Chapter 26- Intention

770 Words
Halene Nakabihis na si Halene at handa ng umalis ng tumawag si Neo sa kanya. "Hello Babe." bati nya dito "Hi, I miss you lang kaya napatawag" sagot nito "Ilang araw na lang naman" sabi ko na lang dito. "Anyway, baka mapaaga ung punta mo dito. Makakapaalam ka ba sa boss mo if ever madagdagan ang araw ng vacation mo?" tanong nito "How early?"balik tanong niya na may halong kaba. "Tuesday perhaps?" "Okay babe, I'll ask. Sabihan kita on Monday kung papayag" tumitingin siya sa orasan, anytime ay darating na ang kaibigan at nobyo nito para sunduin siya. "Sige babe, i'll go ahead may gagawin lang ako" nagmamadaling paalam nito "I love you" "I love you too. See you on Tuesday?" sabi niya "See you." at nawala na ito sa kabilang linya. Dali dali siyang lumabas ng unit. bitbt ang kanyang gitara Nakatanggap na siya ng text na malapit na raw ang kaibigan. Pagkalabas niya sa entrance ng condo building ay nakita niya agad ang sasakyan ng kaibigan at sumakay na doon. Trenta minutos ang ginugol ni Carlo sa pagmamaneho papunta ng bar. Bumababa na sila, Nagpakita muna siya kay Soffie bago siya inihatid nina Carlo at Nessie sa area ng banda. At doon nakita niya si Mark. Nakangiti itong nakatingin sa kanya. "Nes, okay na ako dito." sabi nya sa kaibigan "Okay Bes" tugon nito "Balik kami after 1st set mo pero dito lang kami sa baba para kita ka pa rin namin" "Sige" tipid niyang sabi. Umakyat na siya sa stage para iset-up ang gamit niya. Hindi pa naman ganun kaingay sa lugar kaya narinig niya ng tinawag siya ni Mark mula sa kanyang likuran. "Hi Hal!" narinig niyang wika nito "Long time no see". Humarap siya dito at ngumiti. "Hello Mark" sagot niya "Nice seeing you" ngumiti siya dito. "I'm sorry nung last time'" paghingi uli ng tawad nito. "Okay na un Mark" sabi na lang niya "Ito nga pala ung mga kanta ko sa 1st set" pagbibigay ng papel sa binata. Tiningnan naman ni Mark iyon at binasa. "Bakit parang pang isang set lang ito?" takang tanong nito "1st set lang kasi ung commit ko kay Soffie"sagot na lang niya. "Okay. sige set ko na" at tumalikod nito para ihanda ang gagamitin. Maya maya lamang ay nagsimula na ang tugtugan sa bar. Kinuha niya ang tali ng kanyang buhok at tinali sa mismong stage gaya ng una niyang ginagawa kapag tumutugtog siya. Tinipa niya ang gitara. at narinig niya na pinakilala na sila ng host ng bar.. "Let's all welcome Hallie and the Dark Shades band!" Malakas ang palakpakan ng tao. Lumapit na siya sa mikropono. "Hello, good evening guys! First and foremost I want to greet the Burrito Bar a Happy anniversary!" panimula niya "This song is for you!"at nagsimula na siyang tipahin ang gitara at kumanta. adik sayo awit sa akin nilang sawa na sa king mga kwentong marathon tungkol sayo at sa ligayang iyong hatid sa aking buhay tuloy ang hanap ng isipan koy ikaw Pagdating sa chorus ay sinabayan siya ng mga tao sa pagkanta..... sa umaga sa gabi sa bawat minutong lumilipas hinahanap-hanap kita hinahanap-hanap kita sa isip at panaginip bawat pagpihit ng tadhana hinahanap-hanap kita hinahanap-hanap kita Naenjoy niya ang sunod sunod na pagkanta niya at hindi maitatangi na isa ito sa mga gusto niyang ginagawa. Natapos ang set niya ng nakangiti siya. "Guys, thank you so much! I hope you enjoy this set much as I do! Good night!" Paalam niya. Kinuha niya ang cell phone at chineck un. 10 missed calls mula kay Neo. Dali dali siyang kinuha ang gitara niya at bumababa ng stage at pumunta sa likod upang uminom ng tubig. Kukuha na sana siya ng inumin ng abutan siya ng juice ni Mark. "Oh parang uhaw na uhaw ka." abot ni Mark. Kinuha naman niya ito at ininum iyon. Uhaw na uhaw na talaga siya. "Thank you Mark ha" "Wala un" usal ni Mark "Hindi ko ata nakikita ung boyfriend mo? Ang galing mo pa naman kanina" "He is out of town kasi" sabi lang niya dito "Sige Mark, una na ako ha, punta lang ako ng CR" "Sige" Un lamang ay umalis na siya at pumunta ng rest room mag-ayos. Asa loob na siya ng banyo ng makaramdam ng hilo. Inaantok siya. Pilit niyang kinapa ang kanyang cellphone para tawagan ang kaibigan si Nessie. Naidial naman niya ito at nag-ring. Ngunit paglabas ng banyo ay bumungad sa kanya si Mark. "Hal okay ka lang" tanong ni Mark ng nakangisi. Hindi na niya nasagot ito at si Nessie sa telepono. Tuluyan ng nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD