CHAPTER 1
Chapter One.
"Kuya, matatagalan pa po ba tayo?" tanong ni Sophia sa taxi driver. Kanina pa sya kating kating na bumaba dahil malalate na sya.
"Naku mam. Baka po matagal pa po ito. Traffic po kasi dahil kasal daw po ng pinakabatang bilyonaryo kaya ang daming media sa may simbahan. Mam baka kayo din po malate na sa kasal nyo"
Patingin tingin sya sa relo nya dahil alam nyang malalate na sya. Sayang ang pagod nyang mag-ayos at maghanap ng gown tapos darating sya sa simbahan ng gusgusin.
"Sige kuya. Malalate na kasi talaga ako. Eto bayad, tatakbuhin ko na lang," inabot nya ang bayad kay manong at tinapik ito sa balikat at walang sabi sabing binuksan ang pintuan saka walang habis na tumakbo.
"Kasalukuyan po tayong nandito ngayon sa simbahan para masaksihan hindi lamang ng Pilipinas kundi ng buong mundo ang kasal ng sinasabing pinakabatang bilyonaryo...."
"Ayon sa mga kumakalat na balita, ang babaeng pakakasalan umano ay isang desperadang babae na patay na patay kay..."
Ilan lamang yan sa mga naririnig nya pero di nya ito binibigyan ng pansin dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang kasal na pupuntahan nya.
Hindi sya ang totoong magiging bride. Nung isang araw ay binigyan sya ng offer ng kaibigang si Mia na maging isang fake bride. Dulot ng kahirapan ay nagawa nyang tanggapin ang alok. Hindi nya pa nakikita ang pakakasalan nya ngunit sinigurado naman ng kaibigan na mabait at may itsura ang lalaki. Meron syang tiwala sa kaibigan at alam nyang di sya nito ipapahamak.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na sya sa tapat ng simbahan. Laking gulat nya ng nagsisimula na ito.
"Kung sino man ang nais tumutol..."
"Ako! Di ako papayag!" Binagtas nya ang ilang tao na nakaharang sa daan.
"Sino yan?" Yan ang mga reaksyon ng mga tao na hinawi nya. Pagdating nya sa labas ay walang sabi sabing sumigaw ito.
"ITIGIL ANG KASAL!" At lahat ng mata ay napunta sa kanya pero ang kanyang tingin ay nakapako lamang sa nilalang na nasa harap.
Yan na ba yung groom? Ang gwapo! Ang mga mata nyang nanlalamig. Lajit sino ay masisindak. Yung ilong nya na sobrang tangos tapos yung labi nya na basta perfect.
Ilang minuto syang nakakatitig lamang sa lalako ng biglang tumunog ang cellphone nya. Si Mia!
Saka lamang nya napansin na nasa gitna pa pala sya momentum nya. Kung pwede lang sanang lamunin sya ng lupa. Nahihiya man eh sinagot nya rin ito.
"Sophia! Nasan ka na?"
"Dito na ako sa simbahan?" Pabulong nyang sagot dito.
"Saan? Sa Cathedral?"
"Malamang! San pa ba?"
"Bakit ka napunta jan? Ang sabi ko sa Madrigal hindi sa Cathedral! Kasi nga diba ikakasal jan si" hindi nya na natapos ang sasabihin ng kaibigan dahil nabitawan nya na ito. Hiyang hiyang hiyang hiyang hiyang hiya sya ngayon. Kung nakapaglinis siguro sya ng tenga ay hind sya mabibingi sa Madrigal ng Cathedral.
Saka nya lang napansin na may mga media sa loob ng simbahan. Nice! Instant sikat sya!
"HOW DARE YOU RUIN OUR WEDDING?" Sigaw sa kanya ng bride. Maganda ang bride walang duda, wag lang talaga syang magsalita. Masyadong matinis ang boses. Kairita!
"Ah! Hehehehe! Sorry! Sorry! Dahan dahan syang naglakad paatras. Balak nya kasing tumakbo.
"Sige father, don't mind me. Tuloy nyo lang! Dali na!" Tumalikod ito at nagsimulang maglakad.
"Do you think you can escape?" Napatigil sya sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang isang baritonong boses.
Wag na wag ka ng humarap Sophia! Wag na wag kang haharap! Wag na wag---"
"What?" Parang gusto nyang iuntok ang ulo nya. Humarap pa rin sya. Pero nagulat sya dahil nasa harap na pala nito ang lalaki. Kelan pa?
"You think you can escape, young lady?" Mas lalo syang natakot sa lalaki nung hawakan nito ang kanyang braso.
"Piero! What are you doing? Dapat itapon na yang hampaslupa na yan sa labas"
Nice! Sabi ng wag na tong magsalita ang zombie na to eh. Nasasayang ang ganda.
Hindi man lang sya pinansin ng lalaki dahil mataman itong nakatingin kay Sophia na ngayon ay pabalig baling sa gilid.
"Listen everyone! This girl is the one I'm going to marry!" Nagulat ang lahat sa binitawan ng lalaking ito. Mas lalo na si Sophia! Hindi nya na alam ang nangyayari!
"No! Piero! You can't do that to me!"
"Piero! Don't do this"
Ang walang katapusang bibig ng manok at ang kabi-kabilang pag-flash ng kamera. Ang nagkakagulong mga tao ngayon sa simbahan!
Gusto nya namang tumakas! Balak nya sanang tumakbo pero bago nya pa ito magawa ay may pumigil na dito.
"You can't just run away from a Caruso, young lady"
And with that, everything went black.