Chapter 28

3758 Words

Malapit na ako sa work ngunit nauna nang nakababa 'yong kapatid kong si Josh sa school niya. Letseng 'yon. Inutakan ako. Hiningian ako ng cash kapalit nang pananahimik niya. Kapag nagdaldal pa siya. Makakaltukan ko talaga siya. Nandito na pala ako sa office ko. Papunta na ako ng desk ko nang pansin kong nagkakagulo ang mga officemates ko at nasa iisang lugar lang silang nagkukumpulan. Iniisip ko tuloy habang papalapit ako sa kanila ay baka may pinagtsitsismisan na naman ang mga ito. Mga marites talaga. Oras ng trabaho ah. Habang papalapit ako ay may napansin ako. Parang sa desk ko 'yon, ah. Dali-dali naman akong naglakad palapit sa mga ito. Ano kayang mayroon? Wag mong sabihing dito sila nagtsitsismisan sa table ko. Lumapit na ako roon. At sa table ko talaga sila nagkakagulo, ah.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD