Mag-isang nakatayo si Roman sa veranda ng mansyon kung saan nakatira ang kaniyang kapatid at asawa nito. Kasama niya ang mapait na alak habang inaalala ang mga narinig na usapan ni Lalaine at Vincent sa kitchen kagabi. Nagising siya na wala ang babae sa kaniyang tabi kaya bumaba siya para hanapin ito ngunit hindi niya akalain na may matutuklasan siyang lihim ng dalawa. Pakiramdan niya ay nilagayan siya ng tae sa ulo ni Lalaine. Nasaktan siya sa narinig na ginamit lang siya nito upang muling makipaglapit sa lalaki. Naguguluhan siya sa mga narinig. Kung si Vincent ang dati nitong kasintahan, sino ang lalaking nagngangalan na Tristan? Nakita at nakausap na niya nang personal ang lalaki na nagpakilalang ama ng namatay na anak ng kaniyang nobya. Naisip niya na isang easy to get na babae si

