Chapter 28 (2nd Mission)

1216 Words
(Brigette) “Your second mission for this week is called Mixed Country.” Nakaupo lang kami habang nakikinig sa host na may hawak na cue card. “Pumili ang judges ng tatlong countries na kadalasang patok dito sa bansa, bukod sa English. Sa mission na ito, kakanta kayo ng tatlong kanta gamit ang iba't ibang wika. Unang language — syempre, hindi mawawala ang Korean songs. Familiar naman siguro kayo sa K-pop, hindi ba?" Tumango ang iba, habang ako naman ay bahagyang kinabahan. "Second one is Japanese, at ang panghuli — Spanish song. This is a battle between boys vs boys and girls vs girls. Kung sino ang mananalo sa round na ito, they will earn 5,000 points plus a surprise gift from the judges. Sa mga hindi papalarin, may 1,000 points pa rin kayong matatanggap.” Ngayong pa lang, ramdam ko na — hindi ito basta-basta. Kailangan naming pag-aralan mabuti ang pronunciation ng lyrics para hindi kami magkamali sa kahulugan. Ayaw naming ma-misinterpret ang kanta. "Kung dati, kayo ang pumipili ng song, ngayon pipili pa rin kayo — pero limited lang sa Japanese, Korean, at Spanish songs. Bubunot kayo mula sa dalawang malaking fishbowl — isa para sa boys at isa para sa girls. Nandiyan na lahat ng napiling kanta na kailangang niyong kantahin. Kaya wag kayong mag-alala.” Kung ako ang papipiliin, sana Spanish. Mas naiintindihan ko kasi ang Spanish dahil marami sa mga salita natin ay galing din doon. "Isa-isa kayong bubunot. Ladies first. Magsisimula tayo sa top ranker — Rank 1. Jillian, pwede ka nang bumunot." Tumayo si Jillian at hinalo-halo ang mga papel sa bowl. Pagkabunot niya, binasa ito, at... "OMG!!” Nag-sign ang host na huwag siyang maingay at agad siyang pinapunta sa assigned room niya. Sumunod si Jhoanne. Kumalma lang siya, ngumiti, at umalis din. “Next, Rank 3.” Tumayo ako. Sana Spanish, please… taimtim kong dasal habang bumubunot. Nang binuksan ko ito… "Japanese song." Gusto ko nang ma-disappoint. Hindi pa ako familiar sa kantang ito. Pero wala na akong magagawa. Hinahanap ko ang room number na nakalagay sa papel. Pagbukas ko ng pinto, wala pang tao. Yes. Sana hindi ko ka-group si Jillian. Hindi dahil takot ako, pero ayoko siyang makaharap ngayon. Pagkaupo ko sa sahig, may narinig akong kaluskos. Napalingon ako. May sapatos sa likod ng kurtina. “Hoy!” sigaw ko. “Ahhhhh!” Sigaw din ng nasa likod. Wow ha, siya pa ang natakot. Ako kaya dapat ang nagulat. “OMG, Gette! Magkasama tayo?! Ang swerte ko naman. Akala ko wala na akong kasama dito.” - Jhoanne. “Familiar ka ba sa kanta?” tanong ko, dahil hindi ko talaga alam. “Sa artist, oo. K-pop group din sila. Trinanslate lang sa Japanese. Favorite kasi ‘yan ng pinsan ko, kaya lagi kong naririnig — kahit ayoko. Pero tingnan mo, nagamit din pala ngayon. Haha!” 👑👑👑👑👑 “Here, panoorin muna natin yung music video para maging familiar tayo sa kanta, at makaisip na rin tayo ng concept,” sabi ni Jhoanne habang nagsesearch sa tablet niya. “Catch Me If You Can – SNSD (Japanese Version).” Pinanood namin. Powerful ang kanta — may dating talaga. “Wow, hindi ko ‘to carry, pero ang ganda niya,” sabi ni Angela, isa sa mga ka-member. “Nakaka-excite! Ang ganda kasi ng beat,” dagdag ni Rhian. Tumayo pa ito at ginaya ang steps sa MV. Natawa na lang kami. “Hala, paano na ‘yan… hindi ako marunong sumayaw!” reklamo ng isa. “Problema nga natin ‘yan — marunong tayong kumanta, pero hindi pa tayo familiar sa language. Mahirap ito,” sabay tango naming lahat. “Girls, pagtulungan natin ‘to. Lahat naman tayo walang alam sa kanta. Kailangan din nating pumili ng leader. So, sinong gusto n’yo?” tanong ni Jhoanne. Anim lang kami — meaning, kami ang may pinaka-konting members. Yung iba, tig-pito. “I gladly nominate Brigette.” What?! Nabigla ako. Hindi ko ata kaya. “Ako rin, si Brigette na lang.” “Same here.” Tumango silang lahat. Wala na akong nagawa. “Tutulungan ka naman namin, Gette. Don’t worry!” Tumango silang lahat bilang suporta. Ilang oras din kaming nag-practice ng pronunciation. Pagdating ng dinner, pinauna na namin ang ibang members. Kami ni Jhoanne ang naglinis ng room. Buti na lang may choreography na, kaya hindi na kami kailangang mag-isip pa. Pero puwede pa rin daw kaming magdagdag ng steps. “Anong balak mo bukas?” tanong ni Jhoanne habang naglalakad kami sa hallway ng resort papunta sa cafeteria. “Siguro pipiliin muna nila ang part na gusto nila. Tapos kung bagay sa kanila, ‘yun na ibibigay ko.” “Okay. Ikaw ang bahala. My gosh, na-eexcite ako! Ano kayang nakuha ng ibang girls?” 👑👑👑👑👑 Nakahiga na ako sa kama pero hindi pa rin sanay na mag-isa lang sa kwarto. Lahat ng Top 10 ay nasa third floor ng hotel na ito. Dahil hindi ako makatulog, lumabas ako sa veranda. Umupo ako sa isang upuan, pinili kong huwag sa grills — baka mahulog pa ako. Nakatingin ako sa dagat, nilalanghap ang malamig at sariwang hangin. Pumikit ako, sinasagap ang katahimikan ng gabi. Pa... sorry kung hindi ako naging mabuting anak. Pero gagawin ko ang lahat. Papatunayan kong tama ang pinili kong landas. Na sana, matanggap ninyo ang gusto ko. Bigla akong napadilat — may naririnig akong kumakanta? Luminga ako. Sa kabilang side ng veranda, may lalaking tumutugtog ng gitara. Mahina lang ang boses niya, pero sapat para marinig ko. Hindi ko alam kung bakit, pero nagtago ako. ‘Di umalis ka diyan. Bulong ng utak ko. Pero hindi ko magawang tumayo. Tiningnan ko siyang muli. Nakaharap siya sa dagat, tuloy sa pagtugtog. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang bigla siyang lumingon sa side ko. Napayuko ako, nagtago agad. Tumahimik ang paligid. Wala na akong marinig. Tumayo na ako, pero… Nandiyan siya. Nakatingin saakin. Ilang meters lang ang layo namin. Sa liwanag ng buwan, kitang-kita ko siya. “Ano’ng ginagawa mo diyan?” malamig at mababang boses niya. Nanigas ako. “Ha? Wala lang. Nagpapahangin lang.” Napatingin ako sa dagat, iniiwasan ang tingin niya. “Bakit nagtatago ka?” Tinuro niya yung pinagtaguan ko. “Nakikinig ka ba kanina?” “Bigla ko lang narinig yung tugtog.” “Kaya nga — nakikinig ka.” Hinuhuli niya ako. “Hindi. Actually… papasok na rin ako.” Lame excuse, Gette. Psh. Sana lumamon ako ng tiles. Papasok na sana ako nang… “Wait!” Mahina, pero narinig ko. “Ano ‘yon?” “Did you… did you hear what I said earlier?” May pag-aalangan sa tono niya. “Ha? Wala naman akong narinig, bukod sa kanta. Bakit, may sinabi ka ba?” “Wala.” Pumasok na siya sa kwarto niya. Sumunod na rin ako. Nakahiga na ako sa kama, nakatingin sa kisame. Pero bago ako makatulog, naalala ko ang sinabi niya kanina. “I’m falling for you…” Narinig ko ‘yon bago ako tumayo. Pero… para kanino mo ba sinabi ‘yon, Zephyr? At bakit parang takot kang may makaalam? Ramdam ko pa rin ang lungkot sa boses mo. Parang nasasaktan ka. Ewan. Bahala na. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinayaang lamunin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD