"Naubos mo 'yong kape mo?" tanong ni Chloe nang makapunta na kami ng canteen para mag-lunch nang tanghaling 'yon.
Tumango naman ako bilang sagot. Sayang naman kasi.
"Akala ko tinapon mo, eh."
"Ba't ko itatapon, eh 'di, sayang naman." Ang bad ko naman masyado sa grasya n'on.
"Malay ko ba kung ayaw mo talagang makatanggap nang kung ano kay Sir Grey lalo na't kamukha niya 'yong ghoster mong—" Napahinto naman kaagad ako sa paglalakad at tinignan kaagad ito ng masama.
Makuha ka sa tingin, Chloweta. Ituloy mo lang 'yang sasabihin mo, may kalalagyan ka. Banta na tingin ko rito.
Napahawak naman ito sa bibig nito nang ma-realized niyang nagiging madaldal na siya.
"Sorry, bes." Nakangiti pa itong nag peace sign.
Hays. Daldal.
Hindi naman na bago sa akin na pag-usapan 'yon pero iniiwasan ko lang ay marinig ni Sir Grey. Ayokong malaman niyang kamukha niya ex ko. Baka ano pang isipin n'on.
Pagdating namin ng canteen ay nandoon na rin si Sir Grey. Naabutan namin itong natatawa habang kausap sila Dexter. Inunahan ko na kaagad si Chloe na maupo malayo rito. Dalawang upuan nalang kasi ang ukupado at 'yong isa ay sa tabi pa ni Sir Grey.
"Anong mayroon at nagtatawanan kayo?" tanong ni Chloe sa kanila.
"Nagku-kwentuhan kasi kami sa mga lasing moments namin." Oh. Si Chloe marami n'yan. Mga uwak moments. Hilig magpakain ng pato n'yan sa inuman.
"Pass ako d'yan." Pauna ni Chloe sa kanila. Natawa nalang ako. Alam niyang para sa kaniya talaga 'yon, eh.
Hindi tuloy naming mapigilang matawa.
"Maoy pa." Asar ni Dexter dito kaya mas lalo kaming natawa.
Visaya word 'yon pero alam naman namin ang meaning. 'Yong tipong mahilig mag-drama sa inuman.
"Haha? Nakakatawa? Akala niyo naman kayo, oh. Lalo na 'tong si Yana, sunod kaya 'to sa akin." Napahinto naman ako sa pagtawa nang pangalan ko na naman ang marinig ko rito.
Ako na naman ang tinarget ng gaga.
"Guys, ako nang o-order, ituloy niyo lang 'yang kwento niyo." Si Aira na ang tumayo at nag-abot nalang kami ng pambayad.
"'Eto na nga, guys. Ituloy na natin 'yong kwento ko. Naalala niyo ba no'ng dumayo tayo ng Batangas para lang uminom?" Ang daldal talaga ng babaeng 'to. Sinamaan ko ito ng tingin at dinilatan ng mata ngunit mukhang wala lang dito. Pikon, eh.
Napahawak naman ako sa nuo ko. Gusto ko na ngang kalimutan 'yon, eh.
"Akalain mo ba namang nagtatakbo sa kalsada 'yan. Mabuti nga at hindi nasagasaan. Nangharang pa nga nang sasakyan para lang magtanong kung saan ang Manila. Ano ka, girl? Traffic enforcer?" natatawang daldal nito at natawa na rin ang iba.
Nahihiyang napangiti na lamang ako. Napasobra ang inom ko no'n. Fresh pa rin naman kasi 'yong heartbreaks ko no'n.
Akala mo talaga siya. Baka gusto niyang isa-isahin ko lahat ng maoy moments niya.
"Pero naalala niyo ba, guys, no'ng birthday ni Aira at nasa Tondo tayo?" Ano? Siya lang may kwento?
"Eh, hindi natin no'n alam na lumabas siya sa gate, nanghamon ba naman ng away, hindi pa naman kami taga doon." Nakakahiya kaya n'on. Sobrang sorry kami sa mga tao roon sa labas.
Isang linggo rin siyang hindi lumabas dahil doon. Inom pa.
Tawang-tawa naman ang mga kasama ko maging si Sir Grey. Si Chloe naman ay tahimik at umiirap-irap pa.
Sino ba kasing nauna?
Nagkweto na rin si Sir Grey ng maoy experience niya raw. Hindi niya raw alam ang meaning ng maoy kaya ipinaliwanag namin dito.
Wala naman daw itong ibang maoy experience kung 'di raw mahulog siya sa maling tao.
Eh 'di, nyaw. Hugotero na rin.
Nang uwian ay sumabay na ako kay Chloe, hindi na ako nagpahuli at baka makasabay ko na naman si Sir Grey. Pagod na akong ngitian siya habang kausap ko siya kahit sa totoo lang naiirita ako kapag nakikita siya.
Naiirita ba talaga?
"Commute tayo, bessy."
Niyaya ko kasi si Chloe na sumabay na sa amin ni Papa kaso nga lang nasiraan na naman 'yong car namin.
Sinasabi ko na nga ba.
Si Papa kasi ayaw pang palitan 'yong sasakyan niya. May sentimental value raw sa kanya. Sentimental value na naman, ang sakit kaya sa ulo na sobrang halaga sa'yo tapos paulit-ulit lang magloloko?
Hindi pa kasi palitan.
Hindi rin kasi ako marunong mag-drive. Bakit ba kasi takot akong mag-drive? Feeling ko kasi car accident ang ikinamatay no'ng past life ko. Wala, eh. Takot talaga akong mag-commit.
Mag-drive. Mag-drive kasi 'yon.
"Bes, sama ka raw sa sat?" tanong ni Chloe. Saan na naman kaya?
Tagal ng jeep. Puro puno dumadaan, eh. Hindi ko talaga kayang makipagsiksikan.
"Saan?"
"'Lam mo na." Na naman. Toma na naman 'to.
"Anong mayroon?" Uso rin kaya pahinga.
"May alam daw kasing bagong bar si Cedric at angganda raw. Bago lang." 'Yan na naman tayo sa bago. Kada-linggo nalang may nadi-discover silang magandang bar. Baka malintikan na ako kay Mama at Papa dahil kada-weekend nalang akong lasing. Though 3 straight weeks palang naman pero maski pa. Ang hirap naman kasi tumanggi lalo na't kung lebre. Tatanggi ka pa ba n'on?
"Lebre ba 'yan?" Masama naman ang tingin na ipinukol nito sa akin.
"Abusado, ah?" Tignan mo 'to, akala mo hindi nakikilebre. Eh, isa pang kuripot.
"Tanong ko si Cedric kung lebre kasi kung hindi, dala nalang akong yelo pang-ambag." Kuripots talaga.
"Eh 'di, pitchel at baso sa akin." Madami kaya sa kusina namin.
Dumating ang araw ng sabado..
"Nasaan kana?" Nandito na kasi ako sa bar kasama sila Cedric. Ito namang babaetang si Chloe ang nahuhuli ngayon.
"Nasa labas na." Reply nito.
Lima lang kaming nagkasundo. Ako, si Chloe, Cedric, Dexter at Aira.
Napakaway naman ako nang makita ko ito at–
May kasama siya na guy. Baka 'yong chatmate niya? Malilintikan talaga sa akin ang babaeng 'yon. Sinabing wag sumama kung kani-kanino.
"Nand'yan na rin yata si Sir Grey." Huh? Napatingin naman ako sa nagsalitang 'yon na si Aira.
Nand'yan? Anong ibig niyang sabihin?
Para akong na-istatwa sa kinatatayuan ko nang naglalakad na ito palapit sa amin kasama si Sir Grey.
Yeah. Si Sir Grey pala 'yong kasama ni Chloe.
Anong ginagawa niya dito?
"Sir." Tuwang-tuwa pa ang mga kasama ko.
"Nakita ko si Sir Grey diyan sa labas kaya sinabay ko na." Si Chloe na mukhang nagpapaliwanag at parang sa akin pa nakatingin.
Para saan?
"Tara na sa table natin, guys." Yaya nang mga kasama ko na parang wala lang.
Gusto ko sanang magtanong kung bakit nandito si Sir Grey at sinong nag-aya sa kanya?
"Buti nakapunta ka, Sir?" Si Dexter 'yong nagtanong.
"Oo nga, eh, and gusto ko rin naman, gusto ko kayong maka-bonding, eh."
Napatingin naman ako sa mga ito.
So sila ang nag-aya kay Sir Grey? Bakit parang ako lang ang walang alam based sa actions nila? Pinagkaisahan ako ng mga walang hiya.
Um-order na sila nang drinks at tahimik lang ako na nakikinig sa kanila. Parang bigla akong nailang sumabat sa mga pinag-uusapan nila.
"Tahimik mo yata ngayon, hugot girl?"
So ako nalang talaga ang walang alam na kasama si Sir Grey? Tinignan ko naman si Sir Grey. He's wearing white polo shirt na tinirnuhan niya nang brown long pants kaya kahit medyo madilim ay pansin ang pagiging tisoy nito.
Napatingin naman ako sa katabi kong si Chloe na naka-smirked sa akin na parang sinasabing huling-huli nito ang pagsulyap ko kay Sir Grey. Inirapan ko lamang ito.
Nagsimula na kaming uminom at magkwentuhan ng mga random things.
Bukas ko nalang sila itatanong kung bakit hindi nila ipinaalam sa akin na kasama si Sir Grey. Nakakainis. Napagkaisahan talaga ako.
Lumipas ang oras at mukhang nakapalagayan ko na rin na ka-kwentuhan si Sir Grey at natatawa na rin kami sa mga kwento nito. Mukhang nagsisimula nang magkaroon ng epekto 'yong alak sa amin. Medyo pinapawisan na rin kasi ako.
"'Eto, guys, may question ako." Si Aira.
"Would you rather loss your sight or your memories?"
"Hirap naman niyan, Aira. Parang hindi ko kakayanin kapag nawala 'yan pareho." Si Cedric.
Palibhasa, arangkada ang lovelife.
"Lost my sight? Kasi pwede pa namang agapan 'yon pero 'yong memories? Mahirap nang ibalik kapag nawala," sagot ni Dexter.
May point naman siya.
"Hugots, ah. Dumadami na kayo." Si Chloe na natatawa.
"Ako? Memories siguro kasi hindi ko take mabulag." Si Chloe.
May pagka-lampa 'yan kaya hindi talaga pwede.
Sabay-sabay naman silang tumingin sa akin.
Ako na naman. Ano pa nga ba?
"Memories syempre para mawala na 'yong panget na memories na 'yon." Ang tinutukoy ko ay 'yong pag-iwan sa akin. Kung pwede lang hilingin na sana mawala 'yon sa parte ng memories ko, matagal ko na sanang gustong matupad.
"Ikaw, Sir?" Baling nila kay Sir Grey na mukhang nag-iisip rin.
"Ahmmm. Memories din, guys. Kasi at the end of the day. Mawala man 'yong memories na 'yon, you can always make new naman. 'Yong mas masaya pero kung sakali mang hindi mangyari 'yon, be thankful pa rin guys because bad memories make us stronger and may lesson learned pa rin naman, so hindi pa rin masama na may bad memories."
Lesson learned? Meron naman. 'Yon ang protektahan ang puso ko sa mga katulad ng ex ko. Ang hindi magpauto agad-agad.
Pumalakpak naman ang mga kasama ko sa sagot ni Sir Grey.
"Nice answer, Sir." Nice ba 'yon? Oo na.
"Sayaw naman tayo, guys!" Yaya ni Cedric na mukhang excited nang humataw.
Nagsitayo naman ang iba maliban sa amin ni Sir Grey.
"Hindi kasi ako marunong sumayaw, eh." Pauna nito sa mga kasama namin.
Eh 'di, same kami.
Pinanuod ko nalang ang mga kasama kong naglalakad na papunta ng dance floor.
"Ikaw? Ayaw mo ba sumali sa kanila?" biglang tanong nito.
Umiling naman ako dito bilang sagot. "I-Ikaw, Sir?" Ano ba 'yan. Bigla akong nailang.
"Hindi ako marunong sumayaw." Para pa itong nahihiyang sumagot dahil nakangiti ito habang kakamot-kamot sa batok.
Tatango-tango naman ang sagot ko dito.
"Ahm, excuse me. Pwedeng magpa-picture?" Nagtaka naman akong napatingin sa babaeng lumapit sa amin. Hindi pala sa amin kung 'di kay Sir Grey lang. Kahit sinong lalaki ay mapapatingin dahil sa laki ng hinaharap nito.
Parang biglang nanliit 'yong akin, ah. Eh 'di, siya na ang blessed!
Nagpa-picture ito kay Sir Grey na parang sinasadya pang idikit ang hinaharap nito.
Paepal 'yong pakwan mo, girl o sadya lang talaga?
Naka-ilang shots ba sila at parang ang tagal?? Mukhang enjoy na enjoy pa ito sa pagpapa-picture n'ong babae. Landi!
Eh 'di, kayo na busy, iinom nalang ako dito! Total sanay naman talaga akong mag-isa!
Kinuha ko namang 'yong glass shot sa harap ko at ininom na iyon, hindi pa ako nakuntento at sinundan 'yon ng isa.
Hindi naman siguro ako malalasing kaagad nito.
Maya-maya ay nakabalik na ang mga kasama ko habang si Sir Grey naman ay nananahimik na sa gilid pagkatapos magpa-picture n'ong girl sa kanya.
Mga lalaki talaga, makakita lang ng malaking hinaharap, nananahimik na.
"Okay ka lang dito, bessy?" tanong ni Chloe.
Tumango naman ako dito bilang sagot.
Maya-maya ay nagkaroon na naman ng party song at nagkumpulan na naman ang tao sa dance floor.
"Sayaw tayo, bessy?" Yaya ni Chloe.
Mabuti pa nga siguro? Tumayo na ako nang hilain ako nito. Nakaka-bored dito. Baka malasing lang ako kakatungga.
"Ikaw ba, Sir Grey?" Baling naman nito kay Sir Grey.
Yayayain pa talaga. H'wag na. Baka busy 'yan doon sa malaking pakwan.
"Sure. Kahit parehong kaliwa paa ko." Oh, talaga? Hiya pa magpa-iwan.
Sumayaw na kami sa dance floor at mukhang dalawa lang kami ni Sir Grey ang nahihiya at medyo awkward sumayaw. Wala talaga akong talent sa ganito.
Maya-maya ay medyo nakaramdam na ako ng hilo pero tuloy pa rin naman kami. Na-enjoy ko na rin 'yong music dahil medyo may tama na ako—
Sa alak. Medyo lang naman.
Bumabalik-balik din ako sa mesa para uminom. So, ayon kahit paano nakakasabay na ako sa sayaw nila hanggang sa—
"Hi." Kahit maingay ay rinig ko 'yong babaeng lumapit kay Grey at hindi pa ito nakuntento at nakisayaw pa sa amin.
Iiling-iling naman ang mga kasama ko na natatawa. Ako naman ay inis ang naramdaman.
Tignan mo 'to, kahit medyo hilo na ako, nakikita ko pa rin 'yong malalandi.
Kaysa pag-aksayahan sila ng oras ay sumayaw na lang ako at sinabayan ko ng inom.
Nag-eenjoy naman ako, kaso nakakapanget lang ng mood 'yong malalandi.
Parang ang sarap uminom ng sunod-sunod ngunit nakakaramdam na talaga ako ng hilo..
Liwanag ng sikat ng araw ang tumama sa akin nang magising ako.
Unti-unti kong idinalat ang mga mata ko at pamilyar na kapaligiran naman ang bumungad sa akin.
Kwarto ko.
Kaya lang ay hindi kaagad ako nakabangon dahil sa nararamdaman kong hilo at sakit ng ulo.
Tinandaan ko ang mga nangyari kagabi at ang huli kong natatandaan ay enjoy na enjoy kami no'n habang sumasayaw sa dance floor.
Pinilit kong maalala 'yong iba pero wala na akong matandaan.
Diretsyo shower na ako nang makabangon ako at kahit paano ay naginhawaan ang pakiramdam ko.
Lumabas na ako at dumiretsyo sa garden, naabutan ko si Mama na nagdidilig ng mga junakis niyang halaman. "Morning, 'Ma."
"Kumusta lakad niyo ng barkada mo?" tanong ni Mama.
"'Ma, may gamot pa tayo sa sakit sa ulo?" Sa hangover actually.
"Inom pa." Aray, grabe si Mama.
"Lasing na lasing ka kagabi. Nakakahiya sa barkada mo at doon sa Branch Manager niyo ba 'yon? Basta 'yong kamukha n'ong siraulo mong ex." Napatingin naman ako kay Mama dahil sa sinabi nito.
Pumunta sila dito kagabi?!