CHAPTER 3

1364 Words
Chapter Three. SOPHIA "Miss Ramirez! Maaari po ba namin kayong ma-interview?" "Nako! Hindi po pwede. Excuse me!" Bakit ko ba kasi kinalimutan na suotin yung disguise ko? Hindi ko naman naisip na sa buong buhay ko ay hahabulin ako ng media. "Sophia. Pinapatawag ka ni sir" nagtatrabaho kasi ako sa isang maliit na restaurant bilang isang waitress. Hindi kalakihan ang sweldo ko pero at least meron diba? "Sir?" Bungad ko ng buksan ko ang pinto ng office. Mabait si Sir Wy kaya maswerte ako sa napasukan. "Iha. Pasok ka" maliit lang din ang office nya. Dito sya lagi para icheck ang nangyayari sa restaurant. May maliit na table sa loob at mga upuan. Just the typical office type. "Iha. Didiretsuhin na kita" bigla akong kinabahan sa narinig. Lagi syang nakangiti kapag kinakausap ko sya at ngayon ay napakaweird. Seryoso kaso itong nakatingin sa akin. "I think kelangan mo muna isettle ang problema mo sa labas" "Po?" "As you can see, halos araw araw kang dinadayo ng mga reporters. Kung hindi ka lang gumagamit ng disguise tuwing gabi ay baka pati sa bahay nyo nasundan ka na nila" Mula kasi nung mangyari yung epic fail na yun! Di na ako tinantanan ng media. Kainis nemen eh! Kaya tuwing gabi pag matatapos yung shift ko, ninja moves lang ang ginagawa ko para matakasan sila. Di kasi sila pupwede pumasok dito sa loob kaya hanggang labas lang sila. "I'm giving you a break iha" napatingin ako kay Sir Wy. "Sir! Wag nyo po akong tanggalin. Please! Parang-awa nyo na po. Ito na lang po ang mapagkukunan ko ng pang-gastos namin ng kapatid ko" halos magmakaawa na ako sa kanya. Hindi pwedeng mawalan ako ng trabaho! "Hindi iha. Ang sabi ko magpapahinga ka lang pero di kita tatanggalin, okay?" Wew! Buti naman. Akala ko talaga. Pagkatapos naming mag-usap ay nagpa-alam na ako. Almost 11 na pala! Buti na lang pagtingin ko sa labas wala na rin ang mga reporter kasi umuulan. Wala akong payong! So, wala akong ibang choice kundi ahg makipagsabayan sa ulan. Maliligo na lang ako paguwi. Pagdating ko sa bahay ay natutulog na ang kapatid kong si Mico. Sampung taong gulang at nasa grade 4 na. Naga-aral sya sa isang public school. Wala na ang mga magulang namin kaya ako na lang ang bumubuhay sa aming dalawa. Nakakaawa man ang sitwasyon namin pero di pwedeng umiyak iyak pa ako dahil kelangan kong maghanap ulit ng ibanh trabaho. --- "Ate! Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Mico habang inaayos ko ang bag nya. "Ano ka ba Mico! Okay na okay ako noh! Malakas kaya ang ate mo!" Pero sa totoo lang eh medyo hindi maayos ang pakiramdam ko. Masakit ang ulo ko at medyo mabigat rin ang katawan ko. Mind over matter lang yan Sophia! Hindi ka magkakasakit! "Sige na Mico, pumasok ka na. Baka malate ka pa. Sumabay ka na dun sa anak ni Manang Bing" sabay abot sa kanya ng baon nya. Si Manang Bing ang mabait naming kapitbahat na parang anak na rin sa labas (literally) ang tingin sa amin. "Ate naman eh! Ayaw kong sumabay dun. Ang daldal kasi masyado" natawa na lang ako sa reaksyon ng kapatid ko. Paano kasi di sila masyadong magkasundo ng anak ni Manang Bing. "Wag na bang maarte! Lagi ka ngang nakakalibre ng pamasahe eh. Halika na. Ihahatid kita sa kanila" tricycle driver kasi ang asawa ni Manang Bing kaya naman pag sumasabay sya sa anak nitong si Maymay, nakakalibre na si Mico. "Basta ate! Pag nagkapera na tayo. Di na ako sasabay kay Maymay" nakabusangot pa rin ito habang naglalakad kami. Ginulo ko na lang ang buhok nito. "Ate naman eh" napangiti na lang ako sa inasal nya. "Kayo pala yan. Halika na Mico, paalis na kami" sakto lang ang dating namin kasi paalis na rin sila. Agad namang nagpaalam sa akin si Mico at sumakay na pero nung makita si Maymay! Aba't sinimangutan lang ito! Tsk. Tsk. Tsk. "Okay ka lang ba Pia?" Pia kasi ang tawag ng mga tao dito sa amin. "Opo" "Namumutla ka oh!" Agad nyang sinapo ang noo ko "Nilalagnat ka! Dyusmiyong batang to! Uminom ka na ng gamot?" "Wala pa po eh. Mamaya na lang po sa bahay pag-uwi. Sinat sinat lang naman po ito Manang Bing" pinipilit kong maging masigla ang boses ko para di na mag-alala si Manang Bing. "Sige. Sige. Uminom ka kaagad para di na yan lumala pa. Mauuna na muna ako sayo ah? Ihahatid ko pa ang mga ito dun kay Aling Rita" nagpaalam na rin ako kay Manang Bing na uuwi na. Medyo masakit na talaga ang ulo ko kaya pag-uwi ko matutulog na lang ako. Mia... Napamulat ako dahil sa lakas ng tunog ng cellphone ko. May tumatawag pala! Si Mia! Mas lalong lumala ang pakiramdam ko ngayon. Nung hinawakan ko ang noo ko ay muntik na akong mapaso sa sobrang taas ng lagnat ko! Nakalimutan kong uminom ng gamot! Pagtingin ko sa orasan ay alas-dos na ng hapon. Halos anim na oras akong tulog. Nahihilo man ay pinilit ko pa ring sinagot ang tawag nito. "Hoy babaita! Anong nangyari sayo?" "Hmmmh" nais ko sanang sumagot pero walang lumalabas sa bibig ko na salita. Hirap na hirap na talaga ako. "Walanghiya ka! Ang sabi ko ikaw ang magifing fake bride! Pero dahil ikaw ang naligaw! Wala akong choice kundi ang pumalit sayo! Bwisit ka talaga! Sarap mong patayin!" Kung sa ibang pagkakataon siguro ay baka naghysterical na ako. Pero sa kalagayan ko ngayon? Imposible. Deep inside alam ko namang tuwang tuwa yan. Naikwento nya kasi na crush nya daw yun. "Hoy! San ka na? Buhay ka pa ba?" "Ang sakit ng ulo ko. Achoo!" medyo hirap kong sabi. "Uminom ka ng gamot. Yan na nga ba ang sabi ko sayo eh. Wag masyadong maging masipag. Ikaw rin!" "Oo na. Oo na" "Oo nga pala. Nung isang araw may isang tao na nagtatanong sa akin tungkol sayo. Monte something ata ang pangalan---" "Tao po" tawag ng tao sa labas. "Bye" hindi ko na pinakinggan ang sinasabi nya. Pinatay ko na lang ang cellphone ko. "Tao po" sino kaya ito? Unti unti akong bumangon kahit sobrang nahihilo na ako. "Achoo!" Ang galing! Sumabay pa to! Sobrang nahihirapan na ako. Pagtayo ko ay bigla na lang dumilim ang paligid ko. --- MEANWHILE Nakatayo sa labas si Piero at Niccolo sa tapat ng bahay ni Sophia. Nakalean sa ferrari nito si Piero samanatalang kumakatok naman si Niccolo sa pinto nito. "Bro, walang tao ata eh" "Try again" "Tao po" Bulung bulungan ang maririnig sa mga kapitbahay ng dalaga. Lahat nagtataka kung anong ginagawa ng dalawang gwapong nilalang sa lugar na ito. Medyo nasa liblib kaso ang lugar na ito at hindi sila sanay sa mga ganitong panauhin. Hindi rin sila masyadong nanonood ng telebisyon dahil limitado lamang ang oras ng paggamit ng kuryente sa lugar na ito. "Hinahanap nyo po ba si Pia?" Nilapitan sila ni Manang Bing ng mapadaan ito sa bahay ng dalaga. Nanatiling tahimik lamang si Piero kaya si Niccolo na lang ang sumagot sa kanya. "Opo. Si Sophia Ramirez po ba ang nakatira dito?" Nakangiting tanong nito sa ginang. "Ay, oo. Jan nga sya nakatira. Bakit mo sya hinahanap?" "Because she's my wi---" walang kagatol gatol na sagot ni Piero pero pinutol na agad ito ni Niccolo. "Wag nyo po syang intindihin. May ibibigay lang po sana kami sa kanya" "Ganun ba? Katokin nyo na lang ulit baka kasi nagpapahinga. Mukha kasing masama ang pakiramdam ng batang iyan" ilang saglit pa ay nagpaalam na rin ang babae sa kanila. "Dude! Baka tulog talaga. Pasukin na natin?" Tiningnan lamang sya ng lalaki ng masama. Bigla silang nakarinig ng lagabog sa loob. "s**t" napamura na lamang si Niccolo at nagmamadaling pinasok ang bahay. Pero mukhang mas mabilis s Piero dahil bago pa man tuluyang makapasok si Niccolo ay buhat buhat na nito ang babae na tila nanghihnina at putlang putla. "The car, NOW" Yun lang ang sinabi nya at walang sabi sabing pumasok ito sa driver's seat samantalang sa likod naman umupo si Piero habang naka-alalay pa rin sa babae. Bakas sa kailang mukha ang pag-alala kaya naman mabilis na pinaharurot ni Niccolo ang sasakyan paalis. MARAMING tumatakbo sa isip ni Piero habang pinagmamasdan ang babaeng mahimbing na natutulog ngayon. Agad nila itong isinugod sa ospital ng makita itong walang malay sa kanyang tirahan. Parang may kung anong kakaiba syang naramdaman nung makita nya kung paano ito nanghihina. Kung sa ibang pagkakataon lamang, ay hindi na nya kailangan pang maghabol dito. He can just get another one but he just can't.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD