Chapter 24- Regrets

676 Words
Neo Nagprisintang si Halene na hihatid siya sa terminal 3 ng airport. Bumababa siya ng sasakyan upang kunin ang mga gamit niya. Sinundan naman siya ni Halene. "Babe, I have to go. See you in three weeks" Paalam niya dito. Niyakap naman siya ng dalaga at hinalikan. Gumanti naman siya sa halik nito. "Babe, please come back to me okay?" may pagaalala sabi nito "Babe, I'll be gone for just 3 weeks and you will follow me there diba?" nangingiti niyang wika rito. Tuwang tuwa ang puso niya sapagkat mas naging expressive na si Halene sa kanya. "Sige na, I'll see you in three weeks or maybe earlier. I'll call you." paalam niya rito. "I love you" sabi niya at sabay halik ng mabilis sa mga labi nito. "I love you too" at sumakay na ang dalaga sa sasakyan. ********************************************** Mabilis lumipas ang isang linggo at kahit papano ay nagiging mabuti ang lagay ni Karla. Walang araw na hindi siya tumatawag kay Halene. Miss na miss na niya ito. Naputol ang pag-iisip nya sa beranda ng mapansin niyang papunta si James sa kinaroroonan niya. "Neo, here" inabot nito ang isang bote ng beer sa kanya. "Thank you" pagkakuha niya ng beer "How's Karla?" tanong niya "She is sleeping and much better this week" wika nito. Katatapos lang ang pangalawang session ng chemotherapy nito. "That's good to here James." "When are you going back in Manila?" tanong nito sabay tungga sa beer na hawak. "Depende sa lagay ni Karla" sagot niya kay James. Malaki ang pinayat nito marahil sa sobrang pag-iisip kung paano tutusan ang asawa at iba pang bagay. Buti na lamang ay may kasambahay siyang kinuha upang alagaan ang dalawang gulang na anak nito. Maliit na bagay na tulong na para sa tao na para na niyang kapatid. Tumingin siya dito "Pare" nagsimula na itong umiyak "I'm so sorry napabayaan ko si Karla" napaupo ito sa upuan. "During our first year, I thought everything was perfect" humihikbi nitong kuwento "And then, nangyari ito. Hindi ko alam ang gagawin kapag mawala si Karla. Neo" "Be strong, James. Malalampasan nyo rin ang pagsubok na to. Kailangan ka ng mag-ina mo." Sinipat niya ang balikat nito. Kinaumgahan ay nakita niya si Karla sa labas ng beranda na nakaupo sa wheelchair. Nilapitan niya ito. Halata dito ang paghihirap sa nilalabanang sakit. “Hello Karla” bati niya rito. Pilit tumingin sa kanya si Karla. “Hi Neo” may ngiting wika nito. “You are still here” “Ensuring you are okay first” sabi niya rito. Nginitian niya ito. “Okay na ako. Thanks to you.” “That’s good to hear” Panandalian tumahimik. Pinagmamasdan niya si Karla. Ito ang unang babae na niyaya niyang pakasalan. Beautiful and young Karla. Ngunit sa isang iglap ay kinain ng sakit ang kagandan at lakas nito. “You look good Neo” putol ni Karla sa iniisip niya “You already met someone?” Ngumiti siya at marahang tumango. Ganting ngumiti ito sa kanya. “Is she beautiful?” tanong nito “She is.” “Do you love her?” tumango sya bilang pagtugon. “Very much” dugtong niya. “What’s her name?” sunod nitong tanong. “Halene” bigkas niya. Tumingin muli ito sa kaniya. “Neo” ngumiti ito. “I never had the chance to say sorry” Tinitigan siya nito. “Okay na tayo Karla,” sagot niya “You are my friend first. I’ll help hangga’t kaya ko” Ngumiti ito “I am sorry Neo and I am really happy, that you found someone” nakatitig lang ito sa kaniya. “My only regret in life ay nasaktan kita and I’m glad na hindi tayo nagkatuluyan” pagbibiro nito. Tumawa siya sa turan nito. “Hope I could meet Halene, soon” request pa nito. “You will” pangako niya dito “For now, you have to rest.” Hinila niya ang wheel chair at dinala sa silid nito. “Thank you Neo, for everything” pasasalamat pa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD