Chapter 19- Waiting

621 Words
Neo It is already 12mn and Halene is not yet home. Good thing na nanghingi sya ng duplicate key sa dalaga na sinangayunan naman nito. Tinawagan niya ang pinsan sapagakat nabanggit pala ni Halene na makikipagkita ito kay Nessie. "Hello Carlo, I'm sorry for calling you this late" apologizing to his cousin "Hal, mentioned to me na makikipagkita siya ngayon kay Nessie, is it okay if you could contact her? Wala pa kasi si Halene dito sa condo?" "Wait wait brad, wala pa sa condo?" paguulit ni Carlo "Oo" kunot noo sinagot ang pinsan. "Meaning you living together na Brad?" sumunod na tanong nito. "Brad, cocontakin mo ba si Nessie o iinterviewhin mo ako?" inis na bigkas ni Neo sa pinsan "Ah, sige wait, I'll call you later tawagan ko lang." at pinababa na nito ang telepono. Ilang minuto pa ay tumawag uli ang pinsan niya sa kanya. "Brad, on the way na sila, may binili lang daw si Nessie para sayo." sabi ni Carlo sa kabilang linya. "Ano? Anong binili?" "Hindi ko alam brad, paantay na lang kasi bangag daw si Halene. Lasing daw" sabi ni Carlo naghihikab. "Hindi ka ba nagalala kay Nessie?" tanong ni Neo sa pinsan. Nagtataka ito kung bakit hindi man lang alam kung asan ang nobya. "Brad, tawag dun trust. Hindi ung condom ha, tiwala ba." tumatawa na sabi nito. "Kapag kasi sinabi niya kung asan siya at kung sino kasama nya sakin. Okay na ako dun, Basta brad wag mo na kami alalahanin may set up kami dyan" natatawa nitong paliwanag. "Hala sige na, Antayin mo na lang dyan, wag ka magalala, dito naman sakin tuloy ni Nessie." biro pa nito. Trenta minutos ang lumipas ng tumunog ang doorbell. Pagkabukas ng pintuan ay bumungad si Nessie, samantalang si Halene ay karga karga ng guard. Tiningnan niya ng masama ang guard dahil sa mahigpit na magkakahawak nito sa dalaga. Dali dali niyang kinuha si Halene at dinala sa kuwarto nito. "Hala, Neo, aalis na ako madaling araw na may pasok pa ako bukas." pamamaalam ni Nessie "Sandali, madaling araw na. Kung gusto mo dito ka na lang matulog. Bababa na lang ako sa unit ko." sabi niya kay Nessie. "Hay, hindi na" ngumisi ito "Ayaw ko makasira sa moment nyong dalawa" kumindat pa ito sa kanya na tila may alam. "Saglit pala" Kinuha nito ang bitbit na paper bag at inabot sa kanya. "O ayan, ako na bumili. Hindi alam ni Hal yan kasi bagsak na eh" tumatawa nitong usad. "Tsaka mo na buksan" Akmang lalabas na ito ng pinto ng lumingon sa kanya." Please, Neo tyagain mo lang yan si Hal, pasasaan at bibigay din yan sayo." at yun lamang at umalis na ito. Nilock niya ang pintuan at kinuha ang paper bag na bigay sa kanya ni Nessie. Nagulat siya ng makita ang laman nito. Dalawang box ng condoms! at may lubricant pang kasama. Napailing siya sa kaibigan ni Halene. Mukhang naikuwento na nito ang nangyari sa kanilang dalawa. ****************************************************** Pinuntahan niya ang dalaga sa silid nito. Kumuha siya ng palanggana ng may malinis na tubig at bimpo upang ipampunas dito. Nilakasan niya ang loob upang palitan ng damit ang dalaga at ng mapalitan na niya ito ay bigla itong naalimpungatan at nagsalita mag-isa.. "Loko ka talaga Neo eh, ginugulo mo utak at puso ko eh..ikaw ba o si Josh" sabay balik sa tulog. Pilit na ngiti ang binigay nya dito. Mas mahirap pala nakikipagkompetesya sa patay, pero alam niya na dadarating ang panahon na mas mamahalin na sya ng dalaga. Hinagod niya ang buhok nito at hinalikan ang noo. Dahan dahan siyang lumabas ng kuwarto at unit nito at bumalik ng unit niya. Ngayon gabi ay hahayaan muna niyang mag-isa ang dalaga..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD