Halene Naghahanda si Halene ng mga gamit na dadalhin niya sa Laguna ng makaramdam ng kaba. Hindi niya alam kung bakit, siguro dahil sa unang pagkakataon ay sa labas ng syuyadad ang area ng site niya. Binalewala niya ang nararamdaman at patuloy sa pagiimpake. Maaga siyang natulog para maaga makaalis kinabukasan papuntang Laguna. Maganda ang apartment na inupahan ng kanyang firm, kumpleto ito sa gamit at tamang tama pa sa kanya na nag-iisa. Pinasok niya ang kanyang mga gamit. Naligo at nagbihis, nanood lang siya ng T.V. maghapon upang hindi naman siya puyat para sa bukas na first meeting nya sa may-ari ng itatayong planta. It is a sunny day. Nakisama ang panahon sa first day niya. Nag-ayos siyang mabuti para mukha naman siyang presentable sa mga bago niyang client. Kinuha niya ang

