CHAPTER 27

1561 Words
Chapter Twenty Seven Great Chance He's gone mad. Iyon ang nasa utak ko habang hinihila niya ako papasok ulit sa bahay nila at malayo sa lahat ng kanyang mga bisita. Maswerte yata talaga ako dahil sa mga oras na iyon ay alam kong may pag-asa na akong hawakan si Zuriel sa leeg ng walang kahirap-hirap dahil lang sa reaksiyon niya. He's still so much in love with his dead wife at dahil kamukha ko iyon ay hindi na ako mahihirapan. Kung ano ang naiwan ni Lucy sa puso niya at iyon rin ang nararamdaman niya para sa akin kahit na magkaibang tao kami. He still looks at me like I'm her and it's definitely my advantage now. "What did I just told you, Tasiana?! Sinabi kong tapos na ang trabaho mo!" He's drunk and now he's burning with anger. Hindi ko alam kung dahil ba kay Symond o talagang trip niya lang magalit sa akin. Either way, inisip kong pabor sa akin ang galit niyang iyon dahil tama ang lahat ng mga hinala ko. "Nasasaktan ako, Zuriel." Napalunok siya't agad niluwagan ang kapit sa braso ko pero hindi iyon binitiwan. I see... I pushed him away from me. Wala siyang nagawa kung hindi ang tignan ang kamay kong mahigpit niyang hinawakan. Namumula iyon dahil sa kanyang ginawa. "Hindi kaya ni Ate Susan ang lahat ng trabaho kaya hindi ko siya pwedeng iwan. Ano bang nagawa ko at galit na galit ka sa 'kin? Anong mayroon kay Symond at pinagbabawalan mo akong kausapin siya?" Imbes na sagutin ang mga katanungan ko ay agad niya akong tinalikuran. It definitely has something to do with Lucy. Maybe Symond is in love with her, too. Was it a love triangle? If yes, why are they still friends? Kung alam niyang karibal niya ang sarili at matalik niyang kaibigan sa nag-iisang babaeng minahal niya ng buong-buo, bakit hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila? It's weird and puzzling. Humakbang ako palapit sa kanya pero pinigilan ko ang sarili kong hawakan siya. "Zuriel, lahat ng utos mo kaya kong gawin basta ipaintindi mo lang lahat sa 'kin. Sabihin mo ang rason at gagawin ko." Hindi ako natinag sa muli niyang pagharap. I can still see anger in his eyes, but he's paying attention to me now. "I just don't want to. Marami kang hindi alam at kahit sabihin ko ay hindi mo rin maiintindihan." "Tungkol kay Lucy hindi ba?" Nagtangis ang kanyang bagang dahil sa binanggit ko at bahagya pang naningkit ang mga mata. "Alam ko ang tungkol kay Lucy, sa namayapa mong asawa at alam ko kung bakit gano'n na lang ang reaksiyon mo noong unang beses mo akong makita. I looked exactly like her, tama 'di ba?" Dahil sa narinig o 'di kaya ay sa kalasingan ay napaatras siya. Kung wala siguro ang counter ay nabuwal siya sa sahig. He's trying so hard to stand on his feet. God, how many bottles of alcohol did he drink? Parang ang bilis niya namang malasing ngayon? "You still wouldn't understand." Nang subukan niyang abutin ang high chair pero hindi iyon makuha ay tinulungan ko na siya. Kahit na gusto kong iwasan ang katawan niya ay minabuti ko pa ring alalayan siyang nakaupo doon. Agad niyang sinapo ang ulo habang nakayuko sa counter. Kumuha naman ako ng tubig at ibinigay sa kanya. "Uminom ka muna." "I'm not thirsty—" "Drink," I said with an authoritative voice. Napaangat siya ng tingin at sa muling pagtitig sa determinado kong mga mata ay wala nang nagawa kung hindi ang sundin ako. "Now tell me your reason." Hindi ko na napigilang sabihin sa tuwid na Ingles. Nakita kong may pagdududa sa kanyang mukha, pero alam kong hindi na iyon magmamarka sa kanya dahil sa kalagayan niya ngayon. He's too drunk to even look at me properly. "Ayaw mo bang sabihin dahil hindi ko maiintindihan o dahil maid mo lang ako?" "I don't judge people by their job, Tasiana." "Then bakit nga? Kung hindi mo sasabihin paano ko maiintindihan?" He swallowed hard at my desperation, but he's more stubborn than I thought. Bagsak ang balikat akong napailing nang tumayo siya matapos ubusin ang laman ng basong ibinigay ko, pero bago pa tuluyang umalis ay iniwanan niya ako ng mga salita. "Just follow my orders so you'll be safe." He said before finally walking out. I felt a hollow in my chest because of that. Davida said that I should avoid Zuriel if I wanted to be safe and now Zuriel is telling me the exact same thing to Symond. Alam kong magulo at malupit ang mga nilalang sa mundong ito pero hindi ko naman inasahang dito ang lungga ng mga taong iyon. This is nothing but all risk. I came here with just one mission pero pakiramdam ko ay napakarami ko pang kailangang malaman bago tuluyang maisakatuparan ang lahat. Kahit na ayaw ni Zuriel ng ginagawa ko ay bumalik ako sa pagsisilbi para tulungan si Ate Susan na pagod na pagod na rin sa lahat ng utos ng mga bisita. Ilang oras pa ang lumipas ay nalasing na rin ang mga lalaki. May mga nagkakapikunan na rin pero hindi naman umabot sa sakitan gaya noong nakaraan. Good thing wala rin akong narinig na pambabastos dahil kung mayroon lang ay baka ako na mismo ang bumasag sa mukha nang sinong magbabantang bastusin ako o kahit sino sa aming nagsisilbi rito. "Tulungan ko na po kayo." Boluntaryo kong sabi kay Symond nang alalayan niya si Zuriel na nananaginip na yata matapos umalis ang lahat ng kanyang mga bisita. Lasing na rin naman ito pero mukhang matibay siya pagdating sa alak kaya siya na lang ang natirang kaya pang umasikaso sa lahat, hindi gaya ni Zuriel na tulog na. "If you insist." Ngumiti ako at agad pumunta sa kabilang gilid ni Zuriel. Kinuha ko ang kamay niya at iniakbay sa aking balikat. It's not really him that I'm concerned with. Kahit na hindi naman ako dapat pang tumulong ay gusto ko dahil saan pa nga ba dadalhin si Zuriel kundi sa kwarto niya, 'di ba? It's my chance now. Sa estado niya ngayon ay hindi malabong mahalughog ko ang bawat sulok ng loob ng kwarto niya nang hindi siya nagigising. "Hindi pa po ba kayo lasing? Hindi pa kayo uuwi?" "I'm fine. I'll make sure he's in bed before I go." "Kailangan niyo ba ng driver? Ipapatawag ko po ang driver ni sir para ihatid kayo." "There's no need for that. I can still drive." "Sure po?" "Oo naman." naglakad na kami papasok sa loob ng bahay. "Ikaw? Are you okay? Hindi ka pa ba pagod?" "Maglilinis pa kami ni Ate Susan sa baba. Trabaho ko rin naman ito kaya wala akong karapatang mapagod." "He's lucky to have you then. You're beautiful and hardworking. It must have been nice to have you around." Pinigilan kong mapangiwi sa mga pahapyaw niyang kalandian. "Gano'n po siguro talaga kapag mahirap ka. Wala kang choice kundi ang maging masipag." I said just to lighten up the mood. "Right. Do you still remember what we talked about earlier?" Hindi ako nakasagot nang umakyat kami sa grand staircase. Saka lang ako nakapagsalita ulit nang maka-panhik na kami sa itaas. "Pag-iisipan ko po. Bukas rin ay kakausapin ko si Sir Zuriel tungkol doon." "It's good to hear that," huminto siya at may dinukot sa kanyang bulsa't ibinigay sa akin. "I supposed to give this to someone earlier, but I'm glad I didn't. That's my card. Tawagan mo ako kung maayos ang naging usapan ninyo. I'll be happy to accommodate you anytime, Tasiana." It was a nice really offer. Kung totoo nga lang ang ginagawa kong pagsisilbi rito ay baka pinatos ko na iyon kahit pa landiin niya ako. If I was just innocent, I'd be easily lured into his trap. No wonder why poor people who has little knowledge about the insanity of the elites were always finding themselves at the bottom of misery. Poor people can't say no to anything. Iyan ang alam ng mga mayayaman kaya ginagawa nilang pain ang pera para makuha ang lahat ng gusto nila kahit pa hindi na iyon makatao. And it sucks that we can't do anything about it. Kapag walang-wala ka na, hindi mo na maiisip na may dignidad ka pa dahil mas mahalaga ang pagkain kaysa sa bagay na iyon. I've been there and I won't go back. Hinding-hindi na ako babalik sa buhay na iyon at mas lalong hindi na ako papayag na tapak-tapakan ngayon. "Tatawag po ako kaagad kapag nakapag-usap na kami," tumango siya at mas lumawak ang ngiti sa akin, pero hindi ko iyon nagantihan nang lumihis kami sa kabilang dako malayo sa daan patungo sa kwarto ng lalaking aming inaalalayan. "Sir Symond, doon po ang kwarto ni Sir Zuriel." Agad akong huminto para ituro iyon sa kanya pero imbes na pumihit pabalik ay tumango lang ito at nagpatuloy sa paglalakad. "I know. I believe I've been here longer than you are." "Pero bakit hindi po tayo doon pupunta?" "No one has Zuriel's bedroom key and it has been this way whenever he's drunk. Kapag nalalasing siya ng ganito ay sa guest room siya natutulog kaya doon natin siya ihahatid." Aniyang nagpatigagal na lang sa akin. Shit. ~~~~~~~~~~~~ Full version of this story is only available on p*****n and VIP group. message CENGCRDVA sss PAGE to read the full story.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD