Chapter 27- Surprise

1228 Words
Neo "Pare" si James ito. Asa labas na sila ng hospital. It was Wednesday afternoon at kakagaling lang nila doon upang ipacheck up si Karla. Nasa kotse na sila at nagmamaneho na ito ng tinawag siya. "Baka namimiss ka na sobra ng girlfriend mo" biro nito. Nabanggit na pala ni Karla kay James ang tungkol kay Halene. "Namimiss ko na nga pre" nangingiti niyang tugon. Si Karla naman ay natutulog sa kanilang likuran. "Oh, namimiss mo na pala."sabi nito sabay balik tingin sa kalsada "Okay na kami dito, ang dami mo ng nagawa pre. Unahin mo naman sarili mo" wika pa nito. "But.." "No buts pre," putol nito "Ako na mismo mageempake ng gamit mo kapag hindi ka paumalis bago mag-weekend" biro pa nito. "Grabe ka naman pare." natatawa niyang sabi "Pinapalayas mo na talaga ako" "Hindi naman sa ganun, kaso you also have life and ayoko na mapurnada na naman yang lovelife mo dahil sakin, samin" paliwanag nito. Naisip niya ang sinabi nito. Sobrang namimiss na nya si Halene, kaya naman pumayag at kinagat na niya ang payo ng kaibigan. Nitong gabi ay tinawagan niya ang dalaga. "Hello Babe" bungad niya. "Hi. How are you?" ngumiti ito ng makita siya "I'm good especially nakita na kita" nakangiting wika din niya. "Ikaw? Where are you?" ng mapansin niya na mukhang asa opisina pa ito. "I'm still in the office pero pauwi na rin" sagot nito. "At this time?" may pag-aalalang tanong niya "It's late already, buti sana kung andyan ko to pick you up" "Don't worry" pagbibigay assurance ng dalaga "Kaya ko to. How is Karla?" pagiiba nito ng topic. "She is doing fine. Nagreresponse naman sa last chemo" wika niya "Anyway, doing anything this weekends?" "Wala naman, sa condo lang" sabi ng dalaga "Why?" "Ah, wala naman, it just that I miss you so much.." malambing niyang sabi "Can't wait sa vacation natin sa Coron, next week". Hindi naman niya sinabi dito na uuwi siya ng weekends para masorpresa na rin ito "I miss you too. I see you soon Babe." Sabado ng hapon ang nakuha niyang pinaka maaga flight pabalik ng Manila. Pagkarating nya airport sa Manila ay dumeretso muna siya ng kanyang unit upang ibaba ang kanyang mga gamit. Mamaya niya susurpresahin ang nobya sa kanyang pagbabalik. Napagod siya sa byahe at piniling magpahinga saglit. 7:30 ng gabi na siya nagising mula sa pagkakaiglip. Hinagilap niya ang kanyang cellphine upang tawagan si Halene.Sinabihan niya ito na mapapaaga ang pagpunta ng Palawan. Mukha naman naexcite ang dalaga sa pagkakasabi niya ng balita ngunit ang hindi nito alam ay nandito na siya ng Manila at sabay silang pupunta ng Palawan. Pagkatapos niyang tumawag sa dalaga ay bumangon na siya at saglit lumabas upang bumili ng bulaklak na ibibigay sa dalaga. Bumili na rin siya ng makakain para sa kanilang dinner. Naisipan niyang sa unit na lang dalaga maghapunan upang mas mahaba pa ang gabi na magkasama silang dalawa. Paakyat na siya ng elevator ng muli niyang tawagan si Halene, ngunit hindi na nito sinasagot ang tawag niya. Nang asa pinto na siya ng unit nito ay sinubukan niya uling tumawag ngunit wala siyang naririnig sa loob ng unit nito na nagriring. Hindi niya mabuksan ang pintuan sapagkat naibalik na niya sa dalaga ang duplicate key nito. Tumawag uli siya kay Halene, ngunit wala pa rin sagot. "Bakit ayaw mong sagutin" inis niyang bulong sa sarili. Tiningnan niya ang oras, mag-aalas nuwebe na iyon ng gabi. Bumababa siya sa kanyang sasakyan ng maisipan tawagan si Carlo. Si Nessie sana ang tatawagan niya ngunit wala pala siyang numero nito. Nakatatlong tawag sa pinsan bago ito sagutin. "Hello Brad" naiinis na niyang sabi sa pinsan. Naririnig niya na medyo maingay ang kinaroroonan ng pinsan "Hello Neo!" sigaw nito "Wait, I'll go outside" "Is Nessie with you?" tanong niya ng magkarinigan na sila."Could you ask her, if she knows where Halene is?" pakiusap niya dito "I've been calling her several times, pero hindi nya sinasagot. I'm here in the condo right now at wala siya dito" "Oh, Halene is with us" sagot nito "Hindi ba nagsabi sayo?" takang tanong nito "Anong nagsabi?" nakunot na ang noo nya sa inis. Wala siyang maalala na binangit ni Halene sa kanya. "Asan kayo?" "Andito kami sa bar brad, ung kinakantahan ni Hal ngayon" banggit nito "She is performing inside" Naiinis siyang binababa ang telepono. Siya pala ang nasopresa sa ginawa ng nobya. Ang usapan nila ay hindi muna ito pupunta roon lalo na at hindi siya kasama. Iba kasi ang kutob niya sa Mark na iyon alam niyang may hindi mabuti itong gagawin kay Halene. Mabilis niya pinatakbo ang sasakyan papunta ng bar. Nang makahanap ng pagparkingan ay dali dali siyang pumasok sa bar. Nakita niya si Halene na nagpepeform pa rin. Malungkot na kanta ang tinutugtog nito. Nakasukbit ang gitara at dinadamdam mabuti ang pagkanta. Go easy on me, baby I was still a child Didn't get the chance to Feel the world around me I had no time to choose What I chose to do So go easy on me Ito ang lyrics na kinakanta ngayon ng nobya, napakaganda talaga ng boses nito. Kung anung ganda ng itsura ay siya ring ganda ng boses nito kaya hindi siya nagtataka kung bakit ang daming humahanga dito. Nagpalakpakan ang mga tao ng matapos ang kantang iyon ng dalaga. "Guys, thank you so much! I hope you enjoy this set much as I do! Good night!" Paalam ng dalaga. Saglit lamang ay wala na ito sa stage. Kaya dali dali niyang hinanap ito. Nakita nya sina Nessie at Carlo, malapit sa stage. "Where is Halene?" Tanong nya kay Nessie. Hindi na ito nagulat ng makita siya. Hindi na ito nakasagot sa kanya ng sinagot nito ang cellphone na hawak. "Hello, Hal?" sagot nito "Where are you? Hal? Hal?" humarap sa kanya si Nessie. "She is not answering Neo. I heard someone , pero unclear" sabi nito, na nagalala na "Anong hindi sinagot?" nagalala na siya "s**t" dali dali niyang hinanap sa back stage ang dalaga "Carlo! pumunta ka sa parking lot look for Halene there" Dali dali itong lumabas "Nessie come with me" utos niya kay Nessie. Naisipan niyang unang puntahan ang rest room. Malapit na sila dito, ng makita ni Mark na akay akay nito si Halene. Biglang naningkit ang mga mata niya at walang anu ano ay nilapitan niya ito at nagpakawala ng suntok sa lalaki. "Damn you! Don't touch her!" sapo nito ang pisngi. Si Nessie naman ang umalalay kay Halene na walang malay. Tamang tama naman ang dating ng mga securities at kinuha si Mark. "Sige sir, paki labas na po yan" sabi ng isang waiter sa guard. Napagalamanan nila na nakita pala ng waiter na iyon na tila my nilagay na pulbos si Mark sa inumin ni Halene kaya agad itong tumawag ng guard upang sundan si Mark. Walang tigil sa paghingi ng tawad naman si Soffie sa nangyari at nangako na hindi na pababalikin si Mark sa bar. Nangako ito na magsasampa ng kaukulang aksyon. Ngunit nakiusap siya na ipagsabukas na iyon sapagkat kailangan na niyang maiuwi si Halene. "Neo, please don't be hard on Hal" narinig niyang sabi Nessie bago niya ipasok sa sasakyan si Halene "Ako, nagpilit sa kanya pumunta dito" "Goodnight Nessie" tipid niyang tugon dito "I'll give you a call, pag nagising na sya". "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD