Hanggang ngayon ay tulala pa rin ako kahit nakasakay na ako ng jeep pauwi. "Para, Manong." Lumagpas pa yata ako. Medyo lumagpas pa nga ako. Ayan, kung ano-ano kasing iniisip. Napalakad tuloy ako nang ilan pang hakbang dahil lumagpas ako. Minessage ko pala si Sir Grey bago umuwi pero hindi ko alam kung may reply na ba siya dahil hindi ko pa nakikita. Nagbihis muna ako bago i-check 'yong phone ko. May messages akong na-recieved at lima pa nga. Nag-reply ito nang 'Sige.' 'Ingat.' At secret nalang 'yong iba syempre. Sinabi ko naman na sa message ko naman kung anong oras at saan. Nagpaalam ako kay Mama na may bibilihin lang ako sa labas. Sinabi kong naubusan ako ng coupon bond ay may tinatapos akong gawin. Grabe lang mga dahilan, 'no? Nagtanong kasi ito kung ano na namang gagawin ko.

