(CAMILLA) "Carms! Pwede bang pasama ako sa cr."- biglang sabi ni Eraizha after namin magpractice. Break namin sabi ng aming mahal na leader na si Ellese and yes magkakasama lang naman kaming tatlo. "Sige halika na... Si Ellese hindi mo ba yayain?" Tanong ko dito. "Kaya nga ikaw ang niyaya ko dahil ayaw ng bruha. Pagod daw siya. Bayaan na lang natin." Irap nito kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko. Ako rin, pagod rin ako sa pag practice ng dance choreo. Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ako nahilig sa k-pop dati. Kaasar ito pala ang mangyayari sa buhay ko naiingit ako kila Ellese at Eraizha kasi medyo marunong sila. Si Ellese nakakapagsalita ng korean samantalang k-pop fun naman si Eraizha pero hindi nakakaintindi masyado pero nakakarelate sila sa isa't isa. At isa ring dahilan kung baki

