Nagmamaneho si Martin papunta sa hotel na tinutuluyan ng mag-inang Rita at Sophia, kasama n'ya ngayon si Sean na kaluluwas lang ng Maynila. "Kumusta naman sean ang pagporma mo kay Lara, may progress ka na ba?" "Wala pa, pakipot naman kasi, e. Tulungan mo nga ako, o kaya ay bigyan mo na lang ako ng tip kung paano mo napasagot si Rita noon." Natigilan si Martin, mabuti na lang ay nagpula na ang traffic light. "Paano ko naman malalaman yun, e, diba may amnesia ako?" "Oo nga pala!" Nahampas ni Sean ang kanyang noo. "Kumusta nga pala nga mag-ina mo dito sa Maynila, nakaka-adapt naman ba sila?" "Oo naman. Nakapunta naman na si Rita dito sa Maynila, e. Diba nga, namasukan s'ya sa amin?" Nakarating na sila sa hotel. sa lobby ay naulinigan agad ni Martin ang malakas na boses ng isang babae.

