Grey's POV Sinundan ko siya ngunit galit na siya sa akin. Nalaman niya na ang lahat. Ang totoo. Ang totoo kong pagkatao. Yes. I'm Devin Grey Lopez and not Sandoval. Yes, isa akong Lopez and unfortunately kapatid nang lalaking sobrang kinamumuhian ni Yana. May dahilan ang lahat kung bakit ko 'to ginawa. Kung saan nagsimula ang lahat.. No'ng una ko siyang makilala at makita.. "Oh, Dev. Wala ka bang balak umuwi? Malapit na ang kasal ng Kuya mo," ani Mommy. Kausap ko ito through video call. "Uuwi ako, 'Ma. Kasal ni kuya 'yan, eh. Hindi ako pwedeng mawala." I'm Devin Grey Lopez, dalawa lang kami ni Kuya Dave ang magkapatid at bunso ako. Simula highschool palang ako ay nasa ibang bansa na kami nakatira, kasama si Mommy at Daddy habang si Kuya naman ang nag-aasikaso ng kumpanya namin sa Pi

