CHAPTER 24

2313 Words
Chapter Twenty Four Kiss And Tell Davida's words never bothered me. Not only because I am stubborn enough to follow her orders, but also because I came here for a mission and being far away from Zuriel will not help me accomplish that. Dumating ang araw ng kasiyahan. Zuriel and I haven't got a chance to talk about what happened in his office as the guy became too occupied from God knows what. Maaga pa lang ay handa na ang lahat. Nauna pa nga ang bisita sa kanyang pagdating at tama si Davida, kahit na iilang mga lalaki lang ang pinagsisilbihan namin ay nasa akin ang lahat ng atensiyon ng mga ito. Someone even tried to talk to me mabuti na lang at dumating si Symond na una na akong nakilala. "Sorry about that," he said while following me back to the house. "Okay lang po." I answered sweetly, hindi gustong itaboy siya dahil alam kong isa siya sa makapagbibigay ng sagot sa mga ilang katanungan ko. "May kailangan po ba kayo?" tanong ko nang makapasok na kami pabalik sa kusina pero nanatili siyang nakabuntot sa akin. He smirked and shook his head. "I just wanted to make sure you're okay after everyone's been bugging you." Ngumiti ako at tumalikod sa kanya. Inilapag ko ang mga basong nagamit ng bisita sa lababo at pagkatapos ay inisa-isang ilagay sa dishwasher. "Okay lang po. Wala naman po silang ginawang masama." "Not yet," he chuckled. Marahas ko siyang nilingon pero hindi ko ipinakitang naalarma ako sa kanyang sagot. "Bakit naman po? May gagawin po ba silang masama?" I asked innocently. Umiling siya at inubos na ang laman ng baso bago lumapit sa akin at inilapag iyon sa lababo. Napatuwid ako ng tayo ng hindi pa rin siya umalis. "That's not what I mean." "Tungkol po ba ito kay Lucy?" I see him swallowed hard at that. Yes indeed. Sagot ng utak ko para sa 'kin. I remained calmed when he nodded. "Sino po ba si Lucy at bakit lahat kayo ay parang nakakita ng multo nang makita ako?" Nawala ang ngisi sa labi niya at saka iyon pinagdiin. "Because Lucy is dead and you look exactly just like her." I did not answer him because I already figure that one out. Kahit na alam ko na naman kung sino iyon ay gusto ko pa rin ng kumpirmasyon. "Sorry po hindi ko po gustong manghimasok sa buhay niya, pero pwede ko po bang malaman ang relasyon ni Si Zuriel kay Lucy?" Nang makita ko ang pag-aalinlangan niya ay hinawakan ko ang kanyang kamay. "Gusto ko lang pong malaman?" I asked again, mas nagmamakaawa't mukhang inosenteng hindi na niya lubos matatanggihan. "It's Zuriel's late wife," aniya saka kusang nilaglag ang mga mata sa kamay kong hawak ang kanya. "She died not a long time ago kaya halos sariwa pa lahat. Everyone here knows Lucy so kung may manggugulo man sa 'yo ay tawagin mo na lang ako kaagad para mapagsabihan ko," sa pagbalik ng titig niya sa aking mga mata ay maluwag na ulit siyang nakangiti. "Tasiana, right?" "Yes sir." "Drop that and just call me Symond." "Okay po." Pinisil niya ang kamay ko. "I'll go back outside. Zuriel is already on his way home so I'd better entertain his guests while he's not yet here." Ngumiti na lang ako tumango hanggang sa iwan niya ako. Symond Cruz, also from a big and powerful clan and Zuriel's best friend. Hindi ko pa man nakukumpirma kung may koneksiyon rin ito o alam sa mga illegal na gawain ng kaibigan pero naka-linya na iyon sa lahat ng plano ko. Symond is a nicer guy unlike my boss. Mukhang mas mabait ito at madaling makausap kaya kung kailangan ko siyang gamitin para maisakatuparan ang lahat ay walang pag-aalinlangan ko iyong gagawin. Sa pagdating ni Zuriel ay mas naging ganado ang lahat. Sa isang mahabang lamesa sa patio ay labing walong lalaki ang naroon. They all look decent at talagang ang kasiyahan lang ang ipinunta't wala nang iba dahil wala naman akong narinig na tungkol sa negosyo sa ilang beses kong pagbalik sa lamesa nila't pagsisilbi. Sa ilang beses namang iyon ay napansin kong ilang beses ko ring nakuha ang atensiyon nila lalo na ang kay Zuriel. Paniguradong pinag-uusapan rin nila ako pero hindi na iyon ang mahalaga. Pinag-igi naming lahat ang trabaho lalo na ako dahil ayaw kong mapuna ni Davida. Hindi ngayon na unti-unti ko nang nakukuha ang matigas niyang kalooban. Simula noong pagsabihan niya akong lumayo sa lalaki ay ginawa ko ang lahat ng gusto niya. I need more allies and information about my boss and the best way to do that is through everyone who truly knows him. Nang sabihin niyang si Ate Aurora na ang magliligpit at magpahinga na ako ay agad ko siyang sinunod kahit na nangangati ang mga paa kong alamin pa ang mga huling kaganapan. "Hay naku!" Dali-dali akong napatayo sa paghiyaw ni Ate Susan matapos pumasok sa loob ng aming kwarto. "Ano pong nangyari?" "Hay naku Tasia! Mabuti at wala ka doon! Talagang napatunayan kong ang alak ay walang pinipiling tao. Mapa-mahirap o mayaman ay iisa lang ang epekto lalo na sa mga lalaking pare-parehas matataas at ayaw magpakumbaba!" "Po?" Pagod niyang inalis ang apron na suot at nanlalatang ibinagsak ang sarili sa kama. "Ayon, nagkarambulan sa labas kanina! Biglaan lang!" "Po?! Ano pong nangyari?" Nilingon niya ako pero nanatili siyang nakahiga. "Ewan ko ba! Basta sunod ko na lang nakita ay inaawat na si Sir Zuriel at iyong isang lalaki ng lahat! Mukhang parehas silang nasaktan pero mas napuruhan iyong isa at basag ang ilong!" Natataranta akong tumayo pero mas mabilis niya akong napigilan! "Oh saan ka pupunta?!" Hinila niya ako pabalik sa kanyang tabi. "Hindi ka pwedeng lumabas doon, Tasiana! Dito ka lang at hayaan na natin sila. Ando'n naman na ang mga bodyguard ni Sir Zuriel at pinaalis na rin 'yong lalaki. Hayaan mo na at pare-parehas lang lasing! Huwag na tayong makisali." Kahit na hindi ako mapalagay ay nagawa kong pumirmi sa kanyang tabi. She's right, at kahit naman gustohin kong makisali, wala naman akong rason para gawin iyon. I heave a sigh. I'm just curious if I missed something. Baka kung hindi ko sinunod si Davida ay nakakuha ako ng impormasyon tungkol sa mga lalaking kasama niya. Are they involved with his dirty deeds, too? Lahat ba sila ay konektado sa lahat ng mga kasamaang laganap sa mundo? Hinintay ko na lang sila Ate Aurora na bumalik pero madaling araw na nang matapos ang lahat. Kitang-kita ko ang pagod sa kanilang mga mukha, pero kahit na inaantok na ay nagawa pa rin akong kwentuhan ni Ate Tipas. Tumabi pa siya sa akin para lang hindi kami marinig ng dalawang kasalukuyan nang humihilik. Iyong nangyari kasi sa library at nakita naming picture ay hindi rin namin ipinaalam sa kanila. "Okay lang po ba siya?" Tumango siya kaagad. "Narinig ko siyang nagsasabi ng tungkol sa 'yo at tingin ko hindi maganda iyon." Napalunok ako sa narinig. Did he told everyone about what happened between us inside his office? "Narinig mo po? Anong sinabi niya?" Bigo siyang umiling. "Basta pangalan mo lang ang narinig ko at tungkol sa katawan mo. Siguro dahil sexy ka kaya iyon ang pinag-uusapan." nagpatuloy siya sa pagsasalita at pinilit kong makinig kahit na mabilis nang lumalatay ang galit ko para sa lalaki. That f*****g pervert! I will f*****g slit his damn throat and let him gag with his own filthy blood when I see him again! Kumukulo ang dugo ko kahit na halos wala naman nang naibigay na impormasyon si Ate Tipas sa akin. Buong gabi ay hindi na ako nakatulog. Ang tanging nasa utak ko lang ang kung paano parurusahan ang hinayupak na 'yon sa pambabastos sa akin! Oo nga't nadala ako sa mga halik niya pero putang ina niya isa pang maling galaw niya ay gigilitan ko talaga 'yang leeg niya! Dahil imposible nang kumalma ang utak ko ay umalis na lang ako sa kwarto at agad sinimulan ang trabaho. Diniligan ko ang mga halaman sa hardin unang-una dahil gusto kong makalanghap ng hanging magpapakumbinsi sa aking huwag siyang patayin ngayon pa lang dahil sa ginawa niya. I just wished I was there so I can lend my knife to the other guy para pare-parehas nang matapos ang problema naming lahat. The audacity of him talking s**t about me when he's the one who f*****g initiated it! Siya itong uhaw na uhaw at libog na libog sa akin tangina niya! Nabi-bwisit kong sinipa ng maraming beses ang walang malay na halamang agad natumba at itinapat doon ang malakas na lagaslas ng hose dahilan para magkagutay-gutay iyon, imagining that it's Zuriel when I finally got what I needed. Hindi talaga ako magdadalawang-isip na patayin siya kahit na pwede ko siyang iwang buhay kapag nakuha ko na ang lahat ng mga kailangan ko! "Are you really trying to kill an innocent plant?" napapitlag ako't agad nahinto nang marinig ang boses ng demonyong pinipilit kong patayin sa aking hinagap! Pinatay ko ang tubig at pinilit na harapin siya ng maayos kahit pa gusto ko na lang takbuhin ang pagitan namin at ipulupot ng mahigpit ang hose sa kanyang leeg. "S-Sorry sir!" binitiwan ko ang hose at inayos ang sarili sa kanyang harapan. Madilim pa pero ng matitigan ko ang mukha niya ay kitang-kita ko ang sugat sa gilid ng kanyang labi. Is that all he got? Oh, tangina kapag ako ang sumapak sa mukha mo durog lahat ng buto mong hayop ka! Ipinilig ko ang ulo at mas nagmukhang nagmamakaawa kahit pa gigil na gigil na ako sa kanya. Inilapag niya ang tasang hawak sa isang lamesa at saka humakbang palapit sa akin. Pinigilan kong umatras o kahit gumalaw man lang. "Isn't it too early for you to be out here? It's not even your job to water the plants." "Wala naman po akong ginagawa at gusto ko ring makatulong sa hardinero ninyo para naman may maambag ako sa lipunan at hindi maging pabigat. Kayo po? Hindi ba masyado pang maaga para mapunta kayo rito lalo na at halos katatapos lang ng party ninyo?" hindi ko na napigilang diinan ang mga huling salitang may bahid ng iritasyon. I just couldn't forget the fact that he likes to talk about girls. Sa pagkatao niyang 'yan ay wala sa hinagap kong kiss and tell ang uri niya. Gano'n ba talaga kayabang, kawalang-modo at kasama ang lalaking 'to? "Are you really questioning me in my own damn house?" "Pwede rin naman pong concerned lang ako dahil mukha pong wala pa kayong tulog tsaka namamaga pa 'yong labi ninyo dahil sa pakikipagsuntukan ninyo kagabi. Mabuti at hindi kayo napuruhan." sana namatay ka na. Dagdag nang utak kong mabuti ay napigilan pang idugtong sa mga sinabi. Inis kong inalis ang titig sa kanya at akmang lalagpasan na pero mabilis niyang nahuli ang braso ko, mukhang napansin rin ang ang talas ng bibig kong ni minsan ay hindi ko nagawa sa kanya. "Do you have a problem with me?" hinigit niya ako pabalik sa kanyang harapan, pero dahil sa nag-uumalpas kong galit ay hindi ko siya inurungan. Matapang kong tinitigan ang mga mata niya saka siya sinagot. "Hindi po ba ako ang dapat magtanong niyan? May problema po ba kayo sa akin at bakit kailangan ninyo akong banggitin at bastusin sa harap ng mga kaibigan ninyo?" Doon nalaglag ang panga niyang gusto kong suntukin kanina pa. "What did you say?" his voice echoed in my eyes, but that did not make me feel anything. Marahas kong hinawi ang kamay niya't pinantayan ang galit sa kanyang mga mata. "Kayo ang humalik sa akin sa opisina ninyo at oo siguro hinayaan ko kayo, pero hindi ko akalaing kailangan mo iyong ikwento sa mga kaibigan mo." Marahas siyang napalunok sa mga sinabi ko, mukhang hindi inasahang alam ko ang bagay na iyon kahit na wala ako sa eksena. "Sa susunod na ikwento niyo ako sana man lang totoong natikman niyo ang katawan ko dahil kung tutuusin ay wala ka namang dapat ipagmayabang dahil bukod sa nalamas at nakita mo ang dibdib ko, wala ka nang ibang nagawa." tuloy-tuloy kong litanya, hindi na naisip ang kahihinatnan ng totoong pakay ko sa pamamahay na ito dahil galit na galit talaga ako sa ginawa niya! Inis ko siyang itinulak palayo sa akin pero sa pangalawang pagkakataon ay hinawakan niya ako ng mas mahigpit kaysa sa una at agad na ipinukol ang nagdidilim na ngayong mga mata sa akin! "Did you just accused me of something stupid, Tasiana? Talagang iyan ang ikinagagalit mo?" kahit na nagngingitngit ang panga ay nagawa niyang tumawa ng sarkastiko. "Tingin mo ba dapat kong ipagmalaking nahalikan kita at ang ilang parte ng katawan mo? For f***s sake, who do you think you are?" Pinilit kong kalmahin ang sarili kahit pa alam kong hindi na maganda ang nararamdaman ko para sa kanya. "You're just a f*****g maid at wala akong pakialam sa 'yo, naiintindihan mo? Don't f*****g accuse me of something you don't know dahil wala kang pakialam kung bastusin kita sa harapan ng lahat." Marahas ko siyang itinulak pero nanatili ang mahigpit niyang hawak sa aking braso. "Yes I may have said something about you, but it's not me who did wrong to you. I even defended you from that asshole because I am your employer. Pwede kitang bastusin sa kahit anong paraan ko gusto dahil binabayaran kita, pero hindi ko 'yon hahayaang gawin ng ibang tao hangga't naririto ka sa pamamahay ko," itinulak niya ako palayo sapat para magkaroon ng distansiya sa amin at hindi ako mabuwal sa damuhan. "Sa susunod na mangbibintang ka, alamin mo muna lahat ng nangyari. Kung ayaw mo ring bastusin kita pwede kang umalis sa bahay ko ngayong araw rin mismo!" matigas niyang dagdag pagkatapos ay agad na akong tinalikuran at iniwang natitigagal sa lahat ng kanyang mga sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD