NAPAKUNOT ang noo ni Irene nang maalala kung sino ang estrangherong lalaki na tumulong sa kanila. “Priamos? Iyon ang pangalan mo hindi ba?”
“Ako nga, magandang Binibini!” tugon naman ni Priamos na bahagya pang yumukod upang halikan ang likod ng mga palad ng dalaga.
Agad namang binawi ni Irene ang kaniyang kamay mula sa binata. “Bakit mo kami tinulungan?”
“Hindi ba ninyo narinig ang mga usap-usapan patungkol sa akin? Isa akong baliw kaya naman hindi na kataka-taka na tinulungan ko kayong makatakas mula sa mga kawal ng Reyna,”
Mataman siyang pinagmasdan ni Donovan. “Hindi ako naniniwalang isa kang baliw. Batid ko na may dahilan kung bakit mo hinahayaan na ganoon ang isipin ng lahat sa’yo...ngunit hindi ko na panghihimasukan pa ang dahilan na ‘yon. Lubos akong nagpapasalamat sa pagtulong mo sa amin.”
“Huwag na ninyong alalahanin pa ‘yon. Aalis na ako. Mag iingat kayo!”
Hahakbang na sana palayo si Priamos ngunit nakita niyang paparating ang mga kawal ng Reyna. Muli niyang nilingon si Donovan na hirap pa ring makatayo mag isa.
Naisip ni Priamos na sa sandaling iwan niya ang mga ito ay tiyak na makikita at madadakip sila ng mga kawal ng Reyna.
At dahil nga hindi maaatim ni Priamos na maganap ang mga ito ay muli niyang hinarap ang dalawa.
“Ituro ninyo kung saan ang inyong tirahan. Ihahatid ko kayo roon,” utos ni Priamos.
Nagulat man sa naging pahayag ng binata ay hindi na tumanggi pa sina Donovan. Bagama’t hindi malalim ang naging sugat niya ay wala pa rin siyang lakas upang lumakad na mag isa. Magiging pabigat lamang siya kay Irene kung saka-sakali.
“Tayo na,” wika ni Priamos nang maipasan na niyang muli sa kaniyang balikat si Donovan.
Takipsilim na noong dumating sina Donovan sa kubol na pansamantala nilang tinutuluyan. Naroon na rin sina Gantrick, Ahura at Kirin.
Mas tumagal kasi ang pagbalik nila rito dahil iniiwasan nilang makita ng mga kawal ng Reyna na hindi pa rin sumusukong mahanap sila.
“Ano na naman ang nangyari kay Donovan?” tanong ni Ahura nang maihiga ni Priamos sa tuyong dayami ang walang malay na binata.
“Nakita kami ng mga kawal ng Reyna. Napalaban kami,” tugon ni Irene.
“Huwag mo sabihing natalo kayo at nasugatan si Donovan ng mga kawal na ‘yon?” sa pagkakataong ito ay si Kirin naman ang nagtanong. Tumango lamang si Irene bilang tugon.
“Hindi malalim ang naging pinsala niya, tapalan na lamang ninyo ito ng mga halamang gamot at bukas ay siguradong magiging maayos na ang pakiramdam niya,” singit ni Priamos.
“And who’s this?” tanong naman ni Gantrick kay Irene.
“Siya si Priamos. Tinulungan niya kaming makatakas kanina, kung hindi dahil sa kaniya ay siguradong natangay na kami ng mga kawal patungo sa palasyo,” pagkukwento ni Irene.
Hinarap naman ni Gantrick si Priamos upang personal na pasalamatan.
“Maraming salamat sa naging tulong
mo, kaibigan.”
“Walang anuman,” saad naman ni Priamos bago tanggapin ang nakalahad na kamay ni Gantrick. “Mauuna na ako—
mag iingat na lamang kayo sa kung ano man ang ginagawa ninyo rito sa Sentro.”
Matapos nga nito ay agad na umalis si Priamos. Lumabas naman si Ahura at Kirin upang kumuha ng mga halamang gamot na maaaring maipang-gamot sa sugat ni Donovan.
Nilapitan ni Gantrick si Irene na kasalukuyang nagbabantay sa may pinto. “What happened, Irene? How come Don has been defeated by those soldiers?”
“It’s not the low-ranking soldiers he had fought. It was a Gurdashi. That guy is truly dangerous, Gantrick. He single-handedly beat up Donovan. If it was not for your brother, I'm surely facing my ancestors in heaven now,” tugon naman ni Irene.
Napaisip naman si Gantrick. “If he was really that formidable, we should be careful not to cross paths with him again.”
Nagpatango-tango naman si Irene sa sinabi ni Gantrick.
“Yeah. But you know what? I really find it weird that the current King of this Kingdom wanted to see the three of us. I mean, what would he do? Torture us?”
“I don’t know. But one thing is for sure…”
“And that is?”
“He is our enemy.”
SA PALASYO NG SANYAR
Nagbalik na mula sa Sentro si Genic at ang natira sa kaniyang maliit na pulutong. Dumiretso siya kung saan hula niya ay naroroon ang kaniyang Hari.
Nagbigay pugay si Genic at hinintay ang ito na mag salita.
“Mabuti naman at nagbalik ka na, Gurdashi. Nasaan na ang tatlong dayo?” tanong ni Haring Adelyon.
Hindi naman kaagad nakasagot si Genic. Kung hindi pa inulit ni Adelyon ang kaniyang tanong ay hindi pa siya magsasalita. “Ipagpaumanhin po ninyo, Kamahalan. Ngunit nakatakas sila sa amin.”
“Nakatakas?” ulit ni Adelyon.
Humakbang siyang palapit sa kawal na nasa isang gilid. Binunot niya ang espada nito at itinutok sa leeg ni Genic.
“Ngayon, bigyan mo ako ng dahilan upang huwag kong ituloy ang nais kong pagpaslang sa iyo!”
Dumagundong sa buong silid ang malakas na boses ni Adelyon. Madidinig ito hanggang sa pasilyo ng palasyo.
Labis naman ang takot na nadarama ni Genic ng mga sandaling iyon.
“I-ipinapangako ko na hindi na ito mauulit muli, Kamahalan!”
Nararamdaman ni Genic kung gaano katalim ang espadang nakadikit sa kaniyang nagdurugong leeg. “Pakiusap, Mahal na Hari! Bigyan ninyo ako ng isa pang pagkakataon!”
“Pagbibigyan kita sa ngayon, Genic. Ngunit sa sandaling biguin mo akong muli ay ako mismo ang papaslang sa iyo!” babala ni Adelyon sa kaniyang Gurdashi.
Nakahinga nang maluwag si Genic.
Muntik na siyang mapaslang nang dahil lamang sa mga dayong iyon.
Nagpupuyos sa galit ang damdamin ng Gurdashi dahil sa nangyari.
Ipinapangako niya sa kaniyang sarili na
hindi na muli pang mauulit ang kahihiyang inabot niya ngayon.
“Vesta!” tawag niya sa kaniyang komandante.
“Gurdashi,”
“Tipunin mo ang mga pinakamagagaling natin na kawal at bumuo ka ng isang maliit na hukbo,” utos niya sa komandante.
“Maliit na hukbo? Para po saan ito, Gurdashi?” nagtatakang tanong naman ni Vesta.
“Hahanapin at ihaharap natin ang mga dayong iyon sa Kamahalan. Hindi ako makapapayag na hiyain akong muli ng ating Hari. Humayo ka na! Madali!” tugon ni Genic.
At mabilis nga na umalis ang komandante upang sundin ang ipinag-uutos ng kaniyang Gurdashi.
SAMANTALA sa Sentro naman ng Sanyar ay kababalik pa lamang nina Ahura at Kirin mula sa pangangalap ng halamang gamot na ilalagay nila sa sugat ni Donovan.
“Mabuti na lamang at hindi malalim ang naging sugat niya kung hindi ay sigurado akong nag-aagaw buhay na si Donovan sa mga sandaling ito,” saad ni Ahura matapos lagyan ng mga halamang gamot ang dibdib ng lalaki.
Maya-maya lamang ay nagising na rin si Donovan. Dinaluhan naman siya agad ng kapatid na si Gantrick.
“You should rest, Don.”
“Nah, I’m all good. Hindi naman malalim itong sugat ko, I just fell asleep because of exhaustion,” tugon naman ni Donovan.
“Was he really that tough opponent?”
“He is. I thought I got stronger after our training, pero mali pala ako. ”
Hindi naman na umimik pa si Gantrick. Ibinigay na lamang niya sa lalaki ang isang piraso ng tinapay at isang baso ng maligamgam na tubig.
“If you’re really okay, let’s hunt rabbits for dinner. That bread is the last one we have,” ani Gantrick.
“Yeah, sure. Where are the others?” tanong ni Donovan nang hindi ilibot niya ang mga mata at hindi matagpuan ang tatlong dalaga. “Are they out?”
“Yep. They insisted on continuing to observe the surroundings,”
“What? And you let them? It’s too dangerous! They might cross paths with that annoyingly strong son of a b***h!”
“You know them very well, bud. I tried to stop them but they’re too stubborn. They promised to run when things get south so don’t worry about them.” Pagpapakalma ni Gantrick sa nag-aalalang kapatid.
“Those idiots,” bulong ni Donovan sa kaniyang sarili. “Anyway, let’s go hunting.”
Habang naglalakad sa loob ng kakahuyan kung saan nila napiling mangaso ay nakakita sina Donovan ng isang bahay-kubo.
Gawa ito sa pawid, kaiba sa mga tahanang tinitirahan ng mga Babylonian na gawa sa luwad.
Dahan-dahan silang lumapit rito subalit hindi pa sila tuluyang nakalalapit sa kubo ay tatlong palaso ang tumudlo sa kanilang harapan kaya’t kagyat silang napatigil sa nais na gawin.
Awtomatikong itinaas ng magkapatid ang kanilang mga kamay nang lumabas mula sa kung saan ang isang matandang lalaki, tanda na wala silang pakay na masama dito.
“s**t! That was close. I think I pissed my pants,” biro ni Gantrick. “What to do now,
Don?”
“Just remain calm and be friendly. Smile,” utos ni Donovan sa kapatid. Sinunod naman ni Gantrick ang sinabi ng kapatid.
“Damn it! I told you to smile not to grin! You look scary,”
Napasimangot naman si Gantrick sa pahayag ng kapatid.
“Sino kayo at ano ang ginagawa ninyo rito?” tanong sa kanila ng matanda ngunit matikas pa ring lalaki. Malaki pa rin ang pangangatawan nito sa kabila ng katandaan.
“Ipagpaumanhin po ninyo, Amang kung naistorbo namin ang inyong pamamahinga. Kami po ay mangangaso lamang para sa aming hapunan nang kami ay mapadpad sa masukal na parting ito ng kakahuyan,” paliwanag ni Donovan.
“Umalis na kayo rito at huwag na kayong babalik!” pagtataboy sa kanila ng matanda. “Sa sandaling bumalik kayo rito ay sinisiguro kong hindi na sa lupa tutudlo ang aking mga palaso!”
Hindi naman na nagdalawang salita pa ang matanda sapagkat agad din na umalis sina Donovan upang ipagpatuloy na ang kanilang pangangaso.
“That darn jeezer! Pwede naman niya tayong kausapin nang maayos pero mas pinili pa niyang magpakagaspang sa harapan natin,” reklamo ni Gantrick habang inaasinta ang isang kunehong nakita.
“Don’t let him get into your nerves, just focus on what you’re doing,” payo ni Donovan sa kapatid.
Hindi na muling nag salita pa si Gantrick.
Nang pakawalan niya ang kaniyang palaso ay matagumpay itong tumama sa kawawang kuneho. “Gotcha!”
“Good now we have at least 4 rabbits. It also started getting dark, should we head back?” tanong ni Donovan.
“Yeah, I think that’s enough for the night.”
Ang kulay kahel na kalangitan ay unti-unti nang dumidilim. Ang ihip ng hangin ay lumalamig na rin.
Bago pa sila tuluyang abutin ng dilim ay mas binilisan pa nina Donovan ang kanilang paglalakad ngunit may isang bagay ang sa kaniya’y labis na bumabagabag.
“Nanggaling na tayo rito kanina,” seryosong wika ni Donovan habang inililibot ang tingin sa kaniyang paligid.
“We’re lost, aren’t we?” tanong ni Gantrick.
“You’re a cop, what should we do?” ganting tanong ni DOnovna sa kapatid.
“First let’s remain calm and analyze the situation. Saan tayo huling dumaan kanina?” tanong ni Gantrick.
“That way,” pagtuturo naman ni Donovan.
“Then we should follow the opposite trail and see what would happen,”
Ginawa nga ng magkapatid ang solusyong naiisip ni Gantrick. Tinalunton nila ang kasalungat na daan ngunit sa kanilang pangigilalas ay muli nilang natagpuan ang mga sarili sa lugar na kanilang pinanggalingan.
“What the f**k?” iritang bulalas ni Gantrick.
Pinatahimik siya ni Donovan at pinakiramdaman ang paligid.
“Someone’s approaching. Hide!”
Subalit bago pa sila makagkubli ay iniluwa na ng dilim ang ilang nilalang na aakalain mong tao sa unang kita ngunit kinalaunan ay makikita mo rin ang pagkakaiba.
Ang mga ito ay may kulay asul na mga mata at balat. Matatalas din ang ngipin ng mga ito na kayang punitin ang iyong mga balat.
“They look like a creature from a video game. What do you call those creatures again?” tanong ni Gantrick habang inihahanda ang kaniyang espada.
“Frost elves,” tugon naman ni Donovan habang bumubunot ng palaso sa kaniyang likuran.
“Ah, yes, frost elves. But they’re not supposed to be this...tall, right?” tanong ni Gantrick habang sinusukat ng tingin ang mga nilalang na nasa harapan.
“We’re in a different world, dumbass. So, it makes sense,”
Naging kaliwa’t kanan ang pagsulpot ng mga tinatawag nilang frost elves kaya naman ay pansamantala munang binitiwan nina Donovan ang mga nahuli nilang hayop.
“I’ll take the left; you clear the right” suhestyon ni Gantrick sa kapatid.
“Got it!” tugon naman nang naghandang si Donovan.
Umabot na ng isang oras ay patuloy pa rin sa pakikipaglaban sina Gantrick at Donovan sa mga nilalang na tinawa nilang frost elves. Ang mga ito ay tila hindi nauubos at napapagod.
Marami man silang napabagsak ay marami rin naman ang mga pumapalit sa mga ito.
Sa kadahilanang ito ay hindi maiwasan ng magkapatid na makaramdam ng pagod.
“They’re coming from everywhere!” sigaw ni Gantrick habang nakikipag sagupaan sa tatlong Frost elves nang sabay-sabay. “We can’t beat them all!”
Nauunawaan ni Donovan ang mga winika ng kaniyang kapatid. Tama ito, bago nila magawang talunin ang lahat ng mga kalaban na dumarating at paparating palang ay mauubusan muna sila ng lakas.
“We need to escape from this shithole or else the both of us would be trapped here fighting for our damn lives!” tugon niya sa kapatid.
Nang mga sandaling iyon ay magkatalikuran na ang dalawang binata. Pinoprotekhan nag likuran ng bawat isa.
“I’ll create an opening then we’ll make a run for it,” anunsyo ni Donovan.
Tumango naman sa kaniyang suhestyon si Gantrick. Habang siya ay abala na gumawa ng kanilang madadaanan sa kanilang pagtakas ay ito naman ang lumalaban sa mga kalaban na nagtatangkang lumapit mula sa likuran.
Ilan pang mga kalaban ang nagawang patumbahin ni Donovan bago siya tuluyang nakagawa ng daan. “Let’s go!”
Nang marinig ito ay napangiti si Gantrick. Nagagalak siyang mabatid na mayroon na silang pag-asang makatakas mula sa mga hindi nauubos na kalaban.
Lakad-takbo ang ginawa ng magkapatid. Sinamantala nila ang kadiliman ng gabi upang ikubli ang kanilang mga sarili habang sila ay tumatakbong palayo sa mga kalaban.
“Sandali! Magpahinga muna tayo,” humihingal na pakiusap ni Donovan sa kapatid. “Sumasakit na ang apdo ko kakatakbo but you look okay, how the hell did you do that?” dagdag pa niya habang nakatukod ang isang kamay sa punong nasa kaniyang gilid.
“I’m a cop, Don. I’m used to these kinds of situations and before we became a police officer, dumaan muna kami sa rigid trainings.” Nakangising sagot ni Gantrick na makikita sa mukha ang pagmamalaki.
“Damn it! Kung alam ko lang na mapupunta tayo rito nag pulis na lang sana ako instead of becoming a manager,” pagbibiro ni Donovan.
Saglit na natigilan si Donovan nang may mapagtanto sa kaniyang paligid. “We’re here again.”
Napalinga naman sa kaniyang paligid si Gantrick. Naroroon silang muli sa harap ng kubo ng matandang nakadaupang-palad nila kanina.
“Should we knock and ask for help?”
Umiling si Donovan. “No, we can’t drag that old man into our own mess baka mapahamak lang siya.”
Maya-maya lang ay naramdaman ng magkapatid ang paggalaw ng lupa. Ang tunog ng paghawi sa mga halaman at mga maliliit na punong nagtutumbahan.
“An earthquake?” nagtatakang tanong ni Donovan.
“In Babylon?” dagdag naman ni Gantrick.
Labis ang pagkagulat nila nang mula sa madilim na bahagi ng kakahuyan ay lumabas ang ilang mga frost elves.
Sa likuran ng mga ito ay ang siyang dahilan ng naging mga pagyanig sa lupa.
Kawangis ng mga frost elves amg higante ngunit higit sa tatlong beses ang pagkakaiba nito sa laki sa iba pang mga frost elves.
May dala itong malaking batuta na kayang magpatumba kahit pa ang pinakamatibay na punong kahoy sa Babylon.
“f**k! We're doomed!” Nakatingalang bulalas ng magkapatid na sabay pa ang ginawang pag lunok.
“T-that’s their boss,” nagbubuhol ang dilang saad ni Donovan.
“Are we suppose to beat that thing—or be killed by that s**t?” Walang kumpyansang tugon ni Gantrick.