Chapter 25- Without Permission

1047 Words
Halene Para sa kanya, napakahaba ng isang linggo wala si Neo. Araw araw naman itong tumatawag ngunit iba pa rin ang pakiramdam na kasama niya ito ng personal. At upang makalimot siya ay naging abala siya sa trabaho. Nagheads up na rin siya sa kanyang boss tungkol sa pagleleave niya ng tatlong araw sa susunod na linggo. Abala siya sa pagaayos ng plates ng may tumawag sa kanya. Si Nessie iyon. "Bes!" bungad nito sa kanya. "Soffie is looking for you. Hindi ka na raw niya macontact." Si Soffie ang pinsan nito na may ari ng bar na kinakantahan niya noon. "Oh bakit daw?" usal nya. "Eh kasi diba anniversarry ng bar?" sabi pa nito. At saka niya naalala, na isa siya lagi sa mga special guests ng naturang bar kapag dumadaan ang anniversary nito. Nitong nakaraang dalawang taon lang naman siya madalas pumunta doon sa kadahilan gusto niyang makalimot. "Oo nga pala" alaala niya. "Are you going?" tanong nito "I mean, I know what happened pero nakikiusap sakin si Soffie and she knew what happened. Kinausap na niya si Mark na the band will be out kapag nangyari uli" pilit nito. "I am not really sure Nes" pag-aalalang sagot niya "Neo, would not like the idea" hindi na kasi siya hinayaan ng binata pumunta ng bar mula ng may pagtatalo naganap sa pagitan nila Mark. Natatakot ito na baka sa susunod ay iba na ang magawa nito sa kanya. "Ganito lang, i'll give Soffie your new number" pagbibigay ideya nito "Then, bahala na kayo mag-usap" "Pwede naman" sang-ayon niya "Basta, let me know" dugtong nito "Para we will come with you ni Carlo kung baga bantay sarado ka namin para hindi ka magulo ni Mark" "Ang OA mo Nes ha." natatawa niyang sabid. Minsan talaga may pagka-OA itong kaibigan niya. "Or wag ka muna magpaalam dyan sa overprotective mong new boyfriend" loko pa nito. "We will take you home in no time" "Sige na, ang dami mong kalokohan na alam." umiiling siya sa ideya . "Okay, i'll let you know kapag nakapag-usap na kami ni Soffie" yun lamang at binababa na niya ang telepono. Makalipas lamang ng isang oras ay may tumatawag na sa kanya na unknown number. Nag-aayos na siya ng sarili para sa pagpasok niya. Dinampot niya ang telepono at sinagot iyon habang papalabas ng unit. "Hello" she answered. "My Gosh!" nakilala niya ang boses ni Soffie "Finally! na contact na kita" "How are you Soffie?" kamusta niya dito "It's been a long time" papunta na siya sa may elevator "Namention na ba sayo ni Nerissa?" narinig niyang tanong nito. "I am still thinking about it Soffie" pagamin niya dito "Why?" may patatakang tanong nito "Dati naman, kapag nakikiusap ako sayo pumapayag ka agad" "It just that.." nahihirapan siyang tumanggi dito "Ayoko lang kasi mag-away kami ng boyfriend ko" "Oh my god!' bulalas pa nito "May boyfriend ka na? Congratulations! Edi, isama mo na lang siya?" kulit pa nito. "He is out of town" sagot niya "Please!!! kahit isang set lang? The people are excited to see you" pangungulit nito. Alam niya hindi ito titigil at hindi niya ito matiis. "Okay. okay!" payag na lang niya "but just one set" "Yes!" natutuwang usad nito "Hindi mo talaga ako matiis. I love you girl!" "Sige na, papasok na ako" asa sasakyan na siya nun. Pagkababa ng telepono ay inistart na niya ang sasakyan at pinaandar iyon papaunta ng site ng kliyente nya. It was 8pm, tiningnan niya ang bintana sa labas ng kanyang opisina. Nagovertime na lang siya. Hindi niya pa natatwagan si Nessie para ibalita dito ang pagpayag niyang kumanta sa bar ng pinsan nito. Sinapo niya ang sanyang sintido. Napagod siya ng araw na iyon dahil pag kagaling sa isang kliyente at tumuloy siya sa bahay na pinapagawa ni Neo. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa opisina para ipagpatuloy ang kanyang trabaho. Pumikit siya sandali. Maya maya pa ay nagring ang telepono nya. It was a video call from Neo. Sinagot niya ito. "Hello Babe" bungad ni Neo. "Hi. How are you?" ngumiti siya dito. "I'm good especially nakita na kita" nakangiting wika. Napakaguwapo talaga ni Neo, sa isip-isip nya. "Ikaw? Where are you?" tanong nito. "I'm still in the office pero pauwi na rin" sagot niya "At this time?" may pag-aalalang tanong nito "It's late already, buti sana kung andyan ko to pick you up" "Don't worry" pagbibigay na lang nya ng assurance dito "Kaya ko to. How is Karla?" pagiiba ng topic. "She is doing fine. Nagreresponse naman sa last chemo" wika nito "Anyway, doing anything this weekends?" Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Ngayon weekends sya nagbabalak pumunta ng bar para pagbigyan si Soffie at nagdadalawang isip siya kung sasabihin pa sa binata ang balak nya. Sa ngayon ay ililihim na lang muna niya sapagkat ilan araw pa naman bago ang pagpunta nya. "Wala naman, sa condo lang" pagsisinungaling niya. "Why?" "Ah, wala naman, it just that I miss you so much.." malambing nitong sabi "Can't wait sa vacation natin sa Coron, next week" "I miss you too" kinikilig niyang wika dito. "I see you soon Babe" "I think we should continue our call kapag nakauwi ka na" paalam nito "Text me when you are home and I call you okay? I love you" "Okay. I love you too." binababa nya ang telepono at tinawagan si Nessie. "Hello Nes?" tanong niya sa kabilang linya ng sinagot ito. "Bes! Pumayag ka na raw?" sagot at tanong nito. "Favor?" request nya sa kaibigan. "Could we keep this, just this kay Neo?" pakiusap niya "Pasabihan na lang si Carlo" "Loka ka! Wag mong seryosohin ung idea ko." natatawang sabi nito. "No, I think huwag ko munang sabihin. Saka na lang siguro" pagbibigay ng katiyakan dito. "Okay Hal." suko nito "Sunduin ka namin sa Saturday night." "Sige. Uuwi na rin ako" paalam niya rito. Inayos na niya ang mga gami at bumababa sa kanyang kotse. Hindi niya alam ang magiging reaksyon ni Neo kapag nagpaalam siya pupunta sa bar pero ang nakakasigurado siya ay hindi nito magugustuhan ang desisyon na iyon. Naiisip na lang nya na kung si Joshua iyon malamang ay hindi rin siya payagan pero alam nya maiintindihin sya nito at iyon ang hindi niya nasisigurado kay Neo, kung maiintindihan siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD