CHAPTER 26

1920 Words
Chapter Twenty Six All His Rules Hindi ko lubusang maisip kung ano ang dapat kong maramdaman habang hawak ang mga litratong nakita ko sa library. Nakatago iyon sa isang safe na nagawa kong buksan noong isang araw. Umaasa akong isa na iyon sa kailangan kong makuha kay Zuriel para sa aking misyon, pero bigo ako. Gayunpaman, dahil sa mga litrato ay tuluyan nang luminaw ang lahat sa akin. Lavoie Uciana Smith, his childhood friend, his first love and his late wife. Lahat ng mga litrato simula sa kanilang pagkabata hanggang sa ikinasal ay naroon. There were some love letters too. Binasa ko ang isa at kahit na alam kong hindi ako emosyonal na tao ay nagawa kong maapektuhan. It was his vow to Lucy. Sulat kamay ni Zuriel iyon at mayroon pang pirma sa ibaba. "I promise to love you, protect you and cherish until the day I die. I'll dedicate this lifetime to you my love because without you, I'd be nothing. I'd be adrift, lost and forever broken. I love you forever, Lucy... Forever and ever, my love." I swallowed the bile in my throat after reading the last part of his vow. I never thought that he can love someone like that knowing his personality. Kahit na sulat lang iyon ay damang-dama ko ang lahat ng sinseridad at pagmamahal niya para rito. I can even picture him reciting this to her during their wedding day. Iyong lalaking umiiyak at gusto na lang yakapin ng mahigpit ang babae dahil sa pagmamahal na nararamdaman at hindi na pakawalan kahit kailan. Tumayo ako at iniwan sandali ang mga litrato. Pakiramdam ko kasi ay nauubusan ng hangin ang aking baga, hindi handang malaman ang mga magagandang parte ng kanyang pagkatao. I know there's always darkness, but there's also light in each and everyone of us. Ayaw ko lang maisip na mas lamang ang kabutihan niya dahil ayaw kong maging sagabal iyon sa aking mga plano. Matapos ang ilang minuto ay bumalik na ako't inayos muli ang lahat ng mga nakita. Lucy was Zuriel's greatest love. I understand why he reacted that way the last time I faked crying. Kahit na hindi ako ang babae ay nakikita niya ito sa akin at dahil hanggang ngayon ay mahal niya ito ay hindi niya pa rin kayang makita itong nasasaktan kahit na ibang tao na ang nasa harapan niya. Kaya rin hindi niya ako tinanggal at nagawa pang ipagtanggol ay dahil kay Lucy. Sa mga sumunod na araw ay hindi nagtagpo ang mga landas namin. Tiyak na iniiwasan ako dahil imbes na ako ang ipatawag para linisin ang kanyang opisina ay si Ate Aurora ang inutusan niyang gawin iyon. Alam kong inutusan niya rin si Davida na ilayo ako dahil sa tuwing darating siya ay agad ako nitong binibigyan ng trabaho malayo sa lalaki. Hinayaan ko si Zuriel na makahinga hindi dahil naaawa ako sa kanya, but only because I had to do everything slowly but surely. I only have five months and three weeks to do my task and there should be no room for error. Nang hindi pa rin kami nagtatagpo ay ako na ulit ang gumawa ng paraan. Sinasadya kong maglinis malapit sa opisina niya o kahit saang naroon siya pero bigo pa ring bigyan niya ako ng pansin. When he had some barbecue with his friends, saktong may sakit si Ate Aurora. Si Ate Tipas naman ay day off kaya walang naging katulong si Ate Susan sa pagsisilbi sa mga ito kung hindi ako. "Hey!" Nakangiti kong hinarap si Symond at saka binati pabalik. "Hello po. Wala na po ba sa lamesa niyo? Patapos na rin po ito." tukoy ko sa barbecue na nasa harapan. "No, it's okay. Marami pa naman. Gusto ko lang munang maglakad-lakad bago ako maligo sa pool." "May kailangan po kayo?" Marahan siyang umiling. "Wala naman. I just wanted to talk to you, okay lang ba?" Magiliw akong tumango. Okay na ring may kausap ako kaysa mapagod ako rito at walang mapala. Baka matulungan pa ako ni Symond sa plano ko dahil mukha namang mabilis kausap ang isang ito. Kung siguro siya ang naging misyon ko ilang linggo lang ay nakabalik na ako sa La Spieza or maybe somewhere in the world enjoying my own freedom. Oo nga't mayaman rin ito ay mukhang matalino pero hindi siya gaya ni Zuriel na matatag pagdating sa babae. Symond is like a dog when it comes to woman. I knew he was intrigue with me the first time we've met hindi lang dahil kamukha ko si Lucy kundi dahil sa akin mismo. I see lust in his eyes and it did not go away hanggang ngayong kaharap ko siya. He always looked mesmerized with me. "Oo naman po, pero mukhang wala naman po kayong mapapala sa pakikipag-usap sa akin." He chuckled at that. "Where are you from again?" "Davao po," I answered. "Nakatapos ka ba ng college?" "Hindi po eh," ipinagpatuloy ko ang pagluluto ng barbecue habang sinasagot siya. "Why?" Gaya nang sinabi ko noon kay Ate Aurora, iyon rin ang sinabi ko sa kanya. "Don't you want to finish your studies?" "Hindi na siguro. Marami pong gastusin sa bahay tsaka ako lang ang inaasahan ng pamilya ko. Marami akong mga pinag-aaral na kapatid at maayos na rin naman po ako sa ganito. Wala namang masama sa pagiging katulong." "I know, pero hindi ka ba nasasayangan?" "Hindi naman. Para naman sa pamilya ko ang lahat kaya wala akong dapat pagsisihan," nawala ang ngiti ko nang muling maalala ang totoo kong mga kapatid ko. The next sentence became too personal for me. "Kapag mahirap ka, wala kang choice kundi magtiis at magsakripisyo para sa mga taong mahal mo sa buhay. Kahit kapalit pa no'n ang sarili mong kasiyahan ay kailangan mong bitiwan para sa ikabubuti nila." mapait akong napangiti. I haven't been thinking about unconditional love since I left my family. Ngayon ko lang ulit naisip ang tungkol sa bagay na iyon. Mahal ko sila kaya kinailangan ko silang iwan. Dahil nang mga panahong iyon ay iyon lang ang kaya ko para maisalba silang lahat. "But what if you'll get an opportunity to change your life? Let's say someone will provide everything for you?" Nahinto ako at agad napatitig sa kanya. Wala na ang ngiti sa mga labi niya't tila seryosong-seryoso na sa gustong sabihin sa akin. "Paano kung pag-aralin kita?" "Mas kailangan ko po ng pera." "I know," ibinaba niya ang boteng wala nang laman sa gilid saka muling nagsalita. "What if you tell Zuriel that you want to work for me instead? Pag-aaralin kita at sasahuran. You don't even need to work if you don't want to. Just say yes and I'll be happy to help you with everything." What a d**k. Tanging bulong ng utak ko. Pinigilan kong umiling dahil alam ko na ang ibig sabihin no'n. He wants to f**k me in exchange of that very good deal. Kung bobo ako baka pumayag ako o kaya naman kung siya ang misyon ko kaso hindi. Wala akong mapapala kay Symond kahit na ialay niya pa sa akin lahat ng kayamanan niya. "Pero may kontrata po ako kay Sir Zuriel at–" Naputol ako sa pagsasalita nang hawakan niya ang aking kamay. What a flirty asshole. "Pwede ko siyang kausapin kung gusto mo. What else do you want? Pwede nating pag-usapan." "Sir..." "Just call me Symond and will you please just think about it? You don't need to give me an answer now, pag-isipan mo lang. It's for your future and not mine anyway," ngumiti siya ng matamis at pinisil pa ang kamay ko kaya kunwaring nahihiya na lang akong tumango. Nang mapansin ko sa gilid ng aking mga mata ang paglapit ni Zuriel ay hinawakan ko na rin ang kamay niya saka matamis na nginitian siya pabalik. Mukhang nagulat siya dahil sa biglaan kong pagka-interes pero hindi na nakatanggi. "Okay," malakas kong sagot sapat na marinig ng lalaking parating. "Pag-iisipan ko Symond." "Symond," malamig na putol sa amin ni Zuriel kaya agad itong napabitiw sa kamay ko. "Bro–" "Hindi pa ba tapos 'yan? Wala nang pagkain sa lamesa." iritado niyang baling sa akin imbes na intindihin ang kaibigan. Minadali kong iahon sa ihawan ang mga luto nang barbecue at saka inilipat sa plato. "Bastille is looking for you," aniya sa kaibigan. "Go." Isang tango at tipid na ngiti ang iniwan sa akin ni Symond. Nginitian ko na lang rin siya bago tapusin ang ginagawa, pero bago pa ako makaalis sa grill ay agad nang nahawakan ni Zuriel ang braso ko. Ito ang muli naming paghaharap matapos ang ilang araw niyang pag-iwas sa akin kaya para akong naninibago lalo na ngayon sa paraan ng pagtitig niya. He's drunk. Kanina pa sila nagsimula pero mukhang marami na itong nainom. "S-Sir..." "Are you f*****g kidding me?" "P-po?" "Stay away from Symond, Tasiana." nakatangis ang bagang niyang utos ulit sa akin. After all this time, iyon pa rin pala ang gusto niyang pag-usapan. Pinigilan kong mabaliwan sa naisip at pormal na lang siyang sinagot. "May nagawa po ba akong masama?" "Just f*****g stay away from him. You are done here." "May dahilan ba para iwasan ko siya? Masama bang kausapin siya?" nag-apoy sa galit ang kanyang mga mata. Hindi ko inintindi ang mga huling sinabi niya at nang wala siyang naisagot ay binawi ko ang aking kamay. "Dahil ba katulong lang ako kaya wala akong karapatang makipag-usap sa mga taong malaki ang agwat ng posisyon sa buhay sa akin? Kung iyon ang dahilan, hindi ba dapat hindi niyo rin ako kinakausap?" "That's not what I said. I am your boss and you will abide all my rules." Now he's raging mad. Hindi lang namumula ang kanyang tenga at leeg dahil sa alak kundi dahil na rin sa kung anong galit na nararamdaman. "Narito ako para pagsilbihan ka at linisin ang pamamahay mo pero ang utusan akong gawin ang isang bagay na ayaw mong bigyan ng dahilan? Hindi po ba sobra na 'yon, Sir Zuriel?" Nahigit ko ang aking paghinga nang muling maramdaman ang kamay niyang humawak sa akin. Imbes na matakot ay nakipagtitigan ako sa madilim at matalim niyang mga mata. "Stay the f*****g away from him. Huwag mo akong kwestiyunin–" "No," mas matigas kong sagot sabay bawi ulit ng kamay at atras palayo sa kanya. "Wala na pong pagkain sa lamesa at pupunta na ako para ilagay itong mga niluto ko." "Tasiana–" Hindi ko na siya inintindi kahit na ilang beses niya pa akong tinawag. There was a theory that has been playing on my mind, but I don't want to assume that I am right. Not yet, but I am about to know the answer tonight. Ngayon na mismo dahil nauubusan na rin ako ng pasensiya sa kanya. If my theories were right, I know it can be a huge advantage for me and my mission. Tinanggal ko ang ngisi sa labi nang muling makalapit sa lamesang mayroong sampung lalaki, lahat ay kaibigan ni Zuriel. Sinadya kong kay Symond lumapit para ilapag ang mga hawak. Sa pagngiti ko ng matamis sa lalaki at pagngisi naman nito pabalik ay nagbunyi ang utak ko. Marami siyang sinabi tungkol sa sarap ng barbecue, pero tuluyan nang nawala doon ang atensiyon ko dahil sa lalaking nauubos na rin ang pasensiyang mabilis ang mga hakbang palapit sa aming gawi! Good job, Anastasia... Good job! ~~~~~~~~~~~~ Full version of this story is only available on p*****n and VIP group. message CENGCRDVA sss PAGE to read the full story.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD