Pagkatapos nang ilang taon ay makakauwi na rin ng Pinas. Ang sarap din talaga ng hangin ng Pilipinas kahit sinasabi nilang polluted. Oh, Pilipinas! Na-miss kita. Tatlong buwan na pala no'ng pinag-uusapan namin ni Kuya 'yong kasal niya at mangyayari na nga bukas. Tinapos ko pa kasi lahat ng dapat tapusin na projects ng company namin bago umuwi para din walang tumatawag-tawag sa akin o wala akong iniisip habang nasa bakasyon ako. Hindi ko alam kung bakit parang may malungkot na part sa akin. Siguro dahil ikakasal na ang Kuya ko? Siguro nga. Tunog ng kampana at ingay sa simbahan ang maririnig mo nang mga oras na 'yon. Nandoon na rin ang mga bisita para sa kasal na ipagdidiwang ngayong araw. Araw ng kasal ng nakatatanda kong kapatid. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nandito na

