NAPABITAW sa pagkakahawak ng manibela si Blake at tiningnan nito ang suot na relo. Samantalang siya ay napatakip ng panyo sa kaniyang bibig nang mapahikab. Sa short cut na daan pauwi sa apartment niya pinili ni Blake dumaan upang mabilis siya nitong maihatid. Subalit, huli na nang maalala niya na noong biyernes ay nadaanan niya ang isang tarpaulin na may abisong nakasulat. Nakasaad roon na isasara ng tatlong araw ang kabilang lane para sa road clearing. Nataon pa na sa bandang iyon ay bawal mag-U turn at wala ring eskinitang maaring daanan upang magkabalik sila sa main road. Kaya wala na silang ibang pagpipilian kundi magtiis at sumabay na lang sa mabagal na usad ng mga sasakyan. "Naiinip ka na ba, Love?" tanong sa kaniya ni Blake. "Hindi naman. Ikaw nga ang inaalala ko eh. Baka kasi h

