Chapter Twenty Three
His Wife
Pinigilan ko ang sarili kong itulak si Zuriel habang sinisibasib niya ng halik ang mga labi ko!
I don't really know what to feel about it. Matagal na panahon na akong nahalikan sa labi. It's too far from the present and I couldn't even remember how kissing works... but God... His lips were so soft and ruthless against mine that all I could do is cling to him.
Sinundan ko ang bawat galaw niya at hindi na nasundan kung paano ako nadarang ng mga ekspertong labing iyon! I kissed him back. Tila nauhaw bigla at gustong punan ang lahat ng iyon. Our tongue battled for a couple of minutes, hindi ko siya nagawang urungan, pero nang bumaba ang mga labi niya patungo sa aking leeg ay doon na ako natauhan!
"S-Sir Zuriel..."
Shit!
Napapikit ako ng mariin nang imbes na intindihin niya ang pagdaing ko ay bumaba lang ang halik niya patungo sa aking collarbone.
Napasinghap ako't agad napatukod ang isang kamay sa lamesa nang bumaba pa ang mukha niya patungo sa aking mga dibdib. He's too tempted and I'm so f*****g weak to stop him!
"Lucy..." I blurted with my trembling lips, nilalagnat na dahil sa ginagawa niya sa aking katawan pero sa hina no'n ay tila hindi niya ako narinig.
Ibinaba niya ang bra ko at mas ipinaramdam ang galit na bagay sa gitna nang kanyang mga hita sa pamamagitan nang pagdiin ng katawan sa akin habang dahan-dahan akong inihihiga sa kanyang lamesa. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maramdaman ang mainit at malaki niyang palad na humaplos sa aking kanang dibdib! He caressed it hungrily!
"Lucy... Zuriel..." mas malakas at matapang kong sambit kahit pa patuloy akong nadadarang sa init na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko!
That was where he stopped caressing my breast. Hinihingal niya ring inihinto ang paghalik sa kabila ko pang dibdib na nakatiwangwang sa harapan niya. Hirap niyang ibinalik ang titig sa akin.
"What the f**k did you just said?"
"Lucy," may paninindigan kong sagot habang habol ang paghinga. "Sino siya? Bakit ako tinawag ng kaibigan mo sa gano'ng pangalan?"
Mabilis na nag-igting ang kanyang panga at walang ano-ano'y binitiwan ako at agad na tinalikurang tila nahimasmasan rin sa ginagawa.
Nalaglag ang panga ko sa pagkawala niya sa aking harapan. I felt so exposed hindi lang dahil sa bukas kong damit kundi dahil na rin sa pag-alis niya.
God damn it! What have I done?!
Nagmamadali kong inayos ang aking bra at damit bago umalis sa kanyang lamesa pero bago ko pa siya malapitan ay nakaalis na siya't nakalipat sa lamesang mayroong alak. Nauuhaw siyang nagsalin ng isang punong baso at agad iyong tinungga, wala nang pakialam sa akin.
"S-Sir Zuriel, I'm–"
"Get out," he cut me off.
Sa narinig ay parang gusto ko na lang manliit.
Fucking him wasn't really part of my plan even if that's the only way to get his attention. Hindi ko pa 'yon lubos na napag-iisipan at ngayong nakita na niya ang katawan ko't pinagtatabuyan sa mga oras na ito ay parang gusto ko na lang gamitan siya ng dahas!
"Get the f**k out!" he shouted angrily that made me jumped!
Nanghihina akong napaatras sa pag-ugong ng boses niya sa tahimik na opisina. I'm not easily intimidated, but that voice thundered like an angry lion threatening his prey. Dahil alam ko sa sarili kong kailangan ko ring lumayo at huminga ay agad na akong umalis.
I was panting so hard when I got out of his office. Nag-iinit ang katawan ko at damang-dama ko pa rin ang bawat dampi ng mga labi at haplos siya sa aking katawan, as if he marked me completely.
"Tasiana!"
Tumayo ako ng tuwid nang marinig ang pagtawag sa akin ni Ate Tipas. Pinilit kong kalmahin ang sarili at agad na ngumiti sa kanya, ngunit mabilis rin iyong napawi nang agad niyang kunin ang kamay ko't hinila patungo sa kung saan.
Hindi ako nakapagtanong hanggang sa makarating kami sa library. Mabilis niyang isinara ang pintuan at hinihingal akong tinitigan.
"Anong nangyari ate?" naguguluhan kong tanong sa kanya pero iniwan niya lang ako.
Dahil gulong-gulo ako at hindi pa nakakapag-move on sa ginawa ni Zuriel sa akin kanina ay hindi ko siya nasundan. Pinanuod kong may kinuha siya sa isang cabinet at nagkukumahog na bumalik sa aking pwesto para ipakita iyon.
Gano'n na lang ang paglaglag ng panga ko ng makita ang isang magandang babae sa litrato. Nakangiti ito habang mayroong hawak na bulaklak. I swallowed hard when I realized something... Kung siguro nakangiti rin ako ngayon ay para akong nananalamin.
Oo nga't mamahalin ang suot na damit nito sa litrato at malayo sa maid's uniform ko, pero kung tititigang mabuti ang kanyang mukha ay halos walang pinagkaiba sa aking hitsura.
"Nakita ko 'yan kanina. Hindi kita mahagilap at mas lalong hindi ko alam ang gagawin. Ikaw ba 'yan Tasiana? Naiwan mo lang ba 'yan rito noong maglinis ka?"
"Ate..." lutang akong naglakad papunta sa couch at pagkatapos ay hinayaan ang nanghihinang sariling maupo. "Hindi po ako ang babaeng ito."
Sumunod siya sa akin.
"Hindi kaya 'yan ang sinasabi ni Aurora na asawa ni Sir Zuriel?"
Nagkatitigan kami. Mas lalong lumakas ang kalabog ng dibdib ko sa napagtanto. It can't be, but who knows? Ito rin ba ang Lucy na akala ng lahat na ako?
Muling bumalik ang mga mata ko sa litrato. Kaya ba gano'n na lang ang pagkamangha niya sa akin noong unang beses kaming magkita ay dahil kamukha ko ang asawa niya? Kaya rin ba siya natigil kanina dahil sa babae? Kaya lang ba niya ako pinapansin dahil naaalala niya ito sa pamamagitan ko?
I have so many questions in mind that doesn't have any answers. Kating-kati na akong iwan si Ate Tipas para tawagan si Rave, pero hindi ako nagkaroon kaagad ng pagkakataong gawin 'yon dahil sa pagtawag sa amin ni Ate Aurora sa utos ni Davida.
Isinantabi ko muna ang lahat ng kaguluhan sa utak ko nang utusan kami nitong maghanda para sa gaganaping party sa isang araw. Aniya ay ilang malalapit lang namang kaibigan ni Zuriel ang dadalo sa pagtitipon pero kailangan naming maghanda ngayon pa lang.
Kahit na nasa malayo ang utak ko ay nagawa kong makinig. It wasn't the job that exhaust me. Ang nakakapagod sa lahat ay ang mga kapangahasan ko.
I never been touched like Zuriel did, iyon siguro ang dahilan kaya hindi ko kaagad nakalimutan ang lahat kahit na dalawang araw na ang lumipas.
Ang litrato rin ng babaeng nasa akin ay nananatiling palaisipan. Hindi ko pa man nakukuhaan ng sagot ang tungkol doon dahil wala ring maisagot sa akin si Rave ay hindi ako nawalan ng pag-asang magiging malinaw rin ang lahat.
Zuriel did not ask me for anything after the incident. Okay na rin para makapag-isip ako at hindi malayo ang utak sa aking misyon dahil alam kong kapag nagharap na naman kami ay baka iba na naman ang mangyari. There's some mystery in him that makes me so intrigue at mas lalo akong nagiging malapit doon dahil sa litrato at sa Lucy na iyon.
"Miss Davida, pwede po bang magtanong?" hindi ko na napigilan isang araw nang isama niya akong mamili ng grocery para sa bahay.
Sa lahat ay iyon ang gusto niyang gawin kahit na kaya naman namin iyon. Gusto niya kasing personal na siya ang mamimili ng kailangan ng kanyang alaga maging ang kakainin nitong mga pagkain. She's like a mother to him kahit na mukhang hindi naman iyon ang turing sa kanya ng lalaki.
"Ano 'yon?"
Itinulak ko ang panibagong cart para pantayan siya. Nahinto kami sa mga aisle ng mga sabong panglaba.
"Kilala niyo po si Lucy?" wala nang paligoy-ligoy kong tanong na dahilan para mabitiwan niya ang kinuhang fabric conditioner.
Pupulutin ko na sana iyon pero agad niyang nahawakan ang braso ko.
"Kanino mo narinig ang pangalang 'yan?"
Pinigilan kong mapangiwi ng humigpit ang hawak niya at sinagot siya ng mas kalmado para hindi niya ako pagsuspetsahan ng kung ano.
"Noong nakaraang araw po kasi, iyong bisita ni Sir Zuriel ay tinawag akong Lucy."
Nag-isang linya ang kanyang mga kilay na mukhang ayaw makinig sa mga sinasabi ko pero wala na siyang kawala. Agad niya akong binitiwan at tinalikuran, sumunod naman ako. I wanted to ask her so bad if that Lucy is Zuriel's dead wife, but I just couldn't make her hate me for it.
"Miss Davida... Naguguluhan lang po talaga ako at gusto ko pong malaman."
Isang malalim na buntong-hininga ang lumabas sa kanyang bibig. Kahit na mukhang ayaw sabihin ang katotohanan ay wala na ring magawa.
"Sasabihin ko lang ito dahil sa darating na pagtitipon sa isang araw. Hindi na gusto pang tawagin ni Zuriel ang mga on call dahil kaunti lang naman ang bisita at hindi rin kita pwedeng bigyan ng pahinga sa araw na iyon kaya dapat mo nang malaman na maaaring pagkamalan ka pa ng ilang mga bisitang dadalo sa araw na iyon," nagpatuloy ako sa pakikinig at pagsunod sa kanya.
"Malapit si Lucy kay Zuriel at sa mga kaibigan nito at kamukha mo ang batang iyon."
Hindi na ako nabigla dahil nakita ko na ito sa picture at hindi na rin nagtaka nang ipakilala niya ang sigurado akong asawa ni Zuriel bilang kaibigan lang dahil tagong kasal lang naman ang nangyari sa dalawa.
"Kaya po ba gano'n na lang rin ang gulat niyo noong unang beses niyo akong makita?"
Tumango siya. Muling kumuha ng mga gamit sa shelves.
"Iyon rin ang dahilan kaya hindi kita ipinakilala sa lalaki at mas lalong hindi ako palagay na ikaw ang gumagawa sa mga utos niya."
Tumango ako bilang pag-intindi, pero natigil nang hawakan niya ang kamay ko't pigilang lumiko sa kabilang aisle.
"Kahit na trabaho mo ang gawin ang mga utos ni Zuriel ay gusto ko pa ring lumayo ka at iwasan iyon kung kaya mo," aniyang nagbabanta sa mas malaking dahilan kaya muli akong nakaramdam ng kaba.
"M-Miss Davida–"
"Hangga't maaari ay ikaw na ang lumayo kay Zuriel para hindi ka malagay sa ano mang gulo o panganib, naintindihan mo?" aniya saka muling hinigpitan ang kapit sa aking palapulsuhan kaya wala na akong nagawa kung hindi ang tuluyan na lang siyang sang-ayunan.
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. :)
~~
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva