"O Rita, bakit hindi ka pa lumalabas?" tanong ni Andeng pagpasok sa kuwarto nila. "Bakit parang hindi ka mapakali diyan?" Napakamot sa kanyang ulo si Rita. "K-kasi nanay Andeng, natatakot po akong lumabas e. Alam n'yo naman po ang nangyari kahapon, diba?" "A, yun ba? Ayos na ang lahat, kaya wala ka nang dapat ipag-alala. Bumalik si ser Martin dito kagabi para sana sabihin sayo, kaya lang tulog ka pa rin." "Ganun po ba? Parang napagod po kasi ako sa nangyari kahapon, e, kaya siguro napasarap ang tulog ko." "O, e ano pa ang ginagawa mo diyan, lumabas ka na doon at mag-aasikaso na tayo ng almusal ng mga amo natin." Nang pumanatag na ang kalooban ni Rita ay lumabas na rin ito. Inakala niyang magiging maayos na ang lahat, ngunit hindi n'ya naisip na iyon na pala ang magiging simula ng hin

