LUMABAS na muli sa pinagkukublihan nilang kubol sina Donovan. Humupa na ang pagbuhos nang malakas at makapal na nyebe sa labas. Nakahanda na rin sila upang ipagpatuloy ang kanilang misyon.
“Mag obserba muna tayo sa paligid. Panatilihin lamang ninyong natatago ang inyong mga mukha. Maghiwa-hiwalay tayo. Sa pagdating ng takipsilim ay muli tayong magtatagpo sa lugar na ito,” bilin ni Donovan.
“Kami na lamang ni Ahura ang mag iikot sa gawing silangan ng Sentro. Kayo namang tatlo nina Kirin at Irene ang magtungo sa kanluran ng lugar na ito,” suhestyon ni Gantrick na sinang-ayunan din ng iba pa.
Subalit kahit pa sumang-ayon ang tatlo sa kaniyang panukala ay ramdam pa rin nila ni Ahura ang pagka-ilang ng mga ito sa isa't-isa na lubos naman nilang ipinagtataka.
“May problema ba?”
“H-huh? Wala. Ano naman ang magiging problema?” Pagmamaang-maangan ni Donovan.
“Ang mabuti pa ay mag-isa na lamang akong lalakad,” saad ni Kirin.
“Hindi maaari. Masyadong mapanganib kung mag iisa ka lamang,” pigil naman ni Donovan.
“Kaya ko ang sarili ko Donovan. At isa pa ay mas mapapadali ang ating paghahanap ng mga bagong kasapi kung hihiwalay ako sa inyo,” pangangatwiran naman ng dalaga.
“She had a point, Don.”
Wala naman nang nagawa pa si Donovan nang sang-ayunan na ni Gantrick ang ibig mangyari ng dalaga.
Hindi man niya kayang tumbasan ang pag-ibig na inilahad nito sa kaniya nang nagdaang gabi ay hindi pa rin naman niya ninanais na mapahamak ito.
Ngunit buo na ang pasya ng dalaga kaya naman ay hinayaan na lamang niya sa na nais nitong gawin. “Nauunawaan ko. Mag iingat ang lahat.”
At nag simula na nga silang mag ikot-ikot upang obserbahan ang paligid.
Nalulungkot sina Donovan at Irene sa kanilang mga nasasaksihan.
Ang mga Babylonian dito sa Sentro ay iba ang tadhana. Bagama’t pare-pareho lamang silang nasa ilalim ng Reyna ay mas maituturing na mas malaya ang mga nasa Morag.
Ang mga mamamayan sa Sentro ay hindi pinahihintulutang lumabas ng pamayanan. Tanging ang mga mangangalakal mula sa ibang Kaharian at pamayanan pati na rin ang mga manlalakbay lamang ang pinapayagan na maglabas-pasok sa Sentro.
Karamihan pa sa mga mamamayan ng Sentro ay ginagawang alipin ng mga kawal na may matataas na katungkulan sa hukbong sandatahan ng Reyna.
“This is not right. They should be enjoying their lives as freemen and not like this... as a slave,” tiim-bagang na wika ni Donovan nang makita ang isa sa mga Babyloniang alipin na mayroon pang kadena sa leeg nito.
Mas dumilim pa ang anyo ng binata noong makita niya kung paano pasakitan ng isang kawal ang kaniyang alipin sa harap mismo ng napakaraming Babylonian.
“I can’t take this anymore!”
Pinigil ni Irene si Donovan sa tangka nitong pagliligtas sa Babylonian na walang habas na sinasaktan ng kaniyang panginoon. “Don’t! we’ll be in trouble.”
“But—”
“May tamang oras para pagbayaran nila ang lahat ng kalupitan nila. But this is not the right time for that!”
Nagpupuyos man sa galit ang kalooban ni Donovan ay hindi na siya muli pang nag salita. Hindi maaaring malaman ng mga kawal ng Reyna na narito pa sila sa Sentro ng Sanyar.
Muli silang napahinto sa paglalakad nang makarinig sila ng isang boses ng lalaki na sumisigaw.
“Tigilan mo ang pananakit sa Babylonian na ‘yan! Hindi ka dapat na nananakit ng mas mahina pa sa iyo! Pakawalan mo ang aliping ‘yan!” bulyaw ng isang Babylonian na mayroong mahaba at nakataling balbas
Bagama’t may karumihan ang damit na suot nito ay nangingibabaw pa rin ang matikas na tindig ng lalaki. Sa kabila ng madusing nitong mukha ay mababakas
ang kaguwapuhang tinataglay nito.
Nilapitan ni Donovan ang isang Sanyas sa isang tabi upang magtanong.
“Mawalang-galang na po, sino po ang matapang na lalaking ‘yon?”
“Matapang? Hindi ko matatawag na isang katapangan ang ginagawa niya kung hindi ay isang kahangalan. Siya si Priamos. Huwag na ninyo siyang intindihin pa sapagkat baliw ang lalaking ‘yan,”
“Huwag kang makialam dito, baliw!” ganting bulyaw ng kawal sa lalaking nagngangalang Priamos. “Umalis ka sa aking harapan kung hindi ay masasaktan ka!”
Sa halip na agad na umalis ay nanatili lamang sa kaniyang kinatatayuan si Priamos. Pinaninindigan nito ang kaniyang nais na maganap ng mga sandaling iyon.
“Aba’t talagang gusto mong masaktan huh?” galit na wika ng kawal. Kinuha nito mula sa kaniyang tagiliran ang latigo na siyang ginagamit niya sa pananakit sa kaniyang alipin.
Sumeryoso ang mukha ni Donovan nang magawang iwasan ni Priamos ang sunod-sunod na pag hagupit ng latigo ng kawal sa kaniya.
“Interesting. The crazy-guy knew how to fight?” bulong ni Donovan sa sarili.
Dahil nga sa napansin na ni Priamos na pinagtitinginan na sila ng iba pang mga mamamayan ay sinadya na niyang magpatama sa mga sumunod na hagupit ng latigo.
“Nah. Just a sheer luck!” wika naman ni Irene na narinig pala ang komento ni Donovan. “Let’s go! We don’t have time for this.”
Nagpatangay na lamang si Donovan kay Irene habang hindi inaaalis ang paningin kay Priamos. Hindi niya alam kung bakit ngunit magaan ang pakiramdam niya sa lalaki.
Nang masiguro na nakalayo na sila sa nangyayaring komosyon ay binitiwan na ni Irene ang braso ng binata at nagpatiuna na sa paglalakad.
“Irene, sandali! Hintayin mo ‘ko!”
SA PALASYO NG SANYAR
Nakaupo sa kaniyang trono ang isa sa apat na Haring itinalaga ng Puting Reyna upang maging tagapamahala sa apat na pangunahing Kaharian, si Haring Adelyon.
“Ipatawag ninyo ang Gurdashi Genic!” utos nito sa isang kawal.
Hindi nga nagtagal ay dumating ang isang lalaki na bulag ang isang mata. Nagbigay pugay ito sa kaniyang Hari.
“Mahal na Hari! Ipinatatawag daw po ninyo ako?”
“Nakatanggap ako ng impormasyon kung saan naroroon ang mga dayo. Nais kong pamunuan mo ang paghahanap sa kanila sapagkat palaging nabibigo ang mga pulutong na sumusubok na dakipin sila!”
“Nauunawaan ko, Kamahalan. Saan po ba sila naroroon? upang ako ay agad na makapagtungo roon.”
“Sa Sentro ng Sanyar. Huwag mo silang papaslangin sapagkat kailangan silang buhay ng ating Reyna. Siguruhin mong tahimik ang gagawin ninyong pagkilos sapagkat hindi ko ibig na mabalitaan ng iba pang mga Hari ang kapalpakan ng aking mga kawal!”
“Masusunod, Kamahalan!”
Hindi na nga nag-aksaya pa ng oras si Genic at nagsama ng isang mapagkakatiwalaang pulutong at agad na nagtungo sa Sentro.
Gagawin nilang mabilis at tahimik ang misyong iniatang sa kanila ng kanilang Hari.
SA SENTRO NG SANYAR
Patuloy lamang sa paglalakad si Irene sa kabila nang pagtawag sa kaniya ni Donovan. Hindi niya rin alam kung ano ang dahilan ngunit hindi niya ibig na makaharap ang binata matapos ang mga nasaksihan niya ang namamagitan sa binata at kay Kirin nang nagdaang gabi.
Sa kalalakad niya ay hindi niya namalayang masyado na pala siyang napalayo sa binata kaya naman ay hindi na niya nakita pa ni anino man nito.
“Napakabagal mag lakad, pero mabilis makipag halikan sa babae!” gigil na wika ni Irene.
Iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid. Wala na masyadong mga Babylonian sa parteng ito ng Sentro.
Ang mga establisyemento rito ay puro abandonado at sira-sira na kung ikukumpara sa mga establisyementong sasalubong sa’yong mga mata sa pagpasok mo ng Sentro.
Mabigat sa pakiramdam ang lugar. Pihado siyang kahindik-hindik ang pagdurusang tinamasa ng mga taga-roon noon.
Napasinghap ang binata ng may bigla na lamang lumitaw sa kaniyang harapan. Nanlaki ang kaniyang mga mata at agad niyang kinapa ang kaniyang espada na nakasabit sa kaniyang tagiliran.
Nasa harapan niya ang isang pulutong ng mga kawal ng Reyna. Batid niya na mga taga-sunod ito ng Reyna sapagkat pamilyar sa kaniya ang mga suot na panlamig nito na mayroong simbolo ng snowflakes.
Dahan-dahan siyang napaatras. Nahawi naman sa gitna ang pulutong at iniluwa niyon ang isang lalaki na may takip sa kaliwang mata. Ang hula ng dalaga ay bulag ito.
Mayroon itong makisig na pangangatawan. Mahabang buhok na tila ba kasing dilim ng gabi. Mapapansin ang awtoridad na mayroon ito at nararamdaman niya ang panganib na nagtatago sa nakangiting mukha nito.
“Magandang araw, Binibini! Ako si Genic. Ang Gurdashi ng Kahariang ito.
Ipagpaumanhin mo ang aming biglaang pagdating, subalit nais ko sana na isama ka sa aming palasyo sapagkat iniimbitahan ka ng aming Hari. Sa aking kaalaman ay may dalawa ka pang kasama, nasaan na sila?”
“H-hindi ko alam ang sinasabi mo,” maang-maangang tugon ni Irene habang inihahanda ang sarili sa kung ano man ang pwedeng mangyari.
Mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha ng lalaki. Agad na nawala ang ngiti sa mga labi nito. Napalitan iyon ng isang nakakatakot na tingin.
“Hindi ka dapat nagsisinungaling sa mga bago mong nakikila, Binibini. Pero hayaan mo na magkasabay na lamang natin silang hahanapin nang sa gayon ay sabay-sabay kayong magtungo sa aming palasyo.”
Sa pagkakataong ito ay nakangiti ng muli ang lalaking nagpakilalang si Genic.
Inilahad pa nito ang kamay upang palapitin siya ngunit hindi ito sinunod ng dalaga.
“Ipagpaumanhin mo, Ginoo. Ngunit hindi ako sumasama sa mga estranghero,” mariing tanggi ni Irene kasabay nang pagtalikod niya sa mga ito.
“Hindi mo yata nauunawaan. Wala kang karapatan na tanggihan ako!”
Sinenyasan ni Genic ang ilan sa kaniyang mga tauhan na agad namang nakuha ang ibig niyang mangyari.
Tumakbo ang mga ito patungo kay Irene.
Ngunit bago pa nila tuluyang mahawakan ang dalaga ay pumihit ito paharap sa mga lalaki kasabay nang pagwasiwas nito ng espada. Walang buhay na nagbagsakan ang mga kawal sa lupa.
Napalitan ng pag ngisi ang mga ngiti ni Genic. “Ang utos sa akin ay dalhin kayo nang buhay, pero hindi sinabing hindi kayong pwedeng pasakitan!”
Muli ay sumenyas si Genic sa mga lalaki at mabilis na nagtakbuhan patungo kay Irene ang ilan pang mga kawal. Naging abala na ng mga sumunod na minuto si Irene kaya naman ay hindi na niya namalayan na aatake na pala si Genic mula sa kaniyang likuran.
Ang ingay ng dalawang sandatang nag banggaan na lamang ang narinig ni Irene. Napaligon siya sa kaniyang likuran nang magawa niyang magapi ang lalaki sa kaniyang unahan.
Nakita na lamang niya sa kaniyang likuran ang binatang kasa-kasama niya lang kanina. Sinalag nito ang pag atake ni Genic para sa kaniya.
“Don!”
Napalingon ito sa kaniya habang magka-krus ang kanilang mga espada ni Genic.
“I told you to wait for me.”
Alanganing napangiti na lamang ang dalaga. Muli niyang hinarap ang ilan pang mga lalaki na nakita niyang pasugod sa kanilang kinaroroonan.
“You can have that guy. I’ll wipe his men off.”
Nang maghiwalay sila ng dalaga ay ibinalik ni Donovan ang kaniyang atensyon sa lalaking nakadaupang espada niya. “Hindi mo ba alam na isang karuwagan ang umatake mula sa likuran? Higit pa rito’y isang babae pa ang iyong pinagtatangkaang saktan.”
Lumundag patungo sa likuran si Genic. Ibinalik nito ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Bahagya pa itong yumukod sa binatang kaharap katulad ng ginawa niya noong magpakilala siya kay Irene.
“Ako si Genic. Gurdashi ng Kahariang ito. Iniimbitahan kayo ng aming Hari na magtungo sa palasyo—”
“Ganito ba kayo mag-imbita ng mga bisita rito sa Babylon? Inaatake ninyo sila?” putol ni Donovan sa pagsasalita ni Genic.
“Sa ilang pagkakataon, oo. At ang pagkakataon na ‘yon ay ngayon!”
Mabilis ang pagkilos na ipinamalas ni Genic. Subalit nasusundan ni Donovan ang bawat pagkilos nito kaya naman ay makailang ulit siyang nabigo na patamaan ng kaniyang espada ang binata.
“Mahusay ka para sa isang dayo,” wika ni Genic. “Ngunit baguhan ka pa lamang sa pakikipaglaban.”
Natulala si Donovan nang dumoble ang naging bilis ni Genic. Hindi na ito masundan ng kaniyang mga mata.
Nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata nang matagpuan sa kaniyang harapan ang nakangising si Genic.
“Huli ka!” bulong ni Genic sa kaniya.
Isang malakas na pag-unday ng espada ang ibinigay sa kaniya ni Genic. Sa kabila ng kaniyang pagkabigla ay nagawa pa rin ni Donovan na depensahan ang kaniyang sarili.
Subalit dahil sa hindi matatawarang lakas ni Genic ay nagawa siya nitong bigyan ng pinsala. Nabali nito ang espadang ginamit niya upang salagin ang ginawang pag-atake nito at nagpagulong-gulong pa siya sa lupa.
“Donovan!” tili ni Irene nang makita ang mga naganap.
Pilit na bumangon si Donovan. Itinukod niya ang kaniyang nabaling espada upang suportahan ang kaniyang sarili sa pagkakaluhod sa lupa.
Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas matapos niyang tanggapin ang pag-atakeng iyon ni Genic.
Napansin pa niya ang panginginig ng kaniyang kamay na sinundan ng buo niyang kalamnan. Nakaramdam siya nang hapdi sa bandang dibdib niya.
“Don! You’re bleeding!” natatarantang sigaw ni Irene nang makalapit ito sa kaniya.
Nakita niya ang nasira niyang mga damit. Napansin rin niya ang pamumula ng mga iyon na marahil ay mula sa kaniyang sariling dugo. Napansin pa niya ang pasipol-sipol na si Genic habang dahan-dahang lumalapit sa kanilang kinaroroonan.
“Irene, listen to me,” pag kuha ni Donovan sa atensyon ng dalaga na hindi alam ang gagawin ng mga sandaling ‘yon. “Leave me and go back to our place, tell everyone what happened here. I’ll buy you some time.”
Hindi naman makapaniwala ang dalaga sa narinig. “What? Leave—No way! Are you dumb? He’ll kill you.”
Dahil malapit na rin sa kanila si Genic ay pilit na tumayo si Donovan kahit pa labis na panghihina ang kaniyang nadarama.
“Go, or else it would be the two of us who's going to be killed!”
Subalit huli na ang lahat. Bago pa makaalis si Irene ay tumakbo na si Genic patungo sa kanila. Ngunit napahinto ito nang may kung sinong nag bato ng kung anong bagay rito.
Matamang pinagmasdan ni Genic ang maliit na bolang gawa sa pinagtagpi-tagping halaman.
Maya-maya lamang ay nabalot na ng makapal na usok ang buong kapaligiran.
“Is that a... smoke grenade?” nagtatakang tanong ni Irene. Hindi naman makapaniwalang tumango sa kaniya si Donovan.
Naging alerto ang dalawa nang mula sa kanilang likuran ay dahan-dahang lumalapit ang isang nilalang na nakasuot ng isang maskara. Tinutukan ni Irene ng espada ang lalaki. Mabilis naman nitong itinaas ang kamay, indikasyon na wala itong tangkang masama sa kanila.
“Narito ako upang itakas kayo rito!”
Hindi naman na tumanggi pa sa inaalok na tulong ng lalaki si Irene. At dahil nga malaki ang pangangatawan ng bagong dating ay madali lamang para rito ang ipasan sa kaniyang mga balikat si Donovan.
“Hanapin niyo sila!” dinig pa nilang sigaw ni Genic sa mga tauhan nito.
Ilang kubol at makailang ulit din silang lumiko upang hindi sila matunton ng mga kawal ng Reyna. Nang makasiguro na ligtas na sila ay tuluyan nang ibinaba ng lalaki si Donovan. Isinandal niya ang sugatang binata sa isang gilid at muling sinipat ang kanilang dinaanan.
“Ligtas na kayo sa ngayon,” anunsyo ng lalaki.
“Salamat sa ‘yong tulong. Ngunit sino ka?” tanong ni Irene.
Hindi na sumagot ang lalaki bagkus ay agad na lamang niyang inalis ang maskarang tumatakip sa kaniyang pagkakakilanlan.
“Naalala ninyo na ba ako ngayon?” Nakangiting wika ng lalaki.