Chapter 22- Meeting the family

1252 Words
Neo Natawa si Neo sa reaksyon ni Halene. "She is not going to bite you" "Last month kasi nung huling punta ko sa kanya, since I'm going back to the States and I want my last week here to be with you, I need to visit her today." patuloy niya. "Sige na Neo" pagpayag nito "Besides ikaw ang nagmamaneho, you could take me where you want" biro nito Ngumiti siya at sumulyap sa dalaga "Malapit na tayo" Makalipas lang ang ilang minuto ay nakarating na sila sa bahay ng Mommy nya. Malaki ang bahay ng mga magulang nya. Medyo may kalumaan ang disenyo ngunit namamaintain naman ng maayos iyon. Pinagbuksan siya ng gate ng isa sa mga kasambahay ng kanya Mommy. "Sir, buti nadalaw kayo." bati ni Aling Lucy pagkababa nila ng sasakyan. "Nandito, rin kasi si Ate Maggie nyo" tukoy nito sa kapatid niyang babae." Kinuha niya ang kamay ni Halene at pinakilala sa kasambahay. "Halene si Nanay Lucy. Nanay Lucy si Halene po, girlfriend ko". Hindi naman niyang nagprotesta si Halene sa pagpapakila niya nito kay Nanay Lucy. Nagmano naman ang dalaga dito at matamis na ngumiti. "Hello po Nanay Lucy, nice to meet you po" "Ay, magandang tanghali mam" nakangiting ganti nito "Pagkaganda mo naman" puri ng matanda dito. "Naku, salamat po" nahihiyang sambit ni Halene. "Hay naku, halina kayo at panigurado matutuwa ang mommy at ate mo kapag nakita ka" pagaaya nito sa kanila. Nang makapasok sa loob ng bahay ay agad siya nakita ng mga pamangkin niyang kambal. "Tito!!!" nag-unahan itong yumakap sa kanya "Tito, where have you been? sobrang miss ka na namin." sabi ni Pauline, ang batang babae sa kambal "Oo nga tito" pagtatanong din ni Paul "Busy lang si Tito. Para naman hindi nyo ako nakikita sa U.S." panggugulo ng buhok sa batang lalaki. "Sya nga pala" hinatak niya ang kamay ni Halene at pinakilala "Meet, my beautiful girlfriend, si Tita Halene. Babe, Pauline and Paul our kambal" Ngumiti si Halene sa mga bata. "Hello, Pauline and Paul, nice meeting you two" nakipagshakehands ito sa kambal "Ang gaganda nyo naman mga bata" "Pogi ako tita" biro ni Paul "Ay, sorry. sige you are handsome like your Tito" ganti biro ni Halene sa bata. *********************************************** Halene Tinitigan siya mabuti ni Pauline ng bigla itong magsalita "Tita, you are so pretty naman" turan nito " Sana you would not hurt Tito kagaya nung Karla ba yun Tito" sabay tingin kay Neo. "Sssh..Ano ka ba Pauline" saway ni Neo "Asan ba ang mommy nyo at lola?" pagiiba nito ng usapan nito "Neo?" napatingin siya at si Neo kung saan nagmula ang tawag na iyon. Isang may edad na babae ngunit bakas pa rin ang pagkasopistikada nito, ang lumabas mula sa isang silid ng bahay. Hula niya ay itong ang ina ni Neo. Lumapit si Neo dito ay yumakap "Hello, Mommy". Gumanti naman ng yakap ito at saka bumaling sa kanya. "Oo nga pala Mom, Halene my girlfriend." pagpapakilala nito sa kanya sa ina. Sa totoo lamang ay wala talagang kaso sa kanya maging nobya ng binata sapagkat may nararamdaman na nga siya para dito, kaya sa tuwing pinapakilala siya nito bilang girl friend ay wala siyang palag o pagprotesta. "Good afternoon po Ma'am" medyo kinakabahan niyang bati sa nanay nito. Pinagmasdan naman siya ng ginang ng may ngiti. Niyakap siya nito ng may kagalakan. "Hello hija, It is really nice to meet you." pagkawala mula sa yakap "Finally and please call me Tita" bigkas pa nito. Nakaramdam naman siya ng kaluwagan at ginantihan ng matamis na ngiti ang ginang..Biglang lumabas ang dalawang babae sa pinto kung saan lumabas ang ginang. "Neo!!" medyo kahawig niya ang unang babaeng lumapit dito. Niyakap nito si Neo "Bakit ngayon ka lang nadalaw? Matagal ka ng inaantay ni Lisa" sabi nito ng pakawalan siya ng babae. "Lisa?" kunot na tanong ni Neo, sabay tingin sa isang babae kasama nito. Matangkad ang babae at maganda na may pagkamataray ang features nito. Balingkinitan din ang katawan at sa tantya nya ay kaedaran nya ito. "Ikaw na ba yan? Long-time no see!" "Yes Neo it is me!" Niyakap nito ang binata at hinalikan sa pisngi "Grabe ka! Bumalik ka na pala dito. Hindi mo lang ako sinabihan" na tila nagtatampo nitong tura. Taas kilay napadako si Lisa sa kinaroroonan nya. "Sino sya? Bago mong secretary?" nangingiti nitong tanong. Kumalas sa pagkakayakap nito si Lisa at bumaling sa kanya. Kinuha nito ang kamay niya na lalong kinataas ng kilay ni Lisa. "Ate Maggie, Lisa before I forget, this is Halene my girlfriend" pagpapakilala nito sa kanya "Halene si ate Maggie, nanay nung kambal and Lisa bestfriend ni Ate Maggie at kababata ko" "Hello. Nice meeting you Ate Maggie and Lisa." ngiti niya at paglahad ng kamay Lisa na pilit naman nitong tinanggap. Samantalang, lumapit sa kanya si Maggie at niyakap. "Nice meeting you Halene. It is really good to know that may girlfriend na sya uli" "Ate" saway ni Neo.. "Bweno! Halina sa hardin ng makapananghalian" putol sa asaran ng magkapatid. Naunang naglakad sina Maggie kasama ang kambal, si Lisa at ang nanay nito papuntang hardin ng bulungan siya ni Neo. "See, they like you" dinala nito ang kamay niya sa mga labi nito at hinalikan. Sa hardin habang kumakain ay panay tanong sa kanya ni Pauline. Natutuwa siya sa bata sapagkat sa murang edad ay parang ang dami na nitong gustong malaman. "Tita Halene, where did you meet ang Tito ko?" sunod na tanong nito. Tiningnan niya si Neo, nakatingin lang ito sa kanila na tila nakikinig. Ganun din ang ibang kapamilya nito at si Lisa. Nilipat niya ang mga mata kay Pauline at sinagot ito ng nakangiti. "I was about to go home,, driving when I accidentally bumped the car of your Tito's" pagkukuwento niya "And I am also her architect dun sa new house nya, sa may Antipolo" "You are his architect?" tanong ng Mommy ni Neo. Binaling naman nya ang tingin dito. "Ah yes po Tita" sagot niya "My friend Nessie recommended me to Carlo which happens to be Neo's cousin" she explained. "Ay wait" narinig niyang sabi ni Maggie "You mean Nerissa, Carlo's girlfriend?" tanong nito. "Yes, Nerissa Buenaobra" she verified. "Oh I see" ngumunguya pa nitong sabi "Hindi naman ikaw ung friend nya na matagal na naggrigrieve noh?" Medyo nabilaukan siya sa tanong nito. Agad naman binigyan siya ni Neo ng tubig at agad hinagod ang kanyang likod "Are you okay babe?" "Yes I'm okay" assurance nya dito. Bumaling siya dito "Ha? You were asking?" "My question was, hindi naman ikaw ung friend nya na matagal na naggigrieve?" ulit nitong tanong "I mean, I bet madami namang friend si Nerissa, kaso her story really captures my interest" tumingin ito sa kanya. "I am not really sure" sagot niya rito "but I went on that stage, pero like others, I moved on" naramdaman niyang hinawakan ni Neo ang kanan nyang kamay. "Ate, stop asking silly questions" natatawang pigil ni Neo. "Okay bro, just asking" natatawang suko ni Maggie sa kapatid. "Excuse me, I just need to go to the rest room" pagiiba niya ng topic. She really need to breathe mula sa kapatid nito though wala naman itong nasabing mali ngunit para sa kanya ay may ibig sabihin ang tanong nito. Tumayo siya ng hawakan ni Neo ang kamay niya "You want me to come with you?" tanong nito "No you stay here, mahahanap ko naman restroom" "Okay, just turn left paglabas mo dyan sa pinto." "Sige." tipid niyang tugon dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD