Chapter 30- STRENGTH OF A STRANGER

2852 Words
NANG makabalik na sa kanilang pansamantalang kubol sina Irene, Ahura at Kirin ay labis ang kanilang pagtataka nang wala silang abutan doon. “Nasaan na ang dalawang iyon?” tanong ni Ahura. “Baka nagpapahangin lang sa labas,” tugon ni Irene. Siniguro naman ni Kirin kung tunay ngang nagpapahangin lamang ang magkapatid sa labas. Umiiling siyang bumalik sa loob ng kubol. “Wala sila sa labas. Kung magpapahangin lang ang mga ‘yon ay hindi sila lalayo sa ating kubol lalo na’t pinaghahanap pa rin kayo ng mga kawal ng Reyna.” Napaisip naman ang dalawa pa sa sinabi ni Kirin ngunit napagdesisyunan na lamang nila na hintayin na lang ang pagbabalik nina Donovan. Subalit dumating na ang dapit-hapon ay wala pa rin ang mga ito kaya naman ay nag-aalala na sina Irene para sa kaligtasan nila. “Ano na kaya ang nangyari sa kanila? Hindi kaya napahamak na ang dalawang ‘yon?” tanong ni Ahura nang maupo ito sa bakanteng silya sa tabi ni Irene. Si Kirin naman ay nasa labas ng kubol upang hintayin na magbalik ang magkapatid nang mamataan niyang naglakakad sa ‘di kalayuan si Priamos kaya naman ay tinawag niya ito. Daglian namang lumapit sa kaniya ang binata. “Naririto pa rin kayo? Delikado ang buhay ninyo rito sa Sentro sapagkat patuloy pa rin ang paghahanap ng mga kawal ng Reyna sa iyong mga kasama.” Ipinaalam naman sa kaniya ng dalaga ang biglaang pagkawala nina Donovan. Pumasok siya sa loob ng kubol upang alamin kung may katotohanan nga ang mga sinabi nito. “Ginoong Priamos?” pagkumpirma ni Irene nang pumasok ito. “Ano’ng ginagawa mo rito?” “Paumanhin, Binibini. Ngunit nabalitaan ko na nawawala raw ang mga Ginoong kasama ninyo?” bungad ng binata sa mga dalaga. Tumango naman si Ahura bilang tugon. “Bandang tanghali pa mula nang aming mapag-alaman na wala sila rito, noong una ang aming pakagay ay nagpapahangin o di kaya’y mayroon lamang silang pinuntahan subalit magtatakip-silim na ay hindi pa rin sila nagbabalik.” “Naririto pa ba ang kanilang mga kagamitan?” tanong muli ni Priamos. “Oo. Tanging ang kanilang mga espada at ang aking pana lamang ang tanging nawawala rito,” “Kung ganoon ay maaaring nagtungo sila sa kakahuyan upang mangaso,” Nanlaki ang mga mata nina Irene at Ahura. Hindi nila batid sa kanilang mga sarili kung bakit hindi nila kaagad na naisip ‘yon. “Mapanganib sa kakahuyan pagsapit ng dilim. Dito lang kayo, hahanapin ko sila roon,” saad ni Priamos. Ngunit hindi pumayag ang dalawa. Hindi maaatim ng kanilang mga konsensya kung mapapahamak si Priamos dahil sa paghahanap sa kanilang mga kaibigan nang nag-iisa habang sila ay komportable lamang na naghihintay sa loob ng kubol. “Sasama kami! Maaaring mapahamak ka kung ikaw lamang ang magtutungo roon,” tutol ni Irene. Hindi naman na tumanggi pa si Priamos. Mas madali nilang mahahanap ang dalawa kung mas marami silang maghahanap. Sinubukan niyang humanap ng bagay na maaring gawing sulo at hindi naman siya nabigo. “Dito ko na lamang kayo hihintayin,” saad ni Kirin. “Baka kasi sa inyong paglisan ay biglaan silang dumating.” Bitbit ang kanilang mga sandata at ang sulong hawak ni Priamos ay nagtungo na sila sa masukal na gubat upang hanapin sina Gantrick at Donovan. SAMANTALA ang magkapatid na Gantrick at Donovan namqn ay hindi pa rin alam ang kanilang gagawin. Kung lalabanan ba nila ang halimaw na nasa kanilang harapan o tatakasan na lamang ito. Subalit kung ang pagtakas naman ang kanilang pipiliin ay hindi nila alam kung magagawa nga ba nilang makalabas sa kakahuyang ito nang ligtas. Nang mapagpasyahan nila na takasan na lamang ang nakaambang kapahamakan ay tyaka naman dumating ang isang kagimbal-gimbal na sitwasyon. Mula sa kaniyang munting kubo ay lumabas ang papungas-pungas na matandang nakausap kanina ng magkapatid. Nangilabot si Donovan para sa maaaring mangyari hindi lang para sa kanila kung hindi ay pati na rin sa maaaring sapitin ng matanda. Namutla si Gantrick nang mapansin na nakatuon ang mga mata ng higanteng frost elf sa bagong gising na matanda. “s**t! He’s going to die!” Muling nayanig ang lupa nang humakbang ang higante patungo sa matanda ngunit tila ba wala siyang pakialam sa papalapit na kapahamakan bagkus ay pinagmasdan lamang nito ang halimaw mula ulo hanggang paa sa pagitan ng kaniyang mga paghikab. “What is he doing?” nahihintakutang tanong ni Donovan. “Is he planning to die?” Nang i-angat ng halimaw ang hawak na batuta ay hindi na nag dalawang-isip pa si Donovan at mabilis na sinalag ang ginawang pag-atake ng higante sa matanda gamit ang kaniyang espada. “Donovan!” tawag ni Gantrick sa kapatid nang sa isang iglap ay nawala ito sa kaniyang tabi. “Urgh! That idiot!” Agad naman na kumilos si Gantrick nang mamataan niya ang paglapit ng iba pang mga frost elves sa kaniyang kapatid. Mabilis naman niyang nagapi ang mga ito. “Ano na naman ang ginagawa ninyo rito?” bulyaw sa kanila ng matanda. Naiirita namang napatingin sa kaniya si Gantrick. “Hindi mo ba nakikita? Inililigtas ka namin mula sa mga Frost elves na ito!” “Frost elves?” napatingin naman sa kaniyang paligid ang matanda. “Ang ibig ba ninyong sabihin ay ang mga Yuntir?” Ngayon ay nalaman na nilang Yuntir pala ang tawag sa mga nilalang na ito. “O-Oo?” Bumuntong hininga ang matanda. “Salamat. Subalit hindi ko na kinakailangan pa ang inyong tulong. Makakaalis na kayo rito.” Hindi na siya muling sinagot pa nina Donovan dahil muling natuon ang atensyon ng magkapatid sa higanteng nagtatangka na namang umatake. Mabilis ang ginawang pagkilos ng magkapatid. Iniwasan nila ang malaking batuta na patungo sa kanilang posisyon habang maingat na inalalayan ang matanda upang dalhin sa isang mas ligtas na lugar. “We need to do something about that humongous piece of meat, Trick.” Sumang-ayon naman kay Donovan si Gantrick. “But we should wipe those little dirts first before we make our hands full,” tugon niya sa kapatid. At napagkasunduan nga ng magkapatid na habang kinukuha ni Donovan ang atensyon ng higante ay si Gantrick naman ang pumupulbos sa iba pa. Hindi naman nagtagal ay nagawa na ngang magapi ni Gantrick ang kalahati sa pwersa ng mga frost elves. “Gantrick!” Napalingon si Gantrick sa gawi ng kaniyang kapatid nang isigaw nito ang kaniyang pangalan. Halos panawan siya ng ulirat nang maramdaman ang pagtama ng isang matigas na bagay sa kaniyang gawing tagiliran. Nagmistulang isang bola si Gantrick nang magpatalbog-talbog siya sa mga puno dahil sa lakas ng pwersang tinanggap niya. Napaubo siya na may kasamang dugo nang tuluyan na siyang mapahandusay sa lupa. Nanghihinang bumangon si Gantrick. Napakunot ang kaniyang noo nang sinubukan niyang pulutin ang kaniyang espada subalit hindi niya maramdaman ang kaniyang kaliwang braso. Sinubukan din niyang tumayo ngunit nabigo rin ang binata at kagyat na napaluhod sa lupa. Pakiramdam niya ay tinakasan na siya ng lakas sa buong katawan. “W…what the…hell?” bulong ni Gantrick habang pinagmamasdan ang nanginginig na kanang braso. Sumulak ang dugo sa ulo ni Donovan nang makita ang nangyari sa kaniyang kapatid. Labis ang galit na kaniyang nadarama ng mga sandaling iyon. Gulat na gulat ang matandang iniligtas nina Donovan nang makita na nag liwanag likod ng palad ng binata. Mula sa ‘di kalayuan ay naaninag niya mula sa nakabubulag na liwanag ang simbolo ng bituin. “H-hindi maaari,” anas ng matanda. Katulad noong harapin ni Donovan ang mga Yetti sa pamayanan ng Morag ay muli siyang nakaramdam ng ibayong lakas na dumadaloy sa kaniyang mga ugat. Hindi na nagsayang pa ng oras ang binata sapagkat alam niyang aumang oras ay muling manunumbalik sa dati ang kaniyang katawan. “You bastard!” sigaw ni Donovan sa kaniyang isipan habang tumatakbong palapit sa higante. Nang mapansin niya na kumilos ito upang atakihin siya ay mabilis siyang lumundag upang maiwasan ang batuta nito hanggang sa makarating siya sa bahaging likuran ng halimaw. Gamit ang kaniyang espada at dahil na rin sa malaking katawan ng kalaban ay ang magkabilang sakong na lang nito ang una niyang pinuntirya. Hindi naman siya nabigo sapagkat dumagundong mula sa kapaligiran ang napakalakas na atungal nito dulot ng sakit na kaniyang ibinigay dito, ngunit hindi pa rin ito sapat upang magapi ang halimaw. Sinubukan pa niyang sugatan muli ito pero sa pagkakataong ito ay hindi na siya pinahintulutan pa ng halimaw. Kasabay nang muling paglapit ni Donovan ay ginamit naman ng halimaw ang kaliwang kamay upang hawiin ang binata. Simpleng paghawi lamang ang ginawa ng halimaw ngunit ang pwersang kaakibat niyon ang siyang nakapagpalipad kay Donovan ng ilang metro palayo mula sa higante. May ilang minuto na lang bago muling manumbalik sa dati ang kaniyang katawan at mawalang muli ang kakaibang lakas at bilis na kaniyang tinataglay. Nagkaroon man ng munting pinsala mula sa atakeng natanggap ay pinilit pa rin ng binata na makabangon upang subukang gapiin ang kalaban. Buong lakas siyang tumakbo patungo rito. Dahil na rin sa tinatamasang liksi ng binata ay nagpaikot-ikot siya sa higante upang hanapin ang maaaring kahinaan nito. Nagsalubong ang kilay ng binata nang may mapansin sa may bandang batok nito. “A gem?” Sa palagay niya ay mawawalan ng lakas ang higante kung sakaling mawawala iyon kaya naman nang atakihin siya nito ay sinamantala niya ang pagkakataon at ginawang hagdan ang nakaladlad na braso nito. Pero tila ba iyon ang sandaling pinakahihintay ng halimaw dahil nang sandaling marating niya ang batok nito upang alisin ang asul na brilyanteng nakita niya ay ang malaking kamay nito ang sumalubong sa kaniya. Pakiramdam ng binata ay isa lamang siyang laruan ng mga sandaling iyon. Sa higpit nang pagkakahawak sa kaniya ng halimaw ay batid niya na maaaring magkabali-bali ang mga buto sa kaniyang katawan. “Sa tingin mo ba talaga ay magagapi ako ng isang paslit na katulad mo?” wika ng higante na ikinagulat naman ni Donovan. “N…Nakakapag…salita…ka?” gulat na tanong ni Donovan. “Argh—” Labis na sakit ang ipinaparamdam sa kaniya ng halimaw na tila ba tuwang-tuwa pa sa kaniyang paghihirap. Unti-unti nang nauubusan ng hangin sa katawan si Donovan dahil sa higpit nang pagkakahawak sa kaniya ng halimaw. Habang tumatagal ay dumidilim na rin ang kaniyang paningin ngunit pinipilit niyang imulat ang kaniyang mga mata. Hindi niya nais na bigyan pa ng kaligayahan ang halimaw. Ilang saglit pa ay muli nang nakakahinga ng maayos ang binata. Nararamdaman din niya na nahuhulog siya mula sa kung saan. Maya-maya lang ay isang pares ng malalakas na bisig ang sumalo sa nagugulumihang binata. Nang magmulat siya ng mata ay ang mukha ng matandang kanilang iniligtas ang bumungad sa kaniya. “A-Amang?” Hindi naman na siya sinagot pa ng matanda. Maingat siya nitong inilapag sa lupa at isinandal sa isang puno. Dito niya natagpuan si Gantrick na walang-malay na ng mga sandaling iyon. Muli niyang sinundan ng tingin ang papalayong matanda. Huminto ito sa harapan ng higante na kani-kanina lamang ay siyang may hawak sa kaniya. Humihiyaw ito dahil sa labis na sakit na hindi niya alam kung saan nagmula. Sa kabila nang nanlalabong mata ay pilit na itinuon ni Donovan ang atensyon sa kaniyang mga nasa harapan. Pinulot ng matanda ang espadang ginagamit ni Donovan. Marahil ay nakabawi na ang halimaw mula sa sakit nang pagkakaputol ng kaniyang isang braso kaya naman ay muling natuon ang atensyon nito sa matandang may gawa niyon. Ngunit dahil higit na mas mabagal ang mga pagkilos ng higante ay hindi nito nagawang tamaan ang matanda. Labis naman ang pagkamangha ni Donovan dahil sa mga nasasaksihan. Hindi nagtagal ay ang matanda naman ang umatake sa higante. Isang matayog na paglundag ang ginawa nito at sa isang iglap lamang ay nagawa nitong hatiin sa gitna ang halimaw. Pagkatapos nitong paslangin ang higante ay muling naglakad palapit ang matanda sa kinaroroonan nina Donovan. Si Gantrick ay wala pa ring malay ng mga sandaling iyon. “J…just…who…the…hell…” Hindi na natapos pa ni Donovan ang nais niyang itanong sa matanda sapagkat bumigat na ang talukap ng kaniyang mga mata ay tuluyan na siyang napapikit. Hindi man niya gusto na ngayon panawan ng ulirat sapagkat nais pa niyang malaman kung sino ba talaga ang matanda ay hindi naman siya hinahayaan ng kaniyang katawan. KINABUKASAN ang nakapapasong sinag ng araw at huni ng mga nagkakasiyahang ibon sa mga matatayog na puno ang nakapagpamulat kay Donovan. Agad na binaha ng mga alaala ang isipan ng binata. Ang halimaw. Ang matanda. Ang pagliligtas nito sa kaniya at ang kagilagilalas na lakas ng estranghero na nakapagpabilib nang husto sa binata. Bumangon mula sa pagkakahiga si Donovan. Nananakit pa rin ang kaniyang buong katawan ngunit pakiramdam niya ay wala naman siyang malalang pinasalang natanggap mula sa higante. Nang maalala ang kapatid ay agad na umikot sa silid ang mga mata ng binata. Nakita niyang nahihimbing sa higaan na katabi ng sa kaniya. Mayroong mga nakatapal na kung ano-anong halaman sa buong katawan nito. “Those injuries must have been hurt.” Naaawa sa kapatid na bulong niya sa sarili. Lumabas mula sa silid ang binata. Habang iginagala niya sa buong paligid ang kaniyang paningin ay napagtanto niya na hindi pala maliit ang bahay-kubong tirahan ng matanda. Sa katunayan ay makasasapat ito para sa sampung tao. Ngunit ang ipinagtataka niya ay bakit napakaliit nito kung titingnan mula sa labas? Naputol ang pag-iisip ng binata nang lumabas mula sa isang silid ang matanda. “Gising ka na pala.” “O-opo. Maraming salamat po sa pagtulong ninyo sa amin ng aking kapatid pati na rin sa pagliligtas sa aking buhay,” tugon ni Donovan. Nagpatango-tango lamang ang matanda. “Sa sandaling magising ang iyong kapatid ay umalis na kayo rito at huwag nang magbabalik pa.”’ Nauunawaan naman ni Donovan ito. Hindi rin naman niya pinaplanong magtagal pa rito sapagkat sigurado siyang nag-aalala na ang kanilang mga kasama. “Maaari ko bang malaman ang pangalan ninyo at kung bakit ninyo kami tinulungan?” tanong ni Donovan. “Yusuf. Ako si Yusuf. Tinulungan ko kayo hindi dahil sa ginusto ko. Pinaslang ko ang halimaw na iyon sapagkat nagagambala na niya ang aking pamamahinga,” sagot ng matanda. Hindi man naniniwala sa ibinigay na rason ng matanda si Donovan ay hindi na siya muli pang nagsalita. Maaaring may dahilan ito kung bakit nito tinulungan ang dalawang mga hangal na binata na nag-aakalang kaya nilang talunin ang isang halimaw. “Don!” “Donovan!” Mula sa labas ay naulinigan ng binata ang boses ng kanilang mga kasama. Hindi siya maaaring magkamali, tinig iyon nina Ahura at Irene. Napasapo naman sa kaniyang noo si Yusuf. Lalo pang nadagdagan ang mga walang paanyaya niyang panauhin. Lumabas mula sa pinto si Donovan. Inabot niya pa sa labas sina Ahura at Irene na kasama ang lalaking nagligtas sa kanila mula sa mga kawal ilang araw na ang nakararaan habang iniinspeksyon nito ang nahating katawan ng higante sa lupa. “Oh my god! What the f**k is this?” Narinig pa ni Donovan na wika ni Irene. Hindi naman nagtagal ay nakita na rin siya ni Ahura na nakatayo sa harap ng pinto ng kubo. “Donovan!” tawag ng dalaga sa kaniya. At dahil nga nanghihina pa rin at may iniinda pa siyang sakit sa katawan ay hindi na siya lumapit sa mga ito, sa halip ay ang tatlo na lamang ang pinalapit niya. “What the hell are you doing here, Don? Where’s Gantrick? And what happened here?” tanong ni Irene na ang tinutukoy ay ang katawan ng higante at ng ilan pang mga Frost elves sa lupa. “Long story,” tugon naman ng binata. “Ginoong Priamos, ikinagagalak ko ang ating muling pagkikita.” Lumapit naman sa kaniya ang lalaki at inilahad ang kamay. “Ako ma’y nagagalak din Ginoong Donovan. Masaya akong malaman na ligtas kayo ng iyong kapatid.” “Siya nga pala, nasaan si Kirin?” “Nagpaiwan siya kubol upang hintayin ang inyong pagbabalik kung sakaling magkasalisi tayo at hindi magkita rito sa kakahuyan,” Naalala naman ni Donovan na sa sandaling magising si Gantrick ay kinakailangan na nilang lisanin ang tahanan ni Yusuf. “Kapag magising si Gantrick ay magbabalik na tayong muli sa Sentro.” “Hindi ba maaaring dumito na lamang kayo? Lubhang mapanganib para sa inyo ang muling magbalik sa Sentro sapagkat mas pinaigting ng Kamahalan ang paghahanap sa inyo,” suhestyon ni Priamos. “Ngunit hindi rin tayo maaaring magtagal dito sapagkat hindi tayo lubusang tinatanggap dito,” dagdag pa ni Donovan. Mula sa loob ng tahanan ay lumabas si Yusuf. Nabigla naman sa kaniyang paglabas ang mga bagong dating. “Siya ang may-ari ng tahanang ito, si Amang Yusuf.” Pagpapakilala ni Donovan sa matanda. Nag-aalangan namang bumati sa kaniya ang tatlo. Ngayon ay nauunawaan na nila kung bakit nasabi ni Donovan na hindi sila tanggap sa tahanang ito. Nakasimangot kasi ang matanda habang nakatuon sa kanila ang mga walang buhay nitong mata. Sa isang tingin pa lamang ay batid na nilang marami na itong masasakit na pinagdaanan sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD