Halene
Gumising siya na sobrang sakit ng ulo. Naparami ang inom niya kasama si Nessie kahapon at malamang ay ito ang naghatid sa kanyang condo. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagpaalam sa kanyang boss na hindi muna makakapasok sapagkat may sakit siya. Nahihiya siya rito dahil kasalanan naman niya kung bakit siya may sakit ngayon.
"Nessie" tawag niya sa kaibigan. Tumayo siya at napansin na nakapantulog siya. Bait talaga ni Nessie, pinalitan pa talaga ako ng damit. Bumabawi siguro. Kausap ang sarili nya. Hindi kasi ugali ng kaibigan na palitan siya ng damit, ang dahilan nito ay kagustuhan niyang maglasing bakit kailangan siya ang mahirapan magpalit ng damit nya.
Nang hindi sumagot ang kaibigan ay lumabas siya ng kanyang silid. "Nessie!" tawag niya uli. Kinuha niya uli ang kanyang cellphone at tinawagan ito. Sumagot naman ito agad.
"Hello Nes! Nakapasok ka?" bungad niya dito.
"Oo naman, hindi naman ako bangag gaya mo noh." biro nito sa kanya.
"Akala ko, maabutan kita pag gising ko pero nakaalis ka na." sabi pa nya
"Gaga, hinatid lang kita dyan sa condo mo. Andyan si pogi kanina, inaantay ka" natatawa nitoong turan
"Ha? pero ikaw nagpalit ng damit ko diba? bago mo ako iwan?" nakakunot nyang tanong sa kaibigan
"Hindi po, umalis ako agad kasi nga masyado ng late" paliwanag pa nito "At saka huwag ka na maarte" hininaan nito ang boses "Nakita na naman ni Pogi yan, so okay lang" natatawa nitong usal. "Sige na bababye na"
Pagkababa ng cellphone ay sinapo niya ang ulo nya. Masakit talaga iyon. Kumuha sya ng tubig sa ref upang inumin ng mapansin niya ang paper bag sa ibabaw ng dinning table. Nilapitan niya ito upang tignan. Nanlaki ang mata nya ng makita ang laman nun. Nilabas niya ang laman at tinitigan mabuti. Sakto pagbukas ng pintuan ng condo, si Neo, nakakatitig sa hawak nya.. Tiningnan niya ang binata. Namumula na siya sa hiya.
"Did you buy these?" nakakunot niyang tanong sa binata. Biglang tumawa ng malakas si Neo ng tinanong nya ito. "Why are you laughing? Did you buy these?" naiinis niyang tanong. Lalong sumasakit ang ulo niya dito.
"Hindi ako ang bumili nyan" natatawang sagot nito
"You pervert!" sigaw niya
"Hindi nga ako. Apaka judgemental mo, pero kung ayaw mo naman gamitin ko yan okay lang din" natatawang sagot ni Neo. Nilapitan nya ito at pinaghahampas ang braso nito..Pinigilan namn siya ni Neo, na halatang nageenjoy sa reaksyon nya. "Si Nessie ang bumili yan."
"Liar" hampas uli niya dito. Naiinis na ata ito sa paghahampas nya kaya binuhat sya nito na parang sako at saka hiniga sa sofa. Nilagay nito ang magkabilang kamay sa taas ng ulo nya at dumagan sa kanya
"Kapag hindi ka tumigil, hahalikan kita" banta nito.
"Bakit kailangan mong idamay...." at yun lamang ay sakop na nito ang mga labi nya, Unti unti pinakawalan ni Neo ang mga kamay niya at tila may mga sarili isip ay isinukbit niya ito sa batok ng binata. Nang matapos siya halikan nito ay parehas nila hinahabol ang kanilang hininga..
"You were saying?" bulong ni Neo. Tinayo siya ng binata at niyaya sa may lamesa
"Bakit naman bibili si Nessie nyan?" ng bigla niyang maalala ang usapan nila kahapon. Napahawak siya ng ulo..
"So, naalala mo na?" pansin ng binata
"Oo, hindi ko akalain na seseryosohin niya ung sinabi nya" sabi na lang nya sa sarili. Nakita niya na naghahain ang binata ng pagkain. Hindi niya siguro napansin na may dala itong mga pagkain ng makipagtuos siya.
"Tara na kain na. Alam ko may hang over ka" suyo ni Neo.
Tiningnan naman niya ang binata habang nagaasikaso ito. He is really a nice guy. Hindi ito mahirap mahalin. Ay wait mahal mo na? sabi ng isang parte ng utak niya. Siguro. baka. Sagot naman ng isa.