Yana Mae Madrigal
"Yana, anong flavor sa ‘yo?" tanong ng bestfriend kong si Chloe na bumibili ng pagkain namin. Lunch time kasi namin sa trabaho nang tanghaling iyon at nandito kami sa canteen kasama ng iba pa naming officemates.
"Kahit ano na," sagot ko habang abala sa pagtingin-tingin sa phone ko.
"Gusto mo ng siopao asado?" tanong nito.
Napaangat naman ang tingin ko rito. "Asado?" Alam kasi nito na minsan ay hindi ako nagra-rice kapag lunch. "Asado ba kamo?" tanong ko ulit dito.
"Oo?" sagot nito na waring nagtataka.
"Para ano? Para aasa na naman ako sa mga pangako niya na kailanman ay hindi na matutupad?"
"Oh, 'di bola-bola—"
"Para ano? Para sabihing mabilis niya lang ako nabola at nauto? Ganoon ba?" putol ko sa sasabihin pa nito ulit.
Tinitigan lang ako ng bestfriend ko na mukhang naiirita na. "Kung magkanin ka na lang kaya, bes, 'no? Para naman magkalaman 'yang tiyan at utak mo na kinain na ng hugot, Miss Hugotera!”
Hugotera?
Sanay na akong bansagan ng mga katrabaho at kaibigan ko ng ganyan. Yes, I admit na hugotera nga talaga ako sanhi nang matinding heartbreaks na napagdaanan ko. That was two years ago pero 'yong sakit nandoon pa rin at ganoon pa rin. Buti pa nga 'yong wifi na disconnected may processing pero 'yong pagmomove-on ko sa kanya wala pa rin. He left me, my first love. He left me without saying anything.
"Ito na 'yong pagkain mo, Miss Hugotera! Rice with ampalaya! Mabusog ka sana!" sarcastic na wika ulit ni Chloe sabay baba ng tray na dala niya.
Ampalaya? The heck? Kasing pait ng love life ko?
"Ampalaya? Bakit ito 'yong in-order mo sa akin na ulam?" Hindi naman sa ayaw ko ng gulay pero hindi lang talaga ako masyadong mahilig sa ampalaya.
"Ampalaya para sa mga bitter mong hugot. Ubusin mo 'yan, ah!" I smirked. Ano pa nga ba?
"Guys, alam n’yo ba kung anong pinakamasakit na part ng ampalaya?" natatawang tanong ni Cedric sa amin, officemate ko.
"Ano?" sagot ng mga kasama ko.
“Eh ‘di, ampalaya-in siya," lungkot-lungkutan pang sagot nito bago matawa.
I know right.
"Pero, guys, alam niyo ba kung anong gulay ang pampatibay ng relasyon?" tanong naman Dexter na officemate ko rin.
"Ano?" sabay-sabay nilang tanong dito. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.
"Eh ‘di, sitaw! Para sa puso niyong patuloy sa pagiging matatag at hindi bumibitaw! Boom!" Natawa pa ito.
Korny.
"Hoy, tama na 'yan, guys. May tsismis ako! Narinig niyo na ba 'yong balita?” Napatingin naman kaming lahat sa nagsalitang iyon na si Chloe na ngumunguya pa.
Basta talaga tsismis, alerto lahat.
"Oh, anong balita?” ako na 'yong nagtanong. Sunod-sunod ang subo nito ng pagkain bago sumagot. Malakas talaga itong kumain pero sexy pa rin. Mabilis ang metabolism niya kaysa sa akin kaya nakakainggit siya. Sana all na lang talaga.
"May bago raw manager itong branch natin! Mukhang gwapo raw, friend! Mukhang Oppah!" Patapos na siyang kumain samantalang ako ay nangangalahati pa lang sa kanin ko. Ang hina kong kumain, nasanay lang talaga.
"Oh, ‘tapos?" Eh, ano naman kasi sa akin kung mayroon at gwapo? Tataas ba ang sweldo at position ko? Magkakapera ba ako?
"Eh 'di mai-inspire tayong magtrabaho."
Baka siya lang ang ma-inspire.
"Damay mo pa 'ko." Irap ko sa kanya. Para namang lalandi pa ako? Nakakaumay.
Patapos na akong kumain ng magsitayuan na sila. Mga bastos din, ano? May mga tao talagang hindi marunong mag-antay.
"Bilisan mo kaya kumain, girl," wika ng isa sa mga kasama ko. Nakatayo na pala ang mga ito sa mesa at inaantay na lang ako.
"Mauna na kayo, sige na." Hulaan ko lang sa mga 'yon, hindi marunong maghintay kapag manligaw o niligawan.
Hays, buhay.
Papasok na sana ako sa isang cubicle sa CR namin na naroon nang makarinig ako ng ingay sa kabilang pinto ng cubicle na nakasara. Alam ko na 'to. Mga ka-trabaho ko dito sa company na malamang na nag-momol dito sa banyo. Mga baboy! Ginawa pa talagang motel 'tong CR dito. Urgh. Wait, may naisip lang ako...
Nilagyan ko ng tubig 'yong timba na naroon at pumatong ako sa toilet bowl bago biglang ibinuhos 'yong laman ng balde. Nakarinig ako ng ingay na nagsigawan mula sa pintong iyon kaya natatawang nagtatakbo na lang ako palabas.
Yeah. I know na mali 'yong ginawa ko pero mas mali ang ginagawa nila. Naiinis kasi ako lalo na ng makita ko kung sino ang mga taong iyon. Si Lexie na co-officemate ko na bali-balita ang pagiging malandi at si Zeg na katulad namin na nagtatrabaho rin dito pero sa pagkakaalam ko ay may asawa at anak na. Landi ni Kuya, 'no? Hanep lang, may asawa at anak na nagagawa pang magloko? Napangiti na lang ako sa pinaggagawa ko. Higit pa nga dapat diyan ang ginagawa sa mga manloloko.
"Hoy, ano 'yang nginingiti-ngiti mo diyan, bessy? Saya mo ata ngayon, ah?" Salubong ni Chloe na mukhang naghihinala.
"Masama?" Pakiramdam ko ay buo ang araw ko ngayon. Nakaganti sa mga malalandi.
"Oo, nakakatakot kaya makakita ng taong depressed at hugotera na ngumingiti mag-isa."
Grabe lang maka-depressed, parang papunta na sa pagka-baliw, eh. Parang ganoon 'yong ibig sabihin niya sa akin sa sounds ng boses niya. Oo, na-depressed din talaga ako noon pero sa ngayon kahit papaano ay okay naman na ako. Itinuon ko na lang sa ibang bagay 'yong depression na 'yan at dinadaan ko na lang sa hugot 'yong sakit na nararamdaman ko. Mabaliw pa ako.
Ako na nga kasi 'tong iniwan, ako pa 'tong mababaliw? Letse siya. Ako na 'tong iniwan, ako pa 'tong papangit? Never. Nah. Huhugot ako pero hinding-hindi ako magmamakaawang bumalik siya sa akin at makikiusap na ako na lang ang mahalin niya ulit. Hindi siya si Popoy at lalong-lalo naman na hindi ako si Basya na magsasabi sa kanyang 'Ako na lang, ako na lang ulit..' Hindi ako martir katulad ng iba na handang magpaloko makasama lang ang mga siraulong manlolokong dyowa nila. Grr. Nakakagigil!
Bakit kaya ganoon 'no? Natitiis nilang pakisamahan 'yong taong araw-araw silang pinapatay inside, 'yong taong mahal nga nila pero wala naman talagang pakialam sa nararamdaman nila. Ako kasi hindi ko kaya. Hindi ko kayang makasama o makita man lang 'yong taong naging dahilan kung bakit ako nagkaganito. Kung bakit nakalimutan ko na 'yong tunay na kahulugan ng pagmamahal. Kung bakit sa araw-araw na buhay ko ay may hugot na nakalaan. Basta't ang alam ko lang, kapag magmahal ka, masasaktan ka lang at iiwan ka lang kapag na-bored o nagsawa na sa'yo 'yong taong mahal mo. Nakaka-trauma. Nakakatakot.
"Hoy, bes. Mahipan ka ng hangin. Nakatunganga ka diyan." Naalala ko na naman ang hindi na dapat alalahanin. "Move-on move-on din kaya, bes, kapag may time." Tingnan mo 'tong babaeng 'to kung makapagsalita, oh.
"Bakit ikaw? Nakamove-on na ka na ba?" Alam ko naman kasing hindi niya pa rin nakakalimutan ang ex-boyfriend niya na niloko rin siya.
Hindi kaagad ito nakasagot at mukhang gulat sa tanong ko sa kanya. "Eh—Eh 'di, wow, bessy! Sabi ko nga, eh, dalawa tayong sawi!" Makapagsabing move-on, eh.
"Sama ka later, bes, 'di ba?" ani Chloe. Niyayaya kasi nila akong mag-bar dahil wednesday naman daw ngayon. Anong connect, 'di ba? May pasok pa rin naman kami bukas.
"Pass muna siguro ako," wika ko rito pero sa totoo lang sasama naman talaga ako. Kailan ba ako um-absent sa ganito? Walwal is life!
"Ikaw rin, bessy. Manlilibre yata si Aira," tukoy nito sa ka-officemate at kaibigan namin na na palaging naka-black lipstick at palaging naka all-black outfit. Ewan ko ba sa babaeng 'yon at parang palaging a-attend ng lamay.
Sino bang aayaw sa libre 'di ba? "Oo na, sige na," sagot ko na kunwari ay napilitan lamang.
Tinapos ko muna lahat ng gagawin ko bago mag-out. Susunod na lang ako sa kanila. Para wala na rin akong problemahin bukas. Masakit kaya sa utak na may iniisip ka kapag may naiiwan kang gagawin? Buti pa nga ako, sa mga papeles lang sumasakit 'yong ulo kapag may naiiwan pero siyang taong may naiwan, 'di niya man lang naisip kahit kumustahin man lang 'yong naiwan niya 'di ba?
"Manong, sa paradise bar po tayo," wika ko sa taxi driver nang makapagbihis ako sa bahay. Umuwi muna ako sa bahay para makapagbihis at makapagpaalam kila Papa at Mama na pinayagan din naman kaagad. Matanda naman na daw ako. Alam ko na ang tama at mali at basta ba lagi kong iisipin 'yong limitasyon ko.
Magtira ng pang-uwi dahil Importante ‘yon.
Inabot yata ako nang isa't kalahating oras sa daan dahil sa traffic. "Tagal mo girl, ah?" salubong sa akin ni Aira.
Nginitian ko lang ito. "As usual. Alam mo na."
Kailan kaya uusad ang Pilipinas, 'no? Grabe sa Edsa, eh, dinaig pa pagmo-move ng iba. Nakamove-on na yata lahat ng naloko pero 'yong traffic sa Edsa, hindi pa rin. Parang ako yata ‘yong Edsa? Sinalubong ako ng mga kaibigan ko na naroon na. Ako lang yata ang late?
"Unang tagay para sa puso mong namatay." Abot kaagad ng bestfriend kong si Chloe ng tagay sa akin. Kadarating ko lang kaya sinamaan ko ito ng tingin.
Nakakahawa ba talaga ang pagiging hugotera?
"Ikaw talaga, Chloe, pinatay mo kaagad 'tong hugotera natin," natatawang wika ni Aira.
Tower drinks na lang in-order namin dahil madami naman kami. Matinong resto bar lang naman ang pinuntuhan namin. May live band sa stage. Senti na naman.
Bale walo kami. Ako, si Chloe, Aira at 'yong lima pa naming co-officemates.
Ininom ko na ang iniabot nito at umupo na. Napatingin-tingin ako sa paligid at pinagmasdan ang ilan na nakaupo kasama ang mga dyowa nila. Napailing-iling na lang ako sa loob ko.
Balang-araw ay iiwan din sila niyan.
Maya-maya ay nakakarami na kami ng ininom nang biglang mawala ang bestfriend kong si Chloe.
"Excuse, guys," paalam ko sa kanila. Hahanapin ko lang ang bestfriend kong si Chloe na biglang nawala sa harap ko.
Nakakatakot pa naman malasing ang isang 'yon. Mahilig matulog kung saan-saan kaya sabi ko sa kanya ay huwag siyang maglalasing nang hindi ako ang kasama. Mahirap na. Dumiretsyo na ako ng banyo at baka nagtatawag na ng uwak 'yon o dragon. At mukhang tama nga ako. "Chloe..." ani ko habang kumakatok ako sa pinto kung saan may narinig akong sumusuka. "Bessy, pakibukas nga 'to," tawag ko ulit dito. Maya-maya ay tumunog ang seradura ng pinto at tama nga ako na siya iyon. "Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
Tumango lang ito pero mukhang hilo na. "Uwi na tayo maya-maya, ha? Mag-ayos ka na," wika ko rito at ako muna ang pumasok sa loob ng banyo para umihi. Paglabas ko ay hindi ko na siya nabungaran. Baka nauna nang bumalik sa mesa namin.
Naghilamos muna ako at nag-ayos din ng kaunti bago humarap sa salamin. Napabuga ako ng hangin habang kaharap ang sarili ko sa salamin. Ang laki na ng nagbago sa akin. Hindi lang physically, kung 'di emotionally dahil pag-ibig din ang nagturo sa akin kung paano maging matured at wise lalo na pagdating sa pagmamahal.
Ako pa ba 'to? Minsan tinatanong ko ang sarili ko kapag harap ko sa salamin. Ang laki na ng pinagbago, eh. Hindi na ako ang dating ako na madali lang mauto sa mga salita at pangako.
Pabalik na ako ng mesa namin nang may makabangga ako. Inis na tinignan ko 'yon at napatulala nang makita ang mukha niya.
Lasing ba ako or nagha-hallucinate lang?
"Sorry, Miss." Yumuko ito at ngumiti. Sa unang tingin, akala ko ay ang ex kong ghoster ang lalaki. Kamukha lang pala. Kung lasing lang ako ay baka nasampal ko na ito. Mabuti na lang at matino pa ang utak ko. Pagkatapos itong tingnan nang maigi ay nilagpasan ko na ito.