Chapter 27- SAVED BY SUSPICION

2113 Words
NAALIMPUNGATAN si Donovan sa mahihinang pagyugyog sa kaniya ni Ahura. Nanlalabo ang mga matang bumangon siya mula sa pagkakahiga. Pakiramdam niya ay binibiyak ang kaniyang ulo ng mga sandaling ‘yon. “Bakit mo ‘ko ginigising? Umaga na ba?” “Anong umaga na? nasa panganib tayo! Bumangon kana riyan!” gigil na saad ni Ahura. Natauhan naman si Donovan dahil sa narinig. Kahit na umiikot pa ang kaniyang paningin ay pinilit siyang tumayo habang sapo-sapo ang nananakit na sentido. Natigilan ang binata sa paghakbang nang may masipang kung ano sa sahig. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita si Irene na nakahiga. Inilibot niya ang kaniyang mga mata sa paligid at nalaman na maging si Gantrick at Kirin ay kapwa wala ring malay ng mga sandaling iyon. “Ahura! Ano’ng nangyari? Patay na ba sila?” natatarantang pagtawag niya sa kasama. Saglit silang nilingon ng dalaga na kasalukuyang nakapwesto sa bintana ng kubol upang matyagan ang paligid sa labas. “Nahihimbing lamang ang mga ‘yan. Gisingin mo na sila madali!” Sinunod naman ng binata ang inutos ni Ahura. Dali-dali niyang ginising ang mga kasama. Katulad ng naging reaksyon ni Donovan noong siya ay magising. Napasapo rin ang mga ito sa kanilang mga sentido. “What the f**k happened?” “I think I’m going to p**e!” “Pahinging tubig,” Sunod-sunod na reklamo ng tatlo. “Kunin ninyo ang mga gamit ninyo. Aalis na tayo rito ngayon din!” ani Donovan. “Huh? Teka lang, bakit biglaan?” nagtatakang tanong ni Irene. “Huwag na kayong maraming tanong! Bilisan na ninyo!” Nahimigan naman nina Irene ang pag-aalala sa boses ni Ahutra kaya nama ay hindi na sila muli pang nag salita at sinunod na lamang ang ipinag-uutos ng mga ito. Habang ang mga kasama ay abala sa pagsasa-ayos ng kanilang mga gamit ay naghahanap naman si Donovan nang maaari nilang maging daan palabas. “Nandito na sila!” imporma ni Ahura sa lahat. “What? Sino?” tanong ni Irene. Hindi na siya sinagot pa ni Ahura. Sa halip ay kinuha ng dalaga ang isang bangkito at iniharang sa pinto upang hindi ito mabuksan kaagad mula sa labas. Matapos niyon ay binuksan ni Ahura ang bintana sa gawing likuran ng kubol. “Dito na lang tayo dumaan! Bilisan ninyo wala ng oras!” Hindi naman na nagdalawang sabi pa si Ahura dahil mabilis pa sa alas kwatro na nagtungo ang mga ito sa kaniya. Naririnig pa nila ang mga pagkalabog sa pinto, indikasyon na nagpupumilit makapasok ang mga nasa labas niyon. Nang tuluyan na ngang makapasok si Quintosh kasama ang ilang mga taga-sunod ng Reyna ay nanlaki ang kanilang mga mata nang mapag-alaman na wala na rito ang grupo ni Donovan. “Lapastangan! Sino ka para pag laruan ang mga taga-sunod ng Reyna?” bulyaw ng isa sa mga lalaki. “H-hindi po ako nagsisinungaling naririto lamang sila kanina!” depensa naman ni Quintosh. “Patayin ang babaeng ito!” “Huwag! Maawa po kayo sa akin!” Matapos nilang walang awang paslangin ang Ginang ay umalis na sila bahay-panuluyan nito. Hindi na muli pang aabutan ni Quintosh ang muling pagsikat ng araw sa Babylon. Kapalit ng labindalawang ginto na pabuya para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng tatlong dayo ay tinangka niyang ipagpalit ang kinabukasan ng Babylon para sa kaniyang pansariling interes. “Sandali! Magpahinga naman tayo!” reklamo ni Kirin makalipas ang ilang minuto nang walang patid na pagtakbo. Humihingal na huminto na rin ang iba pa. Siniguro naman ni Gantrick na walang sino man ang sumusunod sa kanila. “Ano ba talaga ang nangyayari, Don?” “Sa totoo niyan ay hindi ko rin alam. Si Ahura ang na lang ang tanungin ninyo.” Hindi naman na nagsayang pa ng oras si Ahura at sinimulan na ang pagpapaliwanag kung bakit biglaan ang naging pag-alis nila sa bahay-panuluyan ni Quintosh. “Ano’ng naaalala ninyo matapos ninyong kainin ang lahat ng mga pagkain na inihain sa atin ng Quintosh na ‘yon?” Mataman namang nag isip ang iba pa. pero sa hindi nila malamang kadahilanan ay wala silang maalala bukod sa panlalabo ng kanilang mga mata at biglaang pagkaantok. “Wala, tama ba ako?” Tumango naman ang iba pa. “Wala kayong maalala dahil nilagyan ng pampatulog ni Quintosh ang mga pagkain na ibinigay niya sa atin para isuplong tayo sa mga taga-sunod ng Reyna.” Napatakip sa kaniyang mga labi si Irene dahil sa pagkabigla. “Ang ibig mong sabihin—” “Oo. Ipinagkanulo tayo ni Quintosh sa halagang labindalawalang piraso ng ginto. Narinig ko siyang nakikipag-usap sa isa sa kaniyang mga katiwala. Nagpapatawag siya rito ng mga taga-sunod ng Reyna para personal niyang ihatid sa mga ito ang kinaroroonan ninyong tatlo.” “That’s funny,” ani Irene. “This is like how Judas betrayed Jesus in the Bible. In exchange of money.” “Pero paanong nanatili kang gising? Hindi ba’t kumain ka rin naman ng mga pagkain kanina?” tanong naman ni Gantrick kay Ahura. “Oo. Pero hindi kasing dami ng kinain ninyo ang mga nakain ko kaya naman hindi masyadong umepekto sa akin ang pampatulog na nakahalo sa mga pagkain na ‘yon. Nakaramdam lang ako ng kaunting pagkahilo pero nawala rin naman agad,” paliwanag ni Ahura. Nang makaramdam ng ibayong lamig ay nagbigay ng suhestyon si Donovan. “Humanap muna tayo ng pansamantalang masisilungan. Hindi ko kaya ang lamig dito sa labas at isa pa ay unti-unti na ring bumabagsak ang nyebe.” Hindi naman kumontra rito ang iba pa. kahit pa nababalot sila ng makapal nilang mga panlamig ay ramdam na ramdam pa rin nila ang kalamigan ng paligid. Nakakita sila ng isang abandonado at may kadilimang maliit na kubol. “Parang hindi ka naman yata nilalamig, Kirin?” tanong ni Ahura nang mapansin na tila ba hindi ito tinatablan ng lamig. “Nasanay na kasi ako na palaging nasa labas ng aking tirahan,” maiksing tugon ng dalaga. “Tama na ‘yan! Sa loob na kayo mag-usap kung ayaw ninyong manigas sa lamig dito!” babala ni Gantrick. Nang makapasok ang lahat ay gumawa ng apoy si Gantrick mula sa mga nakakalat na sanga ng kahoy sa kubol. “Uh, this feels great!” Hindi man naunawaan nina Ahura at Kirin ang tinuran ng binata ay hindi naman ito naging dahilan upang hindi nila gayahin ang ginagawang pagpapainit nito sa harapan ng ginawa nitong apoy. Tahimik ang paligid. Tanging ang ingay na lamang ng mga kuliglig ang tanging maririnig. Ang malamig na ihip ng hangin ang siyang yumayakap sa kanilang mga balat. Mabuti na lamang at mayroong siga kung hindi ay siguradong lahat sila ay nanginginig dahil sa lamig ngayon. “Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa tayong ibenta ni Quintosh. Mukha pa naman siyang mabait,” basag ni Irene sa katahimikan habang kinikiskis ang mga palad upang painitin ito. “Pinagsabihan ko na kasi kayo pero hindi kayo nakikinig. Iba ang mundong pinanggalingan ninyo sa Babylon. Dito lahat ng kasamaan ay maaari ninyong makita saan mang sulok. Kaya hindi kayo dapat kaagad na nagtitiwala,” panenermon ni Ahura. Nagpatango-tango naman si Irene. Alam kasi niya na tama ang lahat ng mga sinabi ng dalaga pero hindi pa rin siya nakinig dito at pinagkatiwalaan pa rin si Quintosh. “Pasensya na na kung hindi ako nakinig sa’yo, Ahura.” Pagpapakumaba ng dalaga. “Hindi kita sinisisi, Irene. Wala akong sinisisi isa man sa inyo. Nagbibigay lamang ako ng payo. Kung gusto ninyong hindi mapahamak sa mundong ito ay sarili lamang ninyo ang pagkatiwalaan niyo,” Wala naman nang nag-salita pa. Tumayo si Donovan at pumuwesto malapit sa entrada nang sira-sirang kubol. “Magpahinga na kayo. Ako na muna ang magbabantay sa paligid,” wika ng binata. Nagkanya-kanya na sa paghahanap ng matutulugan ang iba pa. Maliban kay Kirin. Nagtungo ito sa kinaroroonan ni Donovan at umupo sa harapan ng binata. “Hindi ka pa ba magpapahinga?” tanong ni Donovan kay Kirin. Umiling naman ang dalaga bilang tugon. “Hindi pa ako inaantok. Sasamahan na lamang muna kita sa’yong pagbabantay nang sa ganon ay hindi ka rin mabagot.” Nagpasalamat naman si Donovan sa ipinapakitang kabutihang loob ng dalaga. Hindi na namalayan ni Donovan ang oras. Lumipas na pala ang ilang oras at kasalukuyan na ngayong hatinggabi. Si Kirin naman ay kasama niya pa rin at patuloy lamang sa pakikipag kwentuhan sa kaniya. “Maari ba akong magtapat sa’yo, Donovan?” nahihiyang tanong ng dalaga. At dahil nga sa marami na ring karanasan si Donovan sa mga babae ay hindi na rin bago sa kaniya ang ipinapakita sa kaniya ng dalaga. “Tungkol saan?” Tinawid ni Kirin ang munting espasyo sa pagitan nila ng binata at sumiksik sa tagiliran nito na animo’y nilalamig na kuting. “M-matagal ko na kasing nararamdaman ito. Nahihiya lamang akong umamin sa’yo.” Pilit na lumalayo si Donovan mula sa pagkakadikit nila ni Kirin. Hindi niya ibig na bigyan ng malisya ang kanilang pagkakaibigan. Higit pa rito’y baka makita sila nina Gantrick at iba pa ang isipin tungkol sa kanilang dalawa. “K-Kirin, baka makita nila tayo at iba pa ang isipin nila,” saad ni Donovan habang pilit na dumidistansya sa dalaga. “Hindi mo ba ako gusto, Donovan? Hindi ba ako maganda para sa’yo?” wika ni Kirin na mahihimigan sa boses ang matinding pagnanasa. “H-hindi naman sa ganoon, pero kasi…” “Pero ano?” “Magkaibigan kasi tayo,” Hindi naman ito tinanggap bilang sagot ni Kirin. Sa halip na pakinggan ang hiling ng binata at lumayo rito ay lalo pa siyang lumapit. Ikinulong niya sa magkabila niyang palad ang mukha ni Donovan at walang pasabi na hinalikan ito. Hindi kaagad na nakakilos si Donovan dahil sa ginawa ng dalaga. Tumagal pa ng ilang segundo ang ginawang paghalik sa kaniya ni Kirin. Nang mapadako ang kaniyang tingin sa kinaroroonan ng iba pa ay agad niyang naitulak palayo sa kaniya si Kirin. “Aray—” “Irene!” bulalas ni Donovan. Napalingon naman si Kirin sa dalaga. Nakatayo pala ito sa kanilang likuran. Mariing napapikit si Kirin at bahagyang ngumiti kay Irene. “Ah. P-pasensya na, hindi ko sinasadyang makita kayong ano—sige, pasok na ako ulit sa loob!” “Teka, Irene!” tangkang pagtawag ni Donovan sa papalayong dalaga. Muling napalingon ang binata kay Kirin. Nagkibit-balikat lamang ito at umalis na rin. “Magpapahinga na ako.” Napahalukipkip naman ang binata. Hindi niya alam kung paano niyang ipapaliwanag kay Irene ang mga nakita nito. Hindi rin niya maunawaan ang sarili. Hindi niya alam kung bakit mahalaga sa kaniya na hindi sila pag-isipan nang masama ng dalaga. Napabuntong-hininga na lamang si Donovan. Hindi na kasi niya maintindihan ang sarili. Una, tinanggihan niya si Kirin na isa sa mga pinakamagandang babae na nakita niya sa buong buhay niya. Ikalawa, hindi niya man alam ang dahilan ay labis ang kagustuhan niyang magpaliwanag kay Irene. “Ang lalim n’on huh? Is there a problem?” Napalingon si Donovan kay Gantrick. Gising na pala ito. Umiling lang siya bilang sagot sa katanungan nito. “You should rest now. I’ll take over from here." Hindi na siya tumanggi pa sa alok nito. Marahil ay pagod lamang siya kung kaya naman ay kung ano-ano na lang ang naiisip at nadarama niya. Hindi naman nabigo si Donovan dahil matapos niyang humiga ay mabilis na rin siyang dinapuan ng antok. Malalim na ang kaniyang pagtulog nang maulinigan niya si Astora. “Donovan,” Hindi man mag mulat ng kaniyang mga mata ang binata ay batid niya kung sino ang tumatawag sa kaniya. “Astora?” “Pakinggan mo ang aking tagubilin, hindi lahat ng nilalang na nakapaligid sa inyo ay dapat mong pagkatiwalaan. Mapapahamak ang nakararami sa isang pagkakamali,” “Hindi kita maunawaan. Ano’ng ibig mong sabihin?” Wala na siyang narinig na tugon pa mula rito. Ilang sandali lang ay nakaramdam siya ng mga mahinay na pagyugyog. Nang magmulat siya ng mga mata ay ang magandang mukha ni Ahura ang bumungad sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Binabangungot ka yata kaya ginising na kita,” “Salamat,” ani Donovan. “Donovan, mukhang hindi natin maitutuloy ngayong araw ang paglalakbay. Masyadong makapal ang bumubuhos na nyebe. Zero visibility sa labas!” imporma ni Gantrick. “Kung ganoon ay dumito na lamang muna tayo. Mahirap ang makipagsapalaran sa labas kung masama ang panahon. Baka lalo pa tayong magkaroon ng problema kung magpupumilit tayo,” tugon naman ni Donovan papungas-pungas pang bumabangon. Nang araw ngang iyon ay nanatili lamang sa kubol na ‘yon ang grupo ni Donovan upang pahupain muna ang sama ng panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD