Neo 3 years ago.. Gumising siya sa loob ng isang silid. Hinapo niya ang kanyang ulo sapagkat nakaramdam siya ng sakit doon. Lumibot ang paningin niya sa puting silid na iyon. May nakita siyang isang babae na nakaupo sa gilid niya na nahihimbing sa pagtulog. Sa tingin niya ay asa late 30's na ito. Kulay kayumanggi ang buhok nito na hanggang balikat. Tiningnan niya ito ng maiigi, ngunit hindi niya mamukaan kung sino ito. Maya maya ay naalimpungatan ito at nakita siyang gising. "Oh my god, you are already awake" nag-aalala nitong wika. Lumapit ito at hinawakan ang kanyang kamay. Muli ay pinagmasdan niya ito. "Wait, i'll just call the doctor" bigkas pa nito. Lumabas ito at ng makabalik ay may kasama ng doktor at isang may edad na lalaki. Tinitigan niya ito ng maigi. He was so confused,

