"Please lang. Ayoko na ng ampalaya, ah?" Bilin ko kay Chloe na siyang o-order ng food namin.
Hindi naman sa pag-iinarte pero may point sa buhay natin na nakakasawa rin maging bitter.
"Oo na. Bitter gourd lang." Gagi. In-english lang.
Maya-maya ay nakabalik na ito at salamat at wala naman itong dalang ampalaya. "Ito na ang paborito mong special kare-kare kahit hindi ka naman talaga naging espesyal para sa kanya." Aba't.
Sinamaan ko naman ito ng tingin at nginitian lang ako nito.
Pasubo na ako ng kanin at ulam nang magsalita ulit si Chloe.
"Sir." Kaya't napatingin kami kung saan ito nakatingin at sa taong nasa harapan ng table namin.
"Can i sit here, guys? Hindi kasi masayang kumain mag-isa," wika nito at nakangiti pa. Saglit naman akong natulala.
"Sure, Sir! Opo po kayo." Si Chloe na ang sumagot at tinuro pa ang katabing upuan ko na ukupado. Parang gusto kong mapangiwi.
Bakit ba kasi may extra pang upuan dito? At sa tabi ko pa talaga?
"Thank you," wika nito. Dala-dala 'yong tray ng food niya. Naamoy ko na naman ang mabangong perfume nito nang makalapit ito.
Mabango pa siya sakin. Sana all.
"By the way, guys, alam kong kilala niyo na ako pero gusto ko ulit na magpakilala sa inyo. I'm Grey Sandoval, your new BM. I hope na maging maganda 'yong chemistry ng team work natin, guys." Tahimik naman akong napasulyap dito sa pagpapakilala nito.
"So, kain na tayo?" wika at ngiti pa nito.
Habang kumakain ay may ibang pakiramdam ako na may nakatingin sa akin at tama nga ako.
Agad naman itong nag-iwas nang tingin pero nakita ko 'yon.
Alam kong maganda ako pero maling pagmasdan ako nang hindi ko alam. Lalo na't siya pa!
Tumingin ulit ito sa akin at ngumiti.
"Alam mo favorite ko rin 'yang kare-kare." Tinignan ko naman ang ulam nito at pareho kami.
Letse. Bakit pareho kami ng paborito?
"Talaga ba, Sir? Favorite din ni Yana 'yan." Nabulunan naman ako sa nagsalitang 'yon na si Chloe.
At talagang sinabi pa talaga.
"Really? Mabuti nalang at may ka-vibes ako sa food dito." Sa food lang, 'no. Tse!
"Nga pala, guys, narinig ko kayo kanina na parang may pinag-uusapan kayo? Alam niyo na? Baka sakaling makatulong ako."
May pagka-tsismoso rin pala 'tong lalaking 'to, eh.
"Ahm. A-ano, Sir." Tumingin naman sa amin si Cedric na waring tinatanong kami kung okay lang sabihin nito at tumango naman ako. Wala lang naman sa akin 'yon. Hindi lang maiwasan mag-over hugot minsan.
"Kasi po, Sir, tinatanong po nitong isang friend naming si Cedric, kung ano raw po ba ang masakit, ang iwan ng minamahal o mang-iwan ng minamahal." Si Dexter na ang nagsalita. Okay lang naman siguro dito sa new BM namin na magkwentuhan dahil breaktime naman.
Napatango-tango naman ito.
"Ganda pala ng topic niyo dito. Hugots, pero for me, ang sagot ko.. Is both."
Napatingin naman kami rito sa sagot nito.
Salawahan naman pala.
"I mean kung pwedeng both. Both talaga. Masakit ang maiwan, yeah. Sino ba namang hindi masasaktan kapag naiwan lalo na't nag-stay ka through good and bad times ng relationship niyo but in the end ay iniwan ka pa rin niya, 'di ba? Tapos ang masakit pa roon sa ilang naiwan ay walang reason, biglaan lang. Masakit talaga 'yon."
Kung hampasin ko kaya 'to si Sir. Bakit parang ako 'yong pinatatamaan?
"And doon naman sa nang-iwan depende kasi, eh. Karaniwan na kasi 'yong reason ng iba na na-fall out of love, nag-cheat, nagsawa o napagod pero ang masasabi kong pinakasakit sa part nang nang-iwan is 'yong fear. Fear na baka mali ka nang piniling desisyon. Lalo na sa mga nang-iwan na mahal pa nila 'yong taong iiwan nila. Masakit 'yon, ah."
Napatango-tango naman ako sa sagot nito. Bakit parang mas madaming hugot 'tong si BM sa akin?
Pagkatapos kumain ay nagpasalamat at nagpaaalam saamin si Sir. Sa uulitin din at gusto niya rin daw sumama sa squad namin.
Gusto ko pa ngang sagutin na puno na squad namin, eh, pero 'yong mga kasama ko mukhang tuwang-tuwa pa.
Asar.
"Bessy, hindi ka ba sasabay?" tanong ng bestfriend kong si Chloe na hawak na ang bag niya at mukhang ready na umuwi.
Tinignan ko ang oras. Uwian time na pala.
"Una kana. May tatapusin pa ako." Maya-maya nalang ako dahil susunduin naman ako ni Papa ngayon.
"Sipag talaga. Kaya hindi na ako magtataka na balang araw, eh, ikaw na ang CEO nitong kumpanya na ito."
CEO talaga?
"Sira. Umuwi ka nga doon. Alam ko namang may date ka, eh."
"How??" takang tanong pa nito. How daw, eh. Make up na make up ang gaga.
"Ako pa. Sige na. Mag-ingat ka, ah, at wag kang sumama kung saan-saan. Tanga ka pa naman."
Napahawak naman ito sa dibdib nito. "Grabe siya, oh. Parang hindi tayo pareha. Oo na, sige na. Alis na ako." Aangal pa sana ako sa sagot nito na dali-dali na itong makalayo.
Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay nag-text na ako kay Papa na sunduin ako bago isa-isang ligpitin ang gamit ko at paper works sa desk ko.
Naglakad na ako papunta ng elevator at may mga ilang kasabay ako hanggang papasara na sana iyon nang may taong humabol.
Nako po.
'Yong totoo?
Bakit palaging siya, Lord?
Sino pa nga ba?
Napakamot nalang ako ng kilay ko.
"'Oy, ikaw pala." Napansin pa ako agad nito.
"H-hello, Sir." Walang choice na yumuko at binati ko na rin ito.
Baka sabihin isnabera ako, eh.
Ngumiti naman ito at mukhang masaya na sumagot ako.
Weh? Talaga ba? Baka assuming lang ako?
Mabuti nalang at mabilis nag-ground floor kaya dali-dali na nauna akong naglakad dito palabas ngunit mukhang ayaw talaga ako nitong tantanan dahil sumabay ito sa akin.
Bakit na naman kaya?
"Sabay na tayo." Sumabay na nga itong maglakad sa akin.
Ngumiti lang ako ng plastic at hindi na sumagot. Ayaw ko nalang mag-talk.
Magkasabay na kaming naglakad palabas ng building.
"Commute ka rin? Pinapagawa ko pa kasi 'yong sasakyan ko."
Nandito na nga ako sa labas at nandoon na rin ito. Napatingin naman ako dito sa sinabi nito.
May wheels naman pala.
"Nope. Hindi rin. Palagi akong sinusundo ng Papa ko."
Totoo 'yon kahit noong nag-aaral pa ako. Okay lang naman kay Papa kasi hindi naman siya gahol sa oras dahil may sariling bussiness si Papa na maliit lang naman kaya okay lang kahit sunduin niya 'ko palagi basta ba hindi siya talagang abala kaya ayon sanay talaga akong may sundo pero alam kong kailangan ko na ring pag-aralang mag-drive.
Sana hindi na ako takot. Ang hirap naman kasing subukan 'yong bagay na alam mong pwede kang masaktan.
"Ah. Ako naman mag-aabang nalang siguro ng taxi dito." Rich nga talaga.
"Sige, Sir," tanging naisagot ko.
Bakit gano'n feel ko parang ang FC ni Sir BM?
"Sorry, ah? Medyo feeling close ako. Gusto ko kasing maging close s—"
Napatingin naman ako dito nang huminto ito.
"Maging close sa inyo, I mean for the good chemistry of our team."
Hopia ba? Akala mo sa'yo, 'no?
Napatango-tango na lamang ako.
"Matagal ka na rin palang nagwo-work dito, 'no?" tanong pa nito.
"Opo, Sir." Kailan pa ako naging magalang?
"Maka-opo naman. Branch Manager mo lang ako pero mukhang hindi naman nalalayo ang edad natin."
Sabi ko nga. Napakamot naman ako ng ulo.
Napakaway naman ako nang makita ko si Papa.
Save by the bell!
"N-nand'yan na pala sundo ko, Sir. Sige po."
Umalis na ako at hindi na inantay ang sagot nito pero narinig ko naman ang sinabi nitong, 'Ingat.'
Oo, mag-iingat naman talaga ako sa kanya. Mukhang playboy pa naman 'yon. Baka mamaya, type pala ako.
Baka lang naman, eh. Bakit ba?
"Sino 'yon?" tanong ni Papa nang makaupo ako.
"Ka-work ko, 'Pa. Bagong branch manager namin. Nakasalubong ko lang." Paliwanag ko kaagad kay Papa.
"Akala ko 'yong ex mo. Kukunin ko na sana 'yong shot gun ko na tinago ko." Shot gun pa nga.
"Pero, 'Nak, mukhang pinopormahan ka, ah."
"Pa!" Kasama ko lang, pinopormahan kaagad. Amppp.
Natawa naman ito habang nagda-drive.
"Basta kung pinopormahan ka dalhin mo muna sa bahay 'yan. Nang ma-hazing namin ng kapatid mo."
Hazing talaga.
"Papa!" Nagda-drive na nga, nang-aasar pa.
Ganyan lang 'yan magbiro si Papa pero gaya ko ay nasaktan din sila no'ng iwan ako n'ong ex kong ghoster. Sabi pa nga ni Papa kapag nakita niya raw 'yon ay sasagasaan niya.
Sino ba naman kasing magulang ang hindi magagalit kapag hindi sinipot ang anak mo sa mismong kasal niya nang mapapangasawa niya, 'di ba?
Grabe lang pero alam kong mas malala 'yong naramdaman nilang galit noon na kung ako nasasaktan, paano pa sila?
Kaya kahit papaano ay naging okay ako dahil nand'yan naman sila na pamilya ko para sa akin. Lumaban ako kasi nand'yan naman sila para sa akin kaya hindi na ako papayag na mangyari ulit 'yon.
"Totoo, Ate?"
Napairap naman ako sa tanong ng kapatid ko na 'yon. Pa'no. Kwinento na ni Papa 'yong nakita niya kahapon na pagsabay ko kay Grey.
Ang issue ni Papa. Inaasar na naman tuloy nila ako.
"Tse! Sabing nakasabay ko lang 'yon at officemate ko." Nakakapikon talaga lalo na't hindi naman totoo.
Hindi ko naman talaga kasabay 'yong Grey na 'yon, nagkataon lang na nagkasabay kami sa elevator kahapon.
"May kamukha pa nga 'yon, eh." Kaagad naman akong tumingin kay Papa.
"'Pa!" Papa talaga, oh.
Natawa lang ito sa reaksyon ko. Ako na naman nakita nila.
"Kamukha niya si Dodong, 'yong tambay d'yan sa kanto." Hindi ko alam kong mapapangiwi o matatawa ako sa sinabi ni Papa.
"Yay, Ate. Nag-iba kana pala ng taste ngayon?" Binantaan ko naman ang kapatid kong si Josh bago irapan.
Ang tinutukoy kasi nilang Dodong ay 'yong taga dito rin sa subdivision kung saan kami nakatira. Madami itong tattoo at mukhang may sapak sa utak dahil madalas itong nagsasalita mag-isa. Sabi nila ay nabaliw daw ito nang iwan ng asawa nito.
Legit nga talaga 'yong sinasabi nilang nakakabaliw ang pag-ibig, sabagay, ako nga nadurog, eh.
Kinabukasan..
Pagdating ko naman sa work ay patingin-tingin ako sa paligid ko.
Baka kasi makasabay ko na naman siya, eh. Magpapahuli talaga ako kung sakaling makita ko na naman siya.
Ah, basta.
"Thank you."
Nandito na pala ako sa desk ko at abala na sa trabaho ko nang dumating ang bestfriend kong si Chloe at may bitbit na kape. Iniaabot nito sa akin ang isa.
Ang bait yata nang bestfriend kong si Chloe ngayon at inabutan ako ng kape. Galing pa nga sa mamahaling coffee shop. Aba, galante yata siya ngayon?
Nagsimula na akong humigop n'ong kape nang magsalita ito.
"Hindi sa akin galing 'yan." Parang gusto ko tuloy ibuga 'yong kape.
Ang ganda pa naman ng higop ko.
"Eh, kanino?" Napahinto ako sa paghigop ng kape at tinanong ito.
"Kay Sir Grey. Para daw hindi ka antukin." Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto.
Sa kanya pala? Siya na naman?
Binalik ko naman 'yong takip at inabot ulit kay Chloe. "Ibalik mo 'to. Nakakahiya." Hindi naman kasi ako antukin gaya ng sabi nito sa akin para bigyan ako ng kape.
Napalabi naman si Chloe. "Mas nakakahiya kung isasauli ko. Binawasan mo na rin kaya 'yan."
Kinuha ko naman 'yong bag ko at kumuha ng pera. "Eh 'di, bilhan mo nalang ako ng bago at 'yon ang ibalik mo sa kanya." Abot ko rito n'ong pera na kinuha ko sa bag ko.
Binigyan ako na kape para hindi antukin, mukha ba akong antukin para sa kanya?
"Hoy, arte mo. Hindi lang naman ikaw ang binigyan ni Sir Grey. Pati 'yong ibang kasama natin sa floor na 'to."
Napatingin naman ako sa paligid ko at may mga kape din sa desk nila.
"Assumera ka yata ngayon, bessy?" wika nito nang may nakakalokong ngiti sa labi.
I don't like that smile. Nang-aasar na naman ang bruha.
Binantaan ko kang ito ng tingin.
"Wag kang mag-alala, bessy. Mukhang ikaw naman yata ang dahilan kaya nagpa-kape si BM." Anong ako? Tinapik-tapik pa nito ang balikat ko.
Aba't.
Bago pa ako sumagot ay nakaalis na ito at nang-aasar na naman 'yong ngiti.
Tinignan ko naman 'yong kape na may pangalan ko pa. Para sa akin talaga, eh.
'Yong kape lang, ah.
Matagal kong tinitigan 'yon bago napagdesisyonang inuman. Ininom ko nalang at baka masayang pa.
Para naman pala sa lahat, eh.