PINATUYO ni Blake ang katawan niya gamit ang tuwalya saka pinasuot sa kaniya ang bathrobe bago ito kumuha ng tuyong tuwalyang itinapis sa sarili nito upang matakpan ang ibabang parte ng katawan. "Hawakan mo." utos sa kaniya ni Blake. "Ang ano?" maang niyang tugon rito. "Ang tuwalya. Baka mahulog, bubuhatin kasi kita palabas." Napailing si Blake habang nakatitig sa mukha niya. "Ano ba ang gusto mong hawakan?" Nag-init ang mukha niya at batid niyang namula iyon dahil sa tanong nito. Tinawanan siya ni Blake ng malakas bago niyakap at binuhat palabas. Hinawakan niya ang tuwalyang nakatapis sa baywang ni Blake at isinubsob niya ang mukha sa matiponong dibdib ng binata. Pagod na pagod na siya at hindi na niya kaya itong pagbigyan sa gusto nitong mangyari sa kama na ilang hakbang na lang ay

