"Manong! Bigyan mo ako ng isa pa!" mando ni Romana sa sorbetero ngunit mabilis na senenyasan ni Evo ang tindero na huwag na siyang bigyan. Hinugot nito ang makapal na pitaka mula sa bulsa at saka naglabas ng ilang papel na pera. Inabot iyon ni Evo sa tindero ng ice cream. Pagod na ito kanina pa dahil sa pagsisilbi kay Romana. "Tama na 'yan . . . Masama ang lahat ng sobra kaya tumigil ka na sa pagkain niyan. Baka sipunin ka . . . Kawawa naman si baby." Napalabi siya nang hilahin nito ang kaniyang kamay palayo sa sorbetero. Sa tanang buhay niya ay ngayon pa lang siya nakatikim ng ganoon kasarap na ice cream. Wala pa rin siyang kibo hanggang sa marating nila ang isang bakanteng cottage. "Maupo ka muna. Sobrang init na sa labas, dito na lang muna tayo," suhestiyon nito. Walang tugon na

