Neo
Mabilis na lumipas ang tatlong na buwan na magkasama sila ni Halene. Tatlong na buwan na rin niyang iniiwasan angkinin ito. Matapos ang araw na umuwi itong lasing ay nangako siya sa kanyang sarili na sa susunod na may mangyari sa kanila ay mahal na siya nito. Iniiwasan na rin niyang magtagal sa unit ng dalaga at madalas niyang yayain ito sa labas. Nagtataka rin siya sa sarili na natitiis niyang hindi yapusin si Halene pero madalas pa rin niyang itong nahahalikan ngunit hanggang doon na lamang ang naibibigay niya.
Asa harapan siya ngayon ng unit ng dalaga. Pupuntahan nila ngayon ang bahay na pinapagawa niya. Nangangalahati na rin ang konstruksyon nito. Katulad ng usapan nina Eric at Halene. Salitan sila sa pagbisita ng site para siguraduhin ang maayos ang paggawa nito.
Magdodoorbell na muli sana siya ng bumukas na ang pinto nito. Maasiwalas ang mga ngiti nito sa kanya.
"Good morning." bati nya. "Ready?"
"Good morning Neo." ngiti naman ni Halene. "Yes, ready"
Lalabas na sana ng pintuan ang dalaga ng dampian niya ito na magaan na halik sa mga labi. Ngumiti naman uli si Halene pagkatapos ng mabilis na halik na iyon. "Let's go" narinig niyang sabi ni Halene.
Kinuha niya ang kamay nito at sabay pumunta ng elevator.
Sa kotse habang nagmamaneho siya, ay nagpaalam siya sa dalaga na pupuntahan niya uli si Karla sa Palawan.
"I'll be gone for a couple of weeks. Two to three weeks. Sa Palawan. Tomorrow night ang flight ko" paalam niya kay Halene. Tiningnan siya ni Halene.
"Ganun katagal?" tanong nito.
"Depende sa lagay ni Karla" sinulyapan niya uli ito at itunuon ang tingin sa daan.
"Diba babalik ka na rin sa U.S.?" pagiiba nito.
"Yes, pero sa katapusan pa un. Babalik naman ako agad pagkatapos nun" nagtatakang sagot naman niya. "Teka, sa Palawan ang paalam ko babe."
"Yeah, alam ko, three weeks ka dun and then after a week aalis ka na uli." may halong lungkot nitong sabi
"One month lang ako sa U.S. need to fix things before I could stay here for good. Yung sa Palawan biglaan iyon" pagbibigay assurance kay Halene "James, called me. Karla, is weak babe." sulyap sa dalaga.
"Okay, I understand"
"What if, you file a 3-day leave sa last week ko sa Palawan?" pagbibigay nya ng idea dito "Then follow me there, let's have a vacation, sabay na tayo umuwi here in Manila" ngumiti siya. "What do you think?"
Tila naman nagustuhan iyon ni Halene. "That would be great"
"I'll fix everything"
Nang dumating sa site ay nakita niya si Eric na abala sa pakikipagusap na tila nagmamanndo sa foreman.
"Goodmorning Eric" bati niya dito.
"Uy Neo" nakasanakayan na nila ang first name basis. Nawala ang inis niya rito paunti unti. Napagalamanan niya na may long-time girlfriend ito at malapit na rin ikasal. Bumaling ito kay Halene.
"Hello Halene. Kamusta?" bati naman nito sa dalaga.
"Hi Eric. How's the construction going?" lapit nito dito.
"Everything is great may kaunting problema lang." sagot nito. "C'mon I'll walk you sa loob, ipapakita ko sayo" yaya ni Eric.
Nang biglang tumunog ang cellphone nya. Ang mommy nya ang rumehistro dito. Isang buwan na mula ng hindi siya nakakadalaw dito. Sinyasan niya sila Eric na mauna na at sinagot ang telepono.
"Hello Mom"
"Hello Neo, aba naman when do you plan to visit me again?" singal ng nanay niya.
"Take it easy mom" natatawa niyang tugon sa nanay niya. "Medyo busy lang ako"
"Balita ko kay Carlo may kinababaliwan ka na naman babae?" paguusyosyo ng ina.
Loko talaga itong Carlo, wala sana muna siyang balak ipaalam sa ina hanggat hindi pa sigurado si Halene sa nararamdaman. Katulad niya, ayaw niya itong masaktan kagaya ng nangyari sa kanya kay Karla.
"Mom, everything is under control. I'll try to drop by today okay?" sabi na lang niya sa ina.
"Mabuti pa nga." at un na lang at tinapos na nito ang tawag mula sa ina.
******************************************************
Halene
Sino kaya ang kausap ni Neo. Tanong niya sa sarili. Si Karla kaya? sabi ng isang parte ng isip niya. Ang arte mo kasi girl, kunwari ka pa! Todo effort na nga ung tao sayo sabi naman ng tila evil side nya. Sa loob ng tatlong buwan ay hindi man lang nagtangkang siyang hawakan ng binata ngunit patuloy pa rin ang paghalik nito sa kanya na kinakikilig niya. Oo, kinilikig siya sa tuwing may ganung gesture si Neo ay hindi niya maitatangi na nahuhulog na ang loob niya sa binata. Mahal na nga ata niya ito ngunit nadadalawang isip siyang sabihin dito, sapagkat nakakaramdam pa rin siya ng guilt sa dating nobyo.
"Hal! Tots!" narinig niyang tawag ni Eric sa kanya. Masyado na palang malalim ang iniisip niya.
"Ha?" nagtataka ka niyang baling kay Eric.
"Sabi ko, nagkaroon ng lack of communication sa pagbili ng mga materyales" sabad ni Eric sabay tingin kay Neo na may kausap sa telepono. "at saka wag kang mag-alala kay Neo Tots, mahal na mahal ka nyan." sabay sabi nito at bumalik ang tingi sa kanya.
Tumawa siya ng mahina "Dami mong alam."
"Naman, para san pa at naging kaclose mo ako nung high school" natatawang wika nito. "Pero on the serious note, I could read a guy na pareho ko when it comes to relationship and Neo is one of that kind" seryosong payo nito.
"Alam mo Eric, magtrabaho na lang tayo pwede." natatawa niyang yaya sa lalaki. Tumatawa naman ito sa turan niya. "Boyfriend mo naman di ba?"
Minasdan niya si Neo. "Sort of, masaya akong kasama sya"
"Oh masaya naman pala eh, un naman ang importante ang masaya ka." wika pa nito "And you glow differently kapag you are with him."
Napailing siya. Nakita niya si Neo na papalapit sa kanila.
"So, what is the issue?" tanong ni Neo ng makalapit ito.
"Nagkaroon lang ng miscommunication sa pagbili ng materials." tugon ni Eric. "Mga sub standards ito, kaya pinabalik ko para mapalitan ng tama."
"Madedelay tayo ng kaunti Eric?" tanong niya kay Eric.
"Kaya naman habulin, ung schedule, sinabihan ko na si foreman" sagot ni Eric.
"Sige ako na lang punta next time to check." sabi na lamang niya. Si Neo ay nagmamasid lamang sa paligid ng tinawag siya.
"Excuse me Eric, okay lang ba hiramin ko lang si Halene today, may pupuntahan lang kami" paalam ni Neo kay Eric.
"Ah sige okay lang, you are here tom Tots?" tanong ni Eric at sabay tanong sa kaniya.
"Yes. I'll be here" tugon niya.
"Good" tipid na wika ni Eric.
Tumingin naman siya kay Neo, "San tayo pupunta?" tanong niya dito
"Sa kotse ko na sasabihin. Let's go" sagot nito. Bumaling siya kay Eric "Eric una na kami"
"Sige. see you tom Tots" bago sila umalis.
Nasa loob na sila ng sasakyan ng may sabihin uli si Neo.
"My mom called me. She invited me to drop by sa kanila" panimula nito "I think this is the time you meet her" sabay kindat sa kanya..
"Ha?" bigla siyang kinabahan sa balita nito "Bakit naman bigla bigla?" tanong niya sa binata.
"Nothing to worry about. My mom is great and she'll love you"
Bumuntong hiniga. "Kinakabahan ako Neo." The last time she was nervous sa ganitong scenario ay ng ipakilala siya ni Joshua sa mga magulang nito.
Tumawa si Neo sa turan nya. "She is not going to bite you"