Halene
“s**t” sabi niya sa sarili nya at biglang napahawak sa kanyang ulo at chineck kung may sugat or tama siya. Nagmamadali siyang bumababa mataas niyang masapat ang sarili, hindi na siya nagalala kung anung oras na iyon. Ang tangi nyang naisip ay humingi ng tawad sa nabungo nya.
“Shock hassle naman, akala ko makakatulog na ako”
Bumababa na rin ang lalaki nabungo nga at chineck ang saksakyan. Hindi na siya natakot, at dali daling lumapit sa lalaki.
“Sir, okay lang kayo?” tanong ni Halene
Humarap ito sa kanya. Napahinto siya at natitigan ito. His eyes have the resemblance to Josh’s. Guwapo ang binata at maganda ang pigura nito. Simple lang ang suot nito. Nakalongsleeve at pantalon. Nakatali ang mahabang buhok.
“It is not okay to stare you know” pambabasag nito. Nagulat at nahiya siya sa turan ng lalaki. Maganda ang boses ng lalaki, malaki at buong buo.
“I’m sorry, may naalala lang ako. Hope you are okay sir” mahinahon nyang sabi dito.
Tiningnan nya ang mga sasakyan, medyo malaki ang damage ang likod nito at ng kanya. Napabuntong hininga sya dito.
“Sir, I am really sorry about this” sabi niya
“Wala naman akong magagawa, andyan na yan” sabi ng lalaki
“Look, I’ll call the police so we could settle things. Ako na bahala sa sasakyan mo” proposal nya.
“Your too small to handle the situation” nakatingin sa kanya ang lalaki.
“Excuse me?” bigla syang kinabahan sa usad nito. Ibinalot niya ang kanyang jacket sa kanyang dibdib. “Just wait here and I’ll call the police” pagkasabi nun ay pumasok sya sa sasakyan nya.
Maya maya pa ay dumating na ang mga pulis. Nakita nya ang kanyang ninong at tsaka sya bumababa.
“Ninong, sorry It was my fault ako ung nakabungo” panimula ko.
“Anu naman iniisip mo Halene ha?” saad ng pulis “Napicturan nyo na ba? Pangalawang beses na ito Halene ah”. Nakabungo na rin kasi sya noong nakaraang taon, it was morning same date. Mabuti na lang mabait ung doktora na nabungo nya ay naayos agad ang danyos.
“Hindi pa Ninong” malumanay nyang sagot
“Mas malaki ata ngayon ah” pagsiyasat ng pulis. Lumapit ito sa lalaki na nabungo nya. “Sir, magandang umaga po, okay lang po ba kayo?” pagiimbestiga pa nito. Ako ay nakatayo lang sa gilid ng aking sasakyan.
“Okay lang officer”
“Picturan ko lang ha, pagkapicture paki tabi na lang mga sasakyan nyo at malapit na tumirik ang araw at magcause pa ng traffic” pagpapaliwanag ng pulis
Hiningi ng pulis ang mga dokumento nila. Ang kanilang OR/CR at mga lisensya. Pinapunta rin sila sa pinaka malapit na police station para sa police report. Napagalaman nya na ang pangalan ng lalaki ay Neo. Hindi ito ang may-ari ng sasakyan kaya naman lalo siyang nahiya sa nangyari. Ala sais na ng umaga bago matapos ang dikusyon. Napagusapan nila sa siya na ang bahala sa danyos, gagamit na lang nya ang insurance ng sasakyan. At sa huli ay humingi sya uli ng tawad sa lalaki.
“Sir Neo, sorry uli” paghingi nya ng tawad.
“Ito ang number ko kung need ng ipahatak ung sasakyan para maayos” sabay abot sa kanya ng card. Pagkatapos nito ay umalis na ito.
Nagpasalamat siya sa kanya Ninong bago umalis.
“Last na yan Halene ha. Isusumbong na kita sa Daddy mo kapag umisa ka pa”biro pa nito.
“Hindi na Ninong” nakangiti nyang sagot. Sumakay na sya ng sasakyan at umuwi.