Neo
Hassle, makaktulog na sana ako. Tumangi syang matulog sa bahay ng pinsan at tutuloy na lang sana sa condo unit nya, pinalinis naman nya ito ng mabungo nga ang sasakyan na hiniram nya sa pinsan nya. Pinaparada nya ito sa parking area ng airport, at dito nya kinuha pagkalapag ng eroplano na galling America. Ngunit sa hindi inaasahan pagkakataon ay naaksidente pa sya. Magaglit na sana siya ng makita niya na isang babae ang nakabanga sa kanya. Mahinahon pa ito at hindi nya maitanggi na nagandahan sya dito. After 2 years ngayon lang uli siya pumuri ng babae, kaya hindi nya napigilan na masabi ng masyado itong maliit para ihandle ang ganung sitwasyon.
Nagulat siya na magkakilala ang pulis at ang babae. Pangalawang beses na raw nangyari iyon kay Halene, ito ang pangalan na narinig nya paulit ulit na tawag sa kanya ng pulis. Pambihira, sinalo agad lahat ng kasalanan sa aksidente.
Papasok na sya ng building ng condo unit nya, ng makita ang pamilyar nasasakyan. Ito ang sasakyan na nakabungo sa kanya. Akalain mo, iisa lang pala ang building na tinutuluyan nila. Hinyaan na lang nya itong magpatuloy sapagkat gusto na rin nya magpahinga.
Lunes.
Inaantay niya sa isang coffee shop ang arkitektong nirekomenda sa kanya ng pinsan niya. Best friend daw iyon ng girlfriend nito. Magpapagawa kasi siya ng bago bahay, ang naipatayong niyang bahay para kay Karla ay nabenta na niya bago pa lumipad ng U.S. Nakamasid siya sa pinto ng coffee shop ng makita niya ang pamilyar na babae. Si Halene, nakaformal attire na hulma ang magandang hubog ng katawan. Hindi rin kataasan ang takong ng sapatos nito. Nakalugay ang buhok nito at sobrang nipis na make up na bumagay sa maliit nitong mukha. Hinawakan nito ang cellphone na tila may tatawagan. Nagulat siya ng makita na mag-ring ang cellphone nya. Unknown number ang nagregister doon. Sinagot naman nya un na nakatiningin pa rin kay Halene.
“Hello, Sir dela Pena?” sagot mula sa kabilang linya. Pinagmasdan nya si Halene, sya ang kausap nito. Ito ang architect na tinutukoy ni Carlo, ang pinsan nya.
“Yes, Ms. Halene” mula sa malayo nakita nya ang mukha nito na nagtataka kung pano siya nakilala. “At your 10’o clock Ms. Halene”. Pumihit ng tingin sa kanya si Halene. Nagbago ang expresyon ng mukha nito ngunit bilang propesyonal ay lumapit ito sa akin ng nakangiti sa kanya.