Nakatulala at hindi makapagsalita si Vincent mula sa kinatatayuan. Para siyang binabangungot sa nakita. Ang kaniyang asawa ay animo'y cowgirl na panay ang indayog at giling sa ibabaw ng lalaking lubos niyang kinaiinisan, si Tristan. "M-Mga hayop!" nanggagalaiti niyang bulyaw. Akala niya ay napakatinong babae Laila! Galit ito kay Romana dahil ang tingin nito sa kaniyang kabit ay marumi at malanding baba ngunit ang totoo pala ay isa rin naman pala ito sa mga babaeng makati pa sa higad. "S-Sorry, Vincent! I-I'm just desperate for you not to leave me! W-Wala naman talaga akong balak na sabihin ito sa'yo kasi okay naman na sa akin ang ganitong set-up. P-Pero biglang . . . g-gusto mo na lang akong iwan kaya ibinunyag ko na sa'yo ang katotohanan!" Nagpanggap na umiiyak si Romana. Malamang ku

