CHAPTER 34 THIRD PERSON POV Matapos ang lahat ng sakit, pagtataksil, at mga sugat na iniwan ng nakaraan, unti-unting natutunan nina Andreas at Klara kung paano muling magsimula. Hindi ito isang madaling proseso—punong-puno ito ng mga tahimik na luha sa gabi, hindi mabilang na mga pagtatalo, at mga gabing hindi alam kung paano pa muling pagtitiwalaan ang isa't isa. Pero sa bawat pagtingin nila kay Klaus, sa kanilang anak na siyang naging bunga ng kanilang pagmamahalan—sa gitna ng sakit, sa gitna ng pagkawasak—nakikita nila ang isang bagay na hindi matitinag: pag-asa. Nakatayo si Klara sa balkonahe ng kanilang tinutuluyang apartment sa Paris, yakap-yakap si Klaus habang pinapatulog ito. Dumadampi ang malamig na hangin sa kanyang balat, ngunit hindi niya iyon alintana. Nakatingin siya sa

