Chapter 38

1108 Words

Akmang isasaboy na ni Laila ang asido sa mukha ni Romana ngunit mabilis na iniharang ni Vincent ang sarili niya sa babae. Natigilan si Laila. "Tumigil ka na, Laila! Kung gusto mo ay ako na lang ang sabuyan mo ng hawak mo! Tutal, ako naman ang ugat ng lahat ng ito!" Desperado siyang protektahan si Romana. "B-Bakit Vincent? B-Bakit ginagawa mo 'to?" nanginginig ang mga labi na tanong nito. Mahigpit na hinawakan ni Laila ang maliit na bote. Tila nais niyang durugin iyon sa kaniyang mga kamay. Hindi makapaniwala si Laila na nagawa ni Vincent na iharang ang sarili para hindi masaktan ang kirida nito. Sinigurado ni Vincent na nakakubli sa kaniyang likuran si Romana para maprotektahan ito sa kung ano mang kahibangan na binabalak gawin ng kaniyang asawa. "Hirap na akong ipaliwanag sa'yo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD