Chapter 2

1623 Words
"Urghhh." Napahawak ako sa ulo nang magmulat ako. Medyo blurry pa 'yong paningin ko at nahihilo pa ako kaya ilang segundo rin akong tulala sa kisame bago ako nakapagdesisyong bumangon. Sa kusina ako dumiretsyo para kumuha ng tubig sa refrigerator. Hays. Para akong naginhawaan. Nakagagaan sa pakiramdam ang malamig lalo na sa hangover. "Kape ka na, Ate?" aya ng kapatid kong si Josh na nakadulog na sa mesa kasama si Papa na abala rin sa pagbabasa ng dyaryo habang si Mama naman ay hindi pa tapos sa kung anong niluluto nito. "Sige lang. Ligo lang ako." Hindi naman kasi ako nagkakape kapag may hangover. Hindi ko feel dahil pakiramdam ko nandoon pa rin 'yong pait ng alak na ininom ko. Ano ba namang buhay 'to? Puno ng pait. Pagkatapos maligo ay medyo nawala na 'yong hilo ko. Malamang uminom, kaya kailangang tiisin ang hangover. Dumulog na ako sa mesa nang mapansin kong bukas 'yong refrigerator kaya tumayo ako para isara iyon. "Sorry, Ate, nakalimutan kong isara," ani kapatid kong si Josh na abala sa pag-spread ng choco jam sa tinapay nito. "Sa susunod, huwag mo nang uulitin. Maling iwanan ang mga bagay na mahahalaga. Huwag mo ng kalilimutan sa susunod," wika ko bago umupo. Kita ko naman ang pag-iling ni Papa. "Humugot na naman ang anak kong hugotera," wika pa nito. "’Pa, totoo naman po, eh. Dapat hindi kinakalimutan 'yong mga importanteng bagay tulad n’on. Tataas ang bills." Totoo naman kasi ang sinabi ko, eh. Napailing-iling pa rin ito. "Oo na, oo na. Bilisan niyo nang kumain ng kapatid mo at ihahatid ko na kayo," dagdag pa nito kaya't minadali ko na ang kinakain ko. Mahirap nang ma-late. Ayoko na magka-record ako ng panget. Panget na nga lovelife ko, panget pa record sa trabaho ko. After kumain ay hinatid na kami ni Papa. Si Josh sa school, ako naman sa work. Akalain mo 'yong mokong kong kapatid na 'yon. Nurse ang kinukuhang course. Samantalang dati iiyak pa 'yon kapag magpapalagay si Mama ng ointment sa likod. Napailing-iling na lamang ako. Dalawa lang naman kaming magkapatid at hindi talaga ako 'yong tipo ng tao na nakapirme lang sa bahay kaya malamang kapatid ko ang palaging naroon. "Ingat, ‘Pa," wika ko kay Papa at kumaway lang ito bago umalis. Para namang abalang-abala 'yong mga naglilinis nang mapadaan ako. Ano namang mayroon? Baka may big client kaming darating? "Morning," bati ko sa mga officemates ko na nadaanan ko. "Morning, frenny, ang ganda naman. Single ba talaga 'yan?" sagot ng bakla kong officemate na si Ernisto na Ernista kapag gabi. "Syempre naman, ano? May dyowa lang ba ang may karapatang maging blooming?" Mas blooming kaming mga single dahil wala kaming iniisip at wala rin kaming sakit sa ulo na dyowa na wala namang ibang alam gawin kung 'di ang magloko! "Hindi naman, frenny, ikaw talaga. Hihiritan mo na naman ako ng hugot mo," tatawa-tawa pa nitong sagot. Wala pa ngang hugot doon, eh. "Hoy, bessy!" Hindi pa ako nakakaupo nang magtatakbo na 'tong bestfriend kong si Chloe palapit sa 'kin at hinarangan pa ako sa upuan ko. Tsismis na tsismis, eh. "Oh, ano? Siguraduhin mo lang ma maganda 'yang ibabalita mo dahil inistorbo mo ang pag-upo ko." Napaingos naman ito sa sinabi ko. Napa-hair flip pa na akala mo disente sa kanyang tignan. "Bessy, si Branch Manager nakita ko na!" high energetic pang wika nito. "Oh, tapos? Matagal na nating nakikita si Mang Tasyo, ano namang bago? Huwag mong sabihing nagbago ka na ng taste, bessy? Mas type mo na ang mga oldies ngayon?" Si Mang Tasyo o Sir Tash ay Branch Manager namin na medyo may edad na sa amin. Kung baga, Tatay na namin kung tutuusin. "Gago. Ang tinutukoy ko ay 'yong bagong Branch Manager! Ang pogi, bes!" kinikilig-kilig na wika pa nito. Napailing-iling na lang ako. "Is that so?" taas kilay na tanong ko rito. Akala ko naman kung ano. "Anong is that so ka d'yan, bessy! Baka kapag nakita mo 'yon, magulat ka! Malaglag panty mo!" nakangising wika nito. Gagi. Sino bang nagpauso ng makalaglag panty na 'yan? Walang ganoon, ano! Bago pa nito madugtungan ang salita nito ay hinawakan ko na ito at itinabi sa gilid dahil nakaharang ito sa upuan ko. "Alam mo, bessy, 'di ba sabi ko sa'yo na kung magdadala ka ng tsismis sa akin, 'yong matino! Hilig-hilig niyo sa gwapo tapos kapag niloko kayo iiyak-iyak kayo!" sermon ko rito habang abalang inaayos 'yong mga folder o papel na nakakalat sa mesa ko. "OA mo, bes! Sinabi ko lang namang gwapo, hindi ko sinabing dyo-dyowain ko," usal nito. "Really? Kahit manligaw sa 'yo?" "Ah, syempre ibang usapan na 'yan!" "Akala ko talaga upuan ko lang no'ng high school ang marupok, tao rin pala?" sabi ko sabay lingon sa kaniya na ikinasimangot naman niya. "Panget mo talaga ka-bonding, bessy. Makapagtrabaho na nga!" Papadyak-padyak pa ito bago umalis. Iiling na lang ako rito at lihim na natawa. Mabuti pa nga. Pero curious ako sa sinabi niya kanina na magugulat ako sa bagong branch manager namin. Gaano ba ka-gwapo 'yon? Kasi kahit gaano pa kagwapo 'yan, pasensya na pero hindi na ako marupok. Maya-maya ay nakarinig ako ng ingay na mukhang nagkakagulo. Ano ba 'yon? May artista ba? Naki-usyuso na rin ako. Halos magkabali-bali na 'yong leeg ni Ernisto para lang makita iyon. "Sino ba 'yon?" tanong ko rito. "'Yong new BM natin. Ang gwapo, frenny!" Niyugyog pa ako nito. Hindi rin halatang kinikilig siya. Kailangang mangyugyog? Maya-maya ay nakita ko nang naglalakad ang boss namin kasama ang isang lalaking naka-bussiness attire suit din. Halos magulantang ako nang mamukhaan ang kasama ni Boss. Siya 'yong bagong Branch Manager? "I want you all to meet your new Branch Manager. Mr. Grey Sandoval." Ngumiti naman ito isa-isa sa amin. Okay? Pang-toothpaste ngiti niya? Kita ko naman ang mga kilig na kilig na kasama ko. Akala mo ngayon lang nakakita ng gwapo. Dinaig pa fans meeting sa ingay nila. By the way, nahulaan niyo na ba kung sino ang tinutukoy kong bagong Branch Manager namin? Wala namang iba. 'Yong lalaking naka-encounter ko kagabi na kamukha n'ong ghoster kong ex. Nakakabanas naman. Bakit siya pa? Pakiramdam ko kasi kapag nakikita ko ito ay nakikita ko rin ang ex kong ghoster, mang-iiwan at manloloko! "Oh, 'di ba ang gwapo?" wika ng bestfriend kong si Chloe na alam kong lumapit para lang asarin ako. Sarcastic na ngitian ko ito at tinanguan. "Gwapo nga, mukhang ghoster," sagot ko rito at tinawanan lang ako. "Kamukha ni ex, 'no?" wika nito nang may nakakaloko pang ngiti. Sinasabi ko na nga ba at sasabihin niya rin 'yan. "Oo nga, mukha ring ghoster." Ngiti pa lang, mukha ng babaero. "Asus, kaya pala titig na titig ka, bessy. Sinisigurado mong hindi ex mo ang nasa harap mo," dagdag na wika pa nito. Nakakagigil 'tong babaeng 'to, ah. "May sinasabi ka?" Tinignan ko ito nang masama at nanggigigil. Makuha ka sa tingin. Pati mga yumao na binabanggit pa, eh! "Ah—Eh—W-wala. May binanggit ba ako, bessy?" Good. As I expected, trending ang new branch manager namin hanggang lunch. Siya ang bukambibig ng mga officemates kong kababaihan at mga baklush. "Wala na ba kayong ibang topic, guys?" tanong ko sa mga 'to na nakakaumay ang topic. Hindi ako pinansin ng mga ito at kilig na kilig na nagkwentuhan pa rin. Parang ngayon lang nakakita ng gwapo. "Asus, bessy. Kaya pala tulala ka rin kanina?" ani ng atribida kong bestfriend na walang ibang bukambibig kung 'di asarin ako sa lalaking 'yon. Pero totoo ba talagang tulala ako kanina? Nang uwian na ay nakatanggap ako ng text kay Papa na hindi ako nito masusundo dahil inaayos nito ang sasakyan namin. Ano pa nga ba? Makikipagsapalaran ako sa traffic at makikipagsiksikan para lang makasakay. Hindi pa naman ako sanay na pinagsisiksikan ang sarili ko. Kaya lang, mukhang hindi nakikisama ang tadhana sa akin. Dumilim ang paligid at mukhang nagbabadya ang malakas na ulan. Bakit hindi ko naman yata na-predict na uulan? Eh, ang init-init naman kasi kanina. Nandito ako sa waiting shed at naghihintay ng taxi. Punuan ba naman kasi 'yong mga jeep o bus na dumadaan. Pumara rin ako ng taxi ngunit hindi naman ako pinapansin. Pati ba naman taxi, snob ako! Nakakasama ng loob, huh? Hindi pa nga ako nakakasakay nang bumuhos ang malakas na ulan. Wala pa naman akong dalang payong. Palagi na lang akong hindi preferred sa mga unexpected happenings like this. Medyo siksikan dito sa waiting shed dahil sa talamsik ng ulan. Napatitig na lang ako sa kalangitan. Sa t'wing umuulan parang mas lalo kong nararamdaman na nag-iisa na lang talaga ako. Napakamalas naman. Maya-maya ay ramdam ko ang isang bulto na tumabi sa akin at gulat ako nang mapagsino iyon. Nagugulat pa rin talaga ako sa pagiging magkahawig nila ng ghoster kong ex. "Gusto mong makipayong, Miss?" tanong pa nito habang bitbit ang payong nito. Napatulala naman ako. Hawig din ang boses! Hindi kaya kamag-anak niya 'to?! Pero iba naman ang last name. Pwedeng pinsan o malayong kamag-anak?! "Okay ka lang, Miss?" nakangiti pa ulit nitong tanong. "Ano sa tingin mo?" mataray kong tanong pabalik. Mukha ba akong hindi okay? Natawa naman ito. "Sungit mo naman. Ikaw na nga 'tong inaalok ng payong." Napatingin naman ako rito. Aba't! Girl, bagong branch manager mo 'yan. Oo nga pala! Mabuti at naalala ko. "H-hindi naman po." Ngumiti ako rito kunwari pero sa totoo lang ay gusto ko na itong pandilatan ng mata at tarayan. Bakit kasi kailangang mag-alok ng payong? Anong ginagawa nitong waiting shed na sinisilungan ko? "Okay. Baka lang kasi need mo," wika nito bago maglakad paalis. Oh, saan pupunta 'yon? Napailing-iling na lang ako. Mga lalaki talaga, oh! Kapag hindi nakuha ang gusto ay iiwanan ka na lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD