil sa nakahilerang magagarang mga sasakyan sa tapat. Kaya naman nakaramdam ako ng pag-aalangan na pumasok. Hindi kasi ako 'in' sa lugar na 'yon.
"What's the matter?" Ang tanong niya nang makitang hindi man lang ako gumalaw sa aking kinauupuan. Pinagbuksan niya ako noon ng pinto.
"N-nahihiya ako. Parang di kasi ako bagay diyan eh"
"Sinong may sabi? Maaring class na restaurant iyang papasukan natin pero isipin mong pera ang kanilang hanap at hindi uri o kaya'y estado ng taong pumapasok sa kanila. And besides, kasama mo naman ako. Sagot kita. You can have whatever you want!"
Ngunit hindi pa rin ako kumbinsido sa kanyang sinabi lalo na nang masipat kong todo porma ang mga taong pumapasok sa loob, iyon bang parang may aatenang formal gathering.
Nahalata naman iyon ni Keith at nagulat na lang ako nang hinubad niya ang suot na longsleeve at pantalon. Simpleng puting t-shirt at maikling shorts na pantulog na lamang ang naiwang suot niya sa katawan.
"Pwede na ba 'to?" Tanong niya sabay angat sa dalawa niyang kilay.
"Ba't ka naghubad?"
"Wala, naisip ko lang na kapag magkapareho na tayo ng suot hindi kana maiilang na pumasok sa loob. O ano, tara na?"
At wala na akong nagawa kundi ang tumalima. Na-touched din ako dahil biruin mong nagawa niyang makipag-level sa akin para lang mahikayat niya akong pumasok sa loob.
Sa iksi ng panahon nang kami ay magkakilala, talagang pinatuyan niya ang kanyang sarili na hindi siya kabilang sa mga mayayamang namimili ng kaibiganin. Bihira lang ang katulad ni Keith na walang pakialam sa estado ng taong kanyang nakakasalamuha.
Ang mesang nasa pinakadulo ang pinili niya para sa amin. Agad din naman kaming sinalubong ng waiter.
"Good evening po, Sir and welcome po!" Sabay hila sa upuan para sa amin.
May inabot sa aming menu book para sa aming pagpipiliang pagkain. Halos malula naman ako sa presyo ng mga pagkaing naroon. Biruin mong sabaw pa lang, 300 na e, pang-isang linggo ko na iyong pambili ng makakain. Kaya hayun, hindi ako makapali.
"May napili ka na ba?"
"W-wala e. Kung ano lang ang sa'yo, iyon na rin ang sa'kin!"
Bahagya siyang napangiti at binalingan ang waiter. "Iyong dati kong, inoorder, Boy at iyong bago nyong delicay!" Alisto namang sumunod iyong waiter.
"Okey ka na? I mean, hindi ka na naiilang?" Ang tanong niya nang kami na lamang dalawa.
"Oo, ayos lang ako!" Ang sagot ko sabay giya sa mga mata sa paligid. Pansin ko ang mga taong nagko-concentrate sa pagkain. May nag-iisa. May magkapares. At may nakikita rin akong buong pamilya.
"See, sabi ko naman sa'yo. Walang pakialamanan kung sinuman ang pumasok rito. Iyang mga 'yan, pagkain ang ipinunta rito sa loob at hindi ang mamintas sa suot ng ibang guest"
"Pasensiya na, first time ko kasi ang nakapasok sa ganito. Hanggang sa turo-turo lang ako e. At iyong inorder mong mga pagkain para sa atin, pang-isang buwan ko na iyong sahod sa pinapasukan ko!" Napangiti siya. Barya lang kasi iyon sa kanya.
"By the way saan ka pala nagtatrabaho?"
"Crew sa isang fastfood"
Tumango siya. "E, 'yong parents mo, nasaan?"
"Nasa probinsiya. Actually, ulila na ako sa ama. Si Inay at ako na lamang iyong nagtutulungan para maigapang iyong pamilya namin. Mahirap lang kami, kundi dahil sa isang schoolarship, malamang hindi ako nakapag-aral"
"So, matalino ka pala, galing naman!"
"Di naman, masipag lang akong mag-aral at gusto kong may marating"
"Mas lalo mo akong pinabibilib sa sinabi mo. Im am very sure na may marararating ka. Tama yan, hindi naman na mahirap ka lang ay hahayaan mong habambuhay kang maging mahirap. Being progressive is our option. Depende na lang sa atin kung pipiliin nating umangat o mananatiling nasa laylayan ng lipunan. Oo nga't mahirap ang maging mahirap pero binigyan naman tayo ng Diyos ng talino at talento para magamit natin sa pagkamit ng ating mga mithiin. Kasipagan at determinasyon na lamang ang siyang puhunan!"
At sa sinabi niyang iyon ay mas lalo pang nawala ang pagka-awkward ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay makikinig siya sa bawat sasabihin ko kaya naman ginanahan na akong magkwento, naging matabil na ang aking dila.
Nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa kalagayan ni Leny ngunit naputol din pansamantala dahil dumating na iyong pagkaing inorder niya para sa amin na akalain mong may pista dahil sa dami at may mga desert pa.
At noong patapos na kami, "May cancer 'yong kapatid mo? Do I heard it right?"
"Oo at nasa stage 3 na. Gobyerno 'yong gumastos sa unang tatlong session ng chemo pero sa last 3 sessions ay kami na ang bahalang mag-provide"
"Kumusta naman?"
"Iyon nga ang problema e, malapit na ang schedule ng ikaapat na kemo niya pero wala pa sa kalahati iyong perang nalikom namin. Walang trabaho si Inay. Estudyante pa lang ako kaya hirap na hirap na talaga kaming hagilapin ang halagang iyon o ang makahanap ng taong maaring tumulong sa amin kung meroon man. At ang inaalala ko pa nang husto, sa paglipas ng mga araw ay mas lalo pang iginugupo ang kapatid ko sa kanyang karamdaman. Sa totoo lang, nakakahiya mang aminin pero iyan ang dahilan kung bakit nakita mo akong tumambay kanina sa madilim na parke. Nagbabasakaling mabenta ko ang sarili at nang maipambili ng gamot ang aking kapatid subalit hindi ko pa pala kaya"
Tigib ang aking mga luha habang sinasabi iyon. Hindi ko na kasi naitago pa ang bigat na aking dinadala. Parang gusto kong may mapagsabihan para naman gumaan kahit papaano ang aking mga dinadala. Nakita kong inabutan niya ako ng tisyu. "Im sorry to hear that!"
"Ayos lang. Ako dapat ang humingi ng sorry dahil kakilala pa lang natin ay ang masaklap kong dinaranas ang aking kinukwento sa'yo sa halip na magagandang bagay"
"You don't have too. Wala namang batas ang nagbabawal na magkwento sa mapait mong karanasan sa buhay sa taong unang beses mo pa lang makita. At sa nalaman ko, maari kitang tulungan"
"T-talaga?"
Tumango siya.
"I had this foundation na tumutulong sa mga taong may malubhang karamdaman, isa na roon ay ang cancer. Ibigay mo lang sa'kin ang full details ng kapatid mo at ang secretary ko na ang bahalang umaasikaso sa lahat"
Sa labis na tuwa ko'y napatayo ako at biglang napayakap kay Keith. Di ko napigilan ang mapahikbi sa kabila ng mga taong nasa paligid na maaring makakita sa aking ginawa.
Sobrang tuwa ko lang dahil hindi ko inaasahang magbunga rin ng maganda ang tangka ko sa parke. Dahil kung hindi ko naisipan na gumawi roon marahil hindi ko siya makikilala na siyang susi sa pagpapagamot ng aking kapatid.
Inisip ko na siya na marahil ang tugon sa aking mga dasal upang madugtungan pa ang buhay ni Leny. Sa totoo lang nawawalan na talaga ako ng pag-asa at ipinapasa-Diyos ko na lamang ang kalagayan ng aking kapatid ngunit sadyang kaybait pa rin Niya sa amin at hindi kami nagawang pabayaan.
"Paano ba kita mapapasalamatan?" Ang tanong kong humihikbi pa rin nang muling umupo.
"Sabihin na nating bilang kasapi ng isang foundation ay tungkulin kong tumulong maski sinuman sa mga taong nangangailangan. Kaya huwag mo ng isipin 'yon. It's my pleasure to help, Mario at malay mo dumating ang araw na ako naman iyong nangangailangan ng tulong"
Inabot niya ang aking palad. Pinisil niya iyon. Napaigtad ako. May kung ano kasi sa paraan ng pagpisil niyang hindi ko mawari. Parang may ibang ipakahulugan ngunit hindi ko na lang binigyan ng pansin.
Matapos naming kumain ay dinala niya ako sa bar. Siya lang daw ang iinom nang sinabi kong ayoko na muna ang mag-alak dahil may pasok pa ako kinaumagahan. Naiintindihan naman niya kaya hayun mag-isa niyang tinutungga ang isang mamahaling brandy at ako nama'y nagkasya sa isang mango juice. At ang promise ko, "Next time na lang ako iinom kapag wala akong pasok kinabukasan"
"Sure, can we go out this Saturday evening?"
"Sige ba" Tumango ako.
Wala kasi akong pasok sa eskwela at sa trabaho kapag Linggo so pupuwede ako na lumabas kapag Sabado ng gabi.
Napansin kong pasuray-suray na siya nang magtungo ng CR kaya naman noong makabalik siya ay niyaya ko na siyang umuwi.
Tumalima naman siya at nakiusap na kung maari samahan ko siya sa kanilang bahay upang may makakaalay umano sa kanya lalo na't hirap na siyang maglakad. Magtataxi na lang daw ako pag-uwi, pumayag naman ako bilang pagtanaw sa ipinapakita niyang kabutihan sa akin.
Halos malula naman ako sa ganda at laki ng kanilang bahay na matatagpuan sa loob ng Forbes Park. Mayayamang mga negosyante, pulitiko at mga artista ang kadalasan nakatira sa subdibisyong iyon kaya napagtanto kong di pala basta-basta itong si Keith kahit pa batid kong mayaman na siya nang una.
Siya lang at ang tatlo nilang katulong ang nakatira sa bahay nilang iyon dahil palaging out of town ang kaniyang mga magulang dahil sa inaasikaso nitong mga negosyo. Kaya naman saglit niyang naikwento sa akin ang lungkot ng kanyang buhay na bagamat nasa kanya na ang lahat subalit namumulubi naman siya sa atensiyon at pagmamahal ng mga magulang.
Kabaliktaran naman sa akin, nabusog nga kami sa pagmamahal ngunit namuhay namang salat ngunit hindi ko naman iyon pinagsisihan dahil masaya naman akong nagsasama kaming pamilya kahit na wala na si Itay. Idagdag pa si Lukas na nasa tabi ko kaya naman sa kabila ng hirap na aming nararanasan, wala na akong mahihiling pa maliban na lamang sa pagaling ng aking kapatid sa kanyang karamdaman.
Inalalayan ko siyang makaakyat sa kanyang silid kahit na kaya pa naman niyang maglakad. At noong makapasok kami, "If you don't mind me asking, are you still single?" Gulat man sa tanong niya sinagot ko parin siya sa kung ano ang totoo.
"May kasintahan na ako. Bata pa lamang kami siya na iyong first love ko. Actually, 4 years na kami"
Isang ngiting pilit ang sumilay sa kanyang labi. "Lalaki rin ba?" Tumango ako.
"Good for you. Bibihira na lang kasi ang tumatagal sa relasyon ng lalaki sa lalaki!"
Kumuha siya ng tubig sa kanyang mini-ref. Inabutan niya ako ng baso. Inabot ko naman at ininom.
"I-ikaw ba wala? Sa itsura mong iyan at yaman?" Ang tanong ko rin.
"Well, dati. But it was a couple of years ago. Ginawa ko na ang lahat para ibigin niya but in the end of the day sa iba pa rin siya sumama. Mas pinili niya iyong foreigner niyang manliligaw over me kahit pa kaya ko namang ibigay sa kanya ang lahat na pwedeng maibigay ng foreigner. At doon ko napag-isip-isip, hindi porke na mayaman ka at may itsura ay granted ka na sa long lasting relationship. Sa pag-ibig, lahat ay pantay. Mayaman o mahirap ka man, hindi ka excuse na hindi masaktan as long as na nagmahal ka. Iyon ay isang katotohanang kailangang tangggapin!"
Nasipat ko ang mabilisan niyang pagpahid sa nangilid niyang mga luha.
"Ito na naman ang sakit ko kapag nakainom, nagdadrama"
"Sorry, nagtanong pa kasi ako" Wika ko. Tumabi ako sa kanya. Pagkuway hinaplos ko ang kanyang likod.
"Ako rin naman ang naunang magbukas ng usapan. Paano, uwi ka na, may 4 hours ka pa para matulog. O kung gusto mo dito ka na lang hanggang magsunrise!" Pag-iiba niya.
Tumayo siya at binuksan ang kanyang closet. May kinuha siya doong paper bag. "Sa'yo na"
"A-ano, 'to?"
"Namili ako ng mga damit kahapon. Sa'yo na 'yan para sa susunod na gumala tayo hindi mo na ako pahihirapan sa pagyaya sa'yo. Don't get offended, kadalasan kasi sa mga pinupuntuhan kong lugar ay pang-class talaga at kailangan mo na ring sanayin ang sarili mo dahil kaibigan na kita"
"S-salamat!" Ang tugon ko.
Sana lang ay hanggang sa pagkakaibigan lang talaga ang dahilan ng kanyang pagmamagandang loob sa akin. Dahil kung higit pa roon ay tiyak na hindi ko iyon masusuklian. Alam naman niyang may kasintahan na ako.
Inabutan din niya ako ng limang daan, pantaxi ko pauwi. Hindi na akong nahiyang tanggapin iyon dahil sa totoo lang wala na talaga akong natitira ni piso sa bulsa.
Alas-tress ng madaling araw nang makarating ako sa bording house. May mangilan-ngilan ng gising at isa na roon si Kuya Bradley na mukhang kagagaling lang sa pamamalengke dahil sa bitbit nitong bayong na naglalaman ng kanyang pinamiling pansahog at mga rekados para sa kabubukas lang niyang karenderya.
"Uy, Baby Mhar, madaling araw na ah, nagko-callcenter ka na ba?"
"Naku, hindi po. Galing po ako sa bahay ng aking clasmate para sa isang group project"
"Ah, gano'n ba? Uy, sa aking karenderya ka na kumain ha. Free sabaw at extra rice pa. At kapag gabi, ako naman ang iyong extrahan, ayyi!""
"Para-paraan ka talaga, Kuya Bradley, sige na ho, matutulog pa ako!" Tinapik ko siya sa balikat.
Nang makapasok ako sa loob ay tiningnan ko muna ang mga damit na ibinigay sa akin ni Keith. Dalawang longsleeve iyon at skinny jeans at isang loafer shoes na kulay itim.
Ngunit ang ikinaluwa ng aking mga mata ay ang 5 thousand pesos na naroon rin sa paper bag. Hindi ko alam kung iyon ba ay kasama sa ibinigay niya o pera niya iyon na di sinasadyang malagay sa loob ng paperbag. Kaya naman dinampot ko ang celphone sa bulsa upang etext siya.
May nakita akong 5 thousand sa paperbag. Ibabalik ko na lang pag magkita ulit tayo.
Ilang minuto ang lumipas nang magreply siya.
Sa'yo talaga 'yan, para magamit mo. Kanina ko sana iyan iaabot sa'yo kaso nag-aalangan ako baka hindi mo tanggapin. Baka kung ano pa ang isipin mo kaya palihim ko na lang isinilid sa paperbag
At sobrang naantig na naman ako sa kanyang pagmamalasakit sa akin. Gusto ko pa sanang itanong kung para saan ang kabutihang ipinapakita niya ngunit akin ring naisip na may tamang panahon at lugar para doon. Para sa aking walang-wala, napakalayo na ang mararating ng five thousand. Kaya naman isang taos pusong pasasalamat ang huling text ko sa kanya.
Naghahanda na ako noon para sa pagpasok sa trabaho nang tumawag sa akin si Inay. Damang-damang ko sa kanyang boses na bagama't umiiyak ay halatang walang mapagsidlan ang tuwang kanyang nararamdaman nang ibinalitang may magandang babaeng dumating sa bahay at nagpakilalang isang sekretarya ng isang Foundation na nag-alok ng tulong sa gamutan ng aking kapatid. Pati na si Mang Diego na ama ni Lukas na may kumplikasyon sa atay ay kanila rin daw tutulongang maipagamot.
Napaiyak din ako dahil talagang tinotoo ni Keith ang pangako niya sa aking tumulong. Talagang hulog siya ng langit. Siya ang tugon sa matagal ko ng idinadalangin sa Itaas. Hindi ko na lang sinabi kay Inay sa kung paano nalaman ng Foundation ang kalagayan ni Leny para hindi na siya sa akin mag-usisa, ang mahalaga may tsansa ng mabuhay ang aking kapatid at gumaling si Mang Diego.
Ipinagpatuloy na muli ang chemotheraphy ni Leny. Subalit patuloy pa rin siya sa pamimilipit ng sakit gawa ng hindi pa rin natatanggal iyong bukol sa kanyang bituka. Hindi na rin tumatalab ang ilang pain reliever na nireresita ng doktor kaya naman kapag ganoon parang ako iyong dahan-dahang pinapatay dahil sa nakikitang paghihirap ng aking kapatid.
Kung ang sakit na kanyang nararamdaman ay mahihintulad lang na may pinapasan kang isang sakong bigas, ako na mismo ang kakarga noon upang hindi na siya mahirapan pa. Sana lang makayanan pa ng lamog na niyang katawan na labanan iyong sakit.
Bagama't may Foundation na tumulong sa kanya ngunit ang ikinatakot ko ay baka bumigay din ang kanyang katawan sa sobrang hirap.
"Kaya mo 'yan, Leny. Malakas ka yata diba?" Ang sabi ko nang minsang dinalaw ko siya sa ospital. Pilit kong pinapasigla ang aking boses para mas lalo pang lumakas ang kanyang loob. Hangga't maari ayaw naming ipakita sa kanyang pinanghihinaan na kami ng loob at baka iyon pa ang dahilan na maisipan na niyang bumigay.
Sumapit ang Sabado. Gaya ng naipangako ko, lumabas kaming muli ni Keith at sinamahan siyang mag-bar. Inom ng pakunti-kunti at kahit mahiyain, nagawa ko ring sumubok na mag-disco.
"Ganyan nga, Mar. Bigyan mo rin ng time ang sarili mong mag-enjoy. Huwag lang puro problema ang iniisip mo" Ang wika sa akin ni Keith nang sumayaw kami.
Isang ngiting pilit ang aking tugon. Sa totoo lang, hindi ko maatim na mag-enjoy habang ang kapatid ko ay nasa bingit ng kamatayan. At kung hindi dahil sa utang na loob ko sa kanya ay talagang hindi ko magawang sumama.
Alas-tres na ng madaling araw nang ihatid niya ako sa aking tinutuluyang bording house. Subalit hindi ko na siya pinapasok sa looban ng iskwater area at baka kung ano pa ang iisipin ng mga makakita sa kanya lalo na si Kuya Bradley na nagsimula ng makaamoy sa akin.
Nagsimula iyon sa ikatlong pagbisita sa akin ni Lukas nang hindi ko siya pinayagang makipag-inuman sa kanila. Tandang-tanda ko pa ang pasaring ni Kuya Bradley, "I smell something fishy" Pabiro iyon ngunit may laman.
Kaya naman umiiwas-iwas na ako. Dahil kung natunugan na niya kami ni Lukas at alam na niya ang pinakatago-tago ko, di malayong mangyaring itsi-tsismis niya ako na may ibang dinalang lalaki sa kwarto kapag nagkataong mapasyal muli si Lukas. Sabagay, magkaibigan lang naman ang relasyong namamagitan sa amin ni Keith pero mas mabuti na iyong makasisiguro.
Papaidlip na ako noon nang tumunog ang aking celphone. Si Lukas ang tumawag at tinanong kung bakit diko masagot-sagot ang kanyang mga tawag. Nababanaag ko sa kanyang boses ang labis na pag-aalala. Kaya naman sinabi kong, "Nagtsa-charge kasi ako, Koy habang gumagawa kami ng group project ng aking mga kaklase kaya hindi ko napansin ang tawag mo"
"Kaya pala. Pasensiya ka na, Koy. Akala ko kasi kung napaano ka na diyan. Sige matulog ka na ulit, mukhang naisturbo pa kita, love you"
"Ayos lang, Koy. I love you too"
Iyon ang unang beses na magsinungaling ako kay Lukas. Lahat kasi ng aking mga lakad ay pinapaalam ko sa kanya kaya naman guilting-guilty ako.
Naroon naman sa akin ang udyok na magpaalam sa paglabas namin ni Keith ngunit natatakot naman ako na baka kung ano ang kanyang iisipin. Ayaw kong magsimula kaming mag-away dahil lamang sa isang walang kwentang selosan.
Nasundan pa ng ilang beses ang paglabas namin ni Keith. Hanggang sa ito ay naging palagian at hindi ko naman magawang tumanggi. Kapag ganoon ay napapadalas na rin ang aking pagsisinungaling kay Lukas.
May mga sandali na hindi ko na narereplyan ang kanyang mga text o kaya'y hindi sinasagot ang kanyang mga tawag sa takot na mabuking niya ako. Magtetext na lang ako kapag nakahiga na ako sa aking silid at ang lagi kong dinadahilan, busy sa trabaho at pag-aaral. Naniniwala naman siya sa aking mga idinadahilan. Hindi ko kailanman naramdaman na siya ay nagduda. Kaya gano'n na lamang ang guilty na aking nararamdaman.
"Mar, sa totoo lang, may kakaiba akong nararamdaman sa Keith na 'yan eh!" Ang maintrigang pahayag sa akin Gina habang hinihintay namin ang pagdating ng aming instructor sa isang minor subject. Magkaklase kasi kami sa isang minor subject bagama't hindi naman kami pareho ng kursong kinuha.
Sa subject na iyon tanging nagkakasalubong ang mga landas namin ni Gina kaya naman sinusulit namin ang sandaling iyon na magkausap. Bibihira na lang kasi kami kung magpang-abot sa university dahil deretso na akong trabaho matapos ng aking klase.
"B-bakit naman. Sobrang bait nga niya sa akin. Tumatanaw rin lang ako ng utang na loob sa malaking tulong na nagawa niya sa pamilya ko. Kaya naman hindi ako makatanggi sakali mang magyaya siya na lumabas. Alam ko ang mga pinagdaanan niya at naawa lang ako sa kanya!" Ang tugon ko naman.
"Sana nga lang mali ang kutob ko, Mar. Sinisikap ko namang hindi siya husgahan pero talagang may kung anong pumapasok sa kukuti ko na hindi ko maiiwasan!"
"Nakuha ko ang punto mo, Gina. Hindi naman kami exclusively dating dahil alam naman ni Keith na may kasintahan na ako at si Lukas iyon. Mahal na mahal ko si Lukas at hindi ako gagawa ng ikasisira namin"
"E, paano 'yong sinasabi mong natuto ka ng magsinungaling sa kanya? Na hindi mo pinapaalam na lumalabas kayo ni Keith, sa tingin mo hindi iyon ang magiging mitsa ng inyong pagkasira? Sensiya na, Mar kung nanghimasok man ako pero concern lang kasi ako sa relasyon ninyo ni Lukas. Feeling ko kasi ay unti-unting inaagaw ni Keith ang atensiyon mo sa boyfriend mo. Solid MarLu kasi ako, hindi ko feel ang MarKei!"
Medyo natawa ako sa huli niyang tinuran ngunit kaagad din akong napaisip sa kanyang sinabi. Alam ko ang kwento sa likod ng masayahing mukha ni Keith, lumaki siyang uhaw sa pagmamahal ng mga magulang at ang tanging pumupuno noon ay ang kanyang yaya na siyang kinagisnan niyang nag-alaga sa kanya mula noong siya ay musmos pa lamang.
Mayaman sila. Lahat ng kanyang gugustuhin ay agad niyang nakukuha na para bang magic lang subalit ang atensiyon ng kanyang mga magulang ang siyang pinakamahirap na makamit at hanggang ngayon suntok sa buwan pa rin iyon para sa kanya.
Nakailang subok na rin siyang umibig ngunit laging bigo. Sinubukan na rin niyang paganahin ang yaman niya upang makabingwit ng lalaking mananatili sa kanyang tabi subalit hindi naman nabibili ang pagmamahal at sa bandang huli, iniwan pa rin siya nito at sumama sa isang foreigner at nagpakasal pa sa ibang bansa.
Maaring kulang sa pagmamahal at atensiyon si Keith ngunit wala naman akong nakikitang masama sa pagiging malapit namin sa isa't isa. Alam niya ang tungkol sa amin ni Lukas at gusto nga niya itong makita sa personal at nang maging kaibigan rin.
Kaya tungkol sa sapantaha ni Gina na unti-unti ng inaagaw ni Keith ang atensiyon ko, ang masasabi ko lang, unfair iyon para sa kanya. Siguro kung may mali man ay nasa akin iyon dahil hindi ko nagawang magpaalam kay Lukas sa lahat ng aking mga lakad kasama si Keith.
Kaya matapos naming manood ng sine kinahapunan ay napagdesisyonan kong ipaalam kay Lukas ang tungkol sa paglabas namin ni Keith. Tatawagan ko siya kapag makarating na ako ng bording house. Matapos naming magsine ay nag-bar pa kami at uminom ng kunti. Matapos noon ay hinatid na niya ako sa aking tinutuluyan.
Nakasanayan na niyang pagbubuksan ako ng pinto ng sasakyan kapag ganoong hinahatid niya ako sa b****a ng looban papasok sa aking inuupuhang kwarto. Hindi ko siya pinapayagang ihatid ako sa loob mismo ng aking silid para makaiwas sa mga tsismis at naiintindihan niya naman iyon.
Akmang bababa na ako noon ng kotse nang biglang nanlaki ang aking mga mata sa sobrang pagkagulat nang masipat ko ang lalaking nakatingin sa amin ni Keith sa may di kalayuan, si Lukas iyon na kung makatitig ay parang lalamunin na kami ng buhay.
Hindi kaagad ako nakagalaw. Hinayaan kong makalapit sa aming kinaroroonan si Lukas. Walang makikitang ekspresyon sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung siya ba ay galit o nagtitimpi lang na hindi sumambulat ang matinding emosyon na kanyang nararamdaman.
"Kaya naman pala hindi mo masagot-sagot ang mga tawag at text ko ay busy ka pala sa iba, Koy"
Malumanay ang pagkakabigkas niyang iyon ngunit may diin ang bawat bigkas niya. May bigat, may pait.
"N-nadito ka pala, Koy?" Ang nauutal kong sabi. Hindi ko kasi inaasahan ang kanyang pagdating.
"Paano mo nga naman malalaman e, sa sobrang busy mo pati celphone mo ay di mo na nagawang tingnan, di sana'y nalaman mong kanina pa ako nilalamok sa kahihinatay sa'yo!"
Tumaas ang timbre ng kanyang boses. Iyon ang unang beses na marinig ko ang ganoon kaya naman napayuko ako, halatang guilty.
"Excuse me—!" Ang pagsingit naman ni Keith. "—You must be, Lukas, Mario's Boyfriend. Keith, Pare, kaibigan ni Mario!"
Nakita ko ang paglahad ng palad ni Keith kay Lukas ngunit hindi niya iyon pinansin. Bagkus, hinawakan niya ako sa balikat upang igiya na sa loob. Nahahalata kong parang iniiwas niya ako kay Keith.
"Salamat sa paghatid mo sa akin. Pasok na kami sa loob" Nagawa ko pang magpaalam bago namin binaybay ang makipot na daan papaasok sa looban.
"Siya ba ang dahilan kung bakit natuto ka ng maglihim sa akin, Koy? Siya ba ang dahilan na kung bakit palagi ka ng busy at pati mga text at tawag ko ay di mo na magawang sagutin?" Kaagad na panghihimutok niya nang makapasok kami sa loob ng aking silid.
"Magkaibigan lang kami ni Keith, Koy. Siya ang tumutulong sa akin sa panahong gipit na gipit ako" Ang mahinang paliwanag ko upang hindi mabulahaw ang iba ko pang bordmates na kasalukuyang natutulog.
"Huwag kang mag-alala, nang makita kong hinatid ka niya, hindi ko naman kayo pinaghihinalaan. Dahil kailanman hindi sumagi sa isip kong magawa mong magtaksil sa pagmamahalan natin. Buo ang pagtitiwala ko sa'yo at kahit kailan hindi iyon magmamaliw ngunit ang hindi ko lang maiintindihan ay kung bakit nagawa mong maglihim gayung hindi naman kita pinagbawalang magkaroon ng iba pang mga kaibigan, karapatan mo naman iyon!"
Sa sinabi niya, tuluyan na akong hindi nakaimik. Wala akong maapuhap na sasabihin dahil kahit saang anggulo titingnan, kasalanan ko naman talaga. Nakita kong kinuha niya ang kanyang nakahanger na jacket, sinuot niya iyon.
"Uuwi ka na agad?"
Hindi ako nakatiis. Lumapit ako at niyakap siya mula sa kanyang likuran.
"Ni-renew ko lang ang lisensiya ko kaya hindi rin ako magtatagal, may duty pa ako bukas. Sumaglit lang ako rito para sana makita ka pero lumabas ka pala kasama ng kaibigan mo!"
"Patawad, Koy. Hindi na mauulit!"
Kinabig ko ang mukha niya paharap sa akin. Siniil ko ng halik ang kanyang mga labi. Hindi siya gumanti dala marahil sa kanyang hinanakit ngunit hindi rin naman pumalag.
Hinubad ko ang suot niyang jacket pati na ang t-shirt. Tumambad sa akin ang mapang-akit niyang katawan. Wala akong sinayang na sandali at iyon ay aking sinunggaban. Magkabilaan kong sinibasib ng halik ang nag-uumbukan niyang dibdib dahilan para bumigay siya.
Napahiga siya sa kama at doo'y tuluyan ko ng hinubad ang lahat ng saplot niya sa katawan at mapangahas kong inangkin ang lahat ng sa kanya. Mistula akong gutom na hayop sa kagubatan na noon lang nakakain.
Hindi rin naman siya nagpatalo. Marahas niyang hinablot ang saplot ko sa katawan at ako ay kanyang inangkin. Ewan, ngunit ramdam ko ang bigat ng pag-ayuda niya sa akin.
Bawat labas-masok niya sa aking likuran ay may kalakip ng bigat at galit. Iyon ang unang beses na naging marahas siya sa pag-angkin sa akin kaya naman hindi ko maiwasang mag-isip na doon niya ibinunton ang kanyang mga hinanakit sa nagawa kong paglihim sa kanya. Pero infairness, masarap din naman. Bagamat ramdam ko ang hapdi subalit ang sarap ng aming pagsinta ang siyang nangingibaw.
"Koy!"
Halos magkasabay naming sigaw nang marating namin ang sukdulan na kapwa humihingal. Isang matamis na ngiti ang iginawad namin sa isa't-isa. Hudyat iyon na magkaayos na muli kami.
Ganoon naman talaga si Lukas, sa panahong magtatampo iyan sa akin ay hindi niya hinahayaang abutan ng pagtatakip-silim bago maayos ang gusot sa aming pagitan. Isang halik lang at panunuyo mula sa akin ay bibigay agad 'yan.
Ganoon din naman ako sa kanya, sa isang simpleng suman lang ay mapapalambot na niya agad ang nagtitigas-tigasan kong puso. Ganyan namin kamahal ang isa't isa. Hindi namin hinahayaan na lamunin kami ng galit at poot. At upang makaiwas na maulit muli ang pagtatampo niya, ipinapangako kong hindi ko na siya paglilihaman pa.
Bati na ulit kami. Hinatid ko siya sa sakayan ng jeep patungong terminal ng bus. Humingi rin siya ng despensa sa kagaspangang ipinakita niya sa kaibigan kong si Keith at nangangakong babawi siya sa susunod na magkita sila.
"Koy, madedestino ako ng isang buwan sa isang warehouse sa Balanga. Wala muna raw akong restday dahil nanganak ang asawa ng aming reliever kaya di muna kita mabibisita rito" Paalam niya habang nag-aabang kami ng jeep na masasakyan niya.
"Kung ganoon, ako na lang ang bibisita sa'yo roon, Koy. Uuwi rin naman ako sa susunod na linggo para bisitahin sina Inay at Leny"
"Buti pa nga para naman makabawi ka sa atraso mo sa akin"
"Di pa pala ako nakabawi? Sa marahas mong pag-indayog sa akin kanina, di pa pala ako bayad noon?"
"E, kung...." Itinaas niya ang dalawang daliri sa kamay sabay pakawala ng isang pilyong ngiti. "...bawing-bawi kana" Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin kaya naman palihim kong dinakma ang kanyang pagitan at sinalat, "Malibog ka talaga!"
"Ayaw mo ba? Sige ka baka maghahanap 'yan ng ibang mapapasukan, marami pa namang hiring diyan!" Natatawa niyang biro.
"Sige subukan mo at nang maputol iyang ipinagmamalaki mo!" Ganting biro ko rin sa kanya.
Nagkatawanan na lamang kaming pareho hanggang sa may huminto ng jeep sa aming harapan."I love you, Koy" Wika niya bago sumakay sa jeep at talagang dinampian niya ako ng halik sa labi.
Hindi niya alintana ang mga matang nakatingin sa amin. Talagang ipinagmamalaki niya ang aming pagmamahalan. Kaya naman, "I love you too, Koy. Mag-iingat ka!" Ang tugon ko rin.
At hindi ko na rin alintana kung may makarinig man sa akin ang mahalaga proud kami sa isa't isa. Bago ako bumalik ng bording house ay naibulong ko na sanay wala ng wakas ang pagsasama naming iyon ni Lukas na bagamat hirap nakakaraos din naman dahil sa aming wagas na pagmamahalan.
Subalit walang buhay na nilikhang perpekto sa mundo, subok ko na iyon. Makailang ulit na rin kasi akong hinambalos ng unos at mga delubyo.
Una ay ang maagang pagkuha sa amin ni Itay na inakala kong katapusan na naming lahat kung hindi lang sa pagsusumikap namin ni Inay na ituloy ang laban kahit pa nawala ang haligi ng aming tahanan.
Pangalawa, nang dinapuan ng sakit na kanser si Leny. Hindi biro ang ganoong karamdamanan sapagkat nangangailangan iyon ng napakalaking halaga na siyang wala kami. Kahit pa siguro igugugol ko ang buong araw ko sa trabaho ay hindi pa rin sasapat iyon para sa kanyang pagpapagamot.
Doon ko naramdaman na parang naiipit ako sa mundong aking ginagalawan. Para bang kakambal ko na ang kasiphayuan nang ipinganak ako dito sa mundo. Para bang hindi napapagod ang tadhana na bigyan ako ng mga pasanin.
Ngunit dahil sa may awa pa rin sa amin ang Diyos ay nagawa pa rin naming lusutan ang lahat ng mga pagsubok sa pamamagitan ng mga tao na siyang ginamit Niya para maihaon kami sa hirap na aming dinaranas.
Si Lukas na siyang naging katuwang ko sa hirap at ginhawa na tumayong panibagong haligi ng aming tahanan. At si Keith na isang tunay na kaibigan na hindi kailanman humihingi ng kapalit sa mga tulong na naibahagi niya sa akin at sa aking pamilya.
Nang bumisita ako sa amin, nakita ko ang unti-unting pagaling ni Leny. Maluha-luha ako nang sinabi ng doktor na sumusuri sa kanya na naging matagumpay ang chemotherapy at pwede na nilang isagawa muli ang opersyon upang matanggal ang bukol sa kanyang bituka upang manumbalik na sa normal ang pagpapalabas niya ng dumi.
Walang katapusang pasasalamat ang laman ng aking mga dasal sa Poong Maykapal sa sandaling iyon. Isa iyong maituturing na himala dahil bibihira lamang ang nakaka-survive sa karamdamang iyon at mapalad ang kapatid ko na isa siya sa nabigyan ng pangalawang buhay.
Subalit gaya ng aking nasabi, kakambal ko na yata ang mga pighati nang isilang ako sa mundo. Katatapos lang ng isang unos ay may panibago na namang bagyo ang dumating sa aking buhay na sa siyang susubok nang husto sa aking katatagan at prinsipyo.
Matapos naming maiuwi ng bahay si Leny mula ospital ay tumungo akong Balanga upang bisitahin si Lukas na kung saan isang buwan siyang madedestino sa isang warehouse.
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang abot-langit niyang ngiti nang makita akong paparating. Napakakisig at gwapo talaga ng mahal ko sa suot niyang unipormeng pang-gwardiya. Sinong mag-aakalang ang tulad ko ang kinahuhumalingan niya.
Papatawid na ako noon ng kalsada bitbit ang lechong manok na aming pagsasaluhan nang pumarada ang isang motor sa tapat ng guardhouse na kung saan naroon si Lukas naghihintay sa aking pagdating.
At ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang makita kong bumunot ng baril ang isa sa mga angkas ng motor at pinaulanan nito ng baril ang walang kamalay-malay na si Lukas. Kita ng dalawang mata ko ang pagbulwak ng dugo mula sa dibdib ng mahal ko bago ito natumba sa kinatatayuan. Mistulang naging slow motion ang lahat habang patakbo akong lumapit sa kanya habang sumigaw ng, "Koy!"