CHAPTER 35 ANDREAS' POV Matagal ko nang pinangarap ang araw na ‘to. Simula nang bumalik si Klara sa buhay ko, simula nang hawakan ko ang aming anak na si Klaus sa aking mga bisig, alam kong ito na ang tamang panahon para ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kaya hindi ko pinalampas ang pagkakataon. Sa loob ng aming mansion, inihanda ko ang pinakaespesyal na sorpresa sa buhay ko. Hindi ito engrandeng selebrasyon, hindi ito puno ng maraming bisita, ngunit sinigurado kong magiging perpekto ito para kay Klara. Sa loob ng aming hardin, ipinalagay ko ang daan-daang puting rosas na bumalot sa paligid, hinayaan kong sumayaw sa hangin ang mga ilaw na parang mga bituin sa langit. Sa gitna ng damuhan, isang maliit ngunit eleganteng hapag-kainan ang inihanda ko—isang candlelit dinner para

