CHAPTER 2

986 Words
Chapter Two. SOPHIA UNTI unti kong minulat ang mata ko at ang una kong nakita ay ang puting kisame at ang puting pader. "Aray! Ang sakit ng ulo ko,” sapo sapo ko ang ulo ko habang bumabangon. "Bakit nasa ospital ako?” Medyo loading pa ang utak ko nung may bigla akong maalala. Napatampal na lang ako sa sarili. Ano na naman ba ang katangahan ang nagawa ko? Kelangan ko ng makaalis bago pa ako maabutan ng kung sino dito. Wala akong perang pambayad. Inayos ko na ang aking sarili at tinanggal yung mga nakatusok sa kamay ko? Pagbukas ko ng pinto-- "Eh?" "Bawal po kayong umalis mam" Mayroon lang namang limang men in black ang nakabantay sa labas ng pinto ko. Kelan pa ako nagkaroon ng ganito? "Sigurado po ba kayo na ako ang binabantayan nyo? Wala po akong bodyguard,” tanong ko pa sa mga ito. Aba! Totoo naman! Baka mamaya ay singilin pa ako, wala akong pamabayad. "Opo mam! Pasensya na po. Utos kasi ni boss,” nangunot ang noo ko sa narinig.  Boss? "Boss sino yun?" "Yung asawa nyo po,” nanlalaki bigla yung mata ko sa narinig. Isa isa kong tiningnan yung lima pero tanging yung kinakausap ko lang ang nakatingin sa akin. Yung iba? Wala! Poker! Jeeez! Kinasal ba ako sa kanya? Shemay! Siopao! Kapeng mainit! Bakit wala akong maalala! "Sino po ba sya?" "Si Piero Caruso mam" "Ganun po ba? Sige po salamat" Dali dali akong pumasok sa loob at nag-isip ng paraan kung paano ako makakatakas dito. "Piero Caruso? San ko nga ba narinig yun ah?" Kagat kagat ko ang labi ko habang paroon at paritong naglalakad. Pamilyar kasi sya sa akin. "Piero. Piero. Piero Caruso. Caruso. Car---" Flashback "Ate! Pag laki ko gusto kong maging katulad nya" Napatingin naman ako sa kapatid kong si Mico. May hawak syang dyaryo habang tinuturo ang isang litrato dun. "Patingin nga" Nakakatakot. Yan Fang una kong impression sa picture nya. Nakasuot ng pormal ang lalaki. Feeling ko may kung anong dumaloy sa katawan ko nung makita ko ang mga mata. Fierce. Tapos yung ilong nya, pointed. Grabe naman ang lalaking to! Perfect na perfect ang mukha. A MONSTER IN BUSINESS: PIERO CARUSO Sa darating na linggo ay ikakasal na ang pinakasikat na bilyonaryo na si Piero Caruso sa isang nagngangalang Zoey Williams. Kilala si Piero dahil ito ang CEO ng pinakamalaking kompanya sa Pilipinas, ang Caruso Empire. Masasabing sya din ang isa sa mga pinakamakapangyarihan na businessnan sa industriya. Walang sinasanto. Walang puso. Ilan lamang yan sa mga mga bansag sa lalaki pero di naman ikakaila ang kakisigan nito. Samatala, ang Zoey Williams naman ay isang international model. Kamakailan lamang, nasangkot ito sa isyung pinilit lamanh daw nito ang binata na magpakasal sa kanya blahblahblah "Basta ate! Paglaki ko gusto ko talagang maging katulad nya! Idol ko yan!" Nilingon ko naman si Mico na abot langit ang ngiti habang nakikibasa din sa akin. Ngumiti ako sa kanya saka ginulo ang buhok nito. "Ikaw talaga! Ang dami mong alam! Oh! Ibalik mo na nga ito. Ihahatid pa kita sa school mo" Flashback Ends Napaupo ako bigla sa kama ng maalala ko kung sino ang taong yun. Feeling ko katapusan ko na!  Walang puso daw ang taong yun eh. Tapos wala ding sinasanto. For sure, di sya tatawaging "monster" in business kung wala wala lang sya. Kelangan ko na talagang makalabas dito baka mamaya bigla nya na lang akong barilin o pasagasaan sa pison. Hindi ako pwedeng lumabas sa pinto kasi for sure, mahuhuli nila ako. Kelangan ko ng alternative. "Sorry Sophia, mukhang wala kang ibang choice" IT'S NOW OR NEVER. ---- THIRD PERSON'S POV "WHERE. IS. SHE?" dumagundong ang isang nakakatakot na boses sa buong hallway habang hawak nya sa kwelyo ang kausap. "D-di k-ko p-po a-alam b-boss" nanginginig na sabi ng bantay na kanina lamang ay kausap ni Sophia. Tsk. Tsk. Kawawa naman. "Chill bro. Wag mo namang takutin. Di nya naman kasalanan na matinik pala ang babaeng yun" naiiling na sabi ng isang lalaki na kasama ni Piero na pumasok habang nakatingin sa isang bukas na bintana. Oo. Tama ang hinala nyo, nakatakas si Sophia. Tumalon lang naman sya sa bintana. Nasa 2nd floor lang naman ang kwarto nya. "Shut up Niccolo" saka tiningnan ng masama ang lalaking bantay. "Out" malamig na sabi nito. Wala namang sabi sabing umalis ang limang bantay. "Damn! Piero! Hindi ko aakalain na may babae pa pala ang may lakas ng loob na gumawa sayo nito. Akala ko lahat sila ay---ooops!" Napatigil ito sa pagsasalita dahil tinapunan sya ng kausap ng isang malamig na tingin. "Pero bro, you're lucky kasi di ka natali sa baliw na Zoey na yun. Kaya ka lang naman kasi magpapakasal dun dahil wala kang choice. Pero we need to find your runaway bride fast" tila may nais ipahiwatig ang boses ni Niccolo sa huling sinabi. Nawala ang kanyang pilyong ngiti at napalitan ng isang seryosong mukha. May taglay ding kakisigan at sikat din ang isang Niccolo Del Tierro. Magkaibigan na sila simula bata pa lamang. Kahit magkaiba ang kanilang ugalo, nagkakasundo naman sila sa ibang bagay tulad ng business. Si Niccolo ay may pagka-playboy type at pilyo. But there is always somethinf in him that makes him mysterious. Tila ang bawat ngiti ay may ikinukubling kakaiba. Samantang si Piero naman ay ubod ng tahimik. Napakaseryoso at misteryoso. Napaka-pribadong tao. Na-expose lang sya sa publiko dahil sa kasal nya. Kelangan nyang maikasal bago sumapit ang ika-28 na kaarawan. Isang malaking pagkakamali ang pagpayag nya na pakasalan si Zoey. He always has a plan in every decision that he made. Kaso may isang hindi inaasahan ang nangyari. Wala ang babae sa plano nya! "Dante" tawag nito sa kabilang linya. "Give me everything that you can get to that girl. I don't care where and how will you find it. Just give them to me in two hours" "Areglado boss" sabay baba ng telepono. Nakita nya naman ang kaibigan na seryoso na ngayon. "We have a problem" base sa tono ng pananalita nito ay mukhang alam na nito ang tinutukoy. "The Santana's?" "Yes" "Let's go and kill that bastard" And with thay sabay nilang nilisan ang lugar. Don't ever dare to mess with the MONSTER and REAPER. They are not called by that for nothing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD