(GETTE)
Nakaupo lang kami sa kanya-kanya naming seat habang hinihintay ang host na i-announce ang next mission namin. Wala kaming idea kung ano na naman ang susunod na activity o performance.
“Good morning, Future FAME!” masiglang bati ni Miss Riesse. Bumati rin kami pabalik sa kanya.
“Did you have a good rest yesterday?” tanong pa niya. Marami ang nagreact—may mga nagsabing masaya, pero meron ding nabitin. Pero alam na rin naman namin kung bakit kami nandito, kaya wala na dapat reklamo.
“What I said before is, bibigyan namin kayo ng short rest, and after that, kailangan niyo nang sumabak ulit sa totoong laban. Today, you’ll have your next activity.”
Pumasok na ang walong judges at naupo sa kani-kanilang puwesto.
“This morning’s activity is what we call: ‘I’ll Question You, and You’ll Answer Me in Song!’”
Nagkatinginan kaming lahat.
“Paano ang mechanics? Simple lang. Tatanungin kayo ng isa sa mga judges, and you’ll have to answer using a song. Kahit anong kanta—basta relevant sa tanong. Ganun lang kasimple.”
“Just like before, you’ll be divided into eight groups—four girls’ groups, four boys’ groups. Kung sinong group ang mauunang tawagin, siya ang sasalang sa mini stage. Kung nasatisfy ang judge sa performance ng representative niyo, bibigyan ang group niyo ng 2,000 points, at ang representative ay makakakuha pa ng bonus 1,000 points.”
“Pero kung hindi satisfied ang judge, 1,000 points lang para sa group—walang bonus. And if you fail to answer on time, other groups can steal the chance and earn 1,000 points para sa team nila. So—are you all excited?!”
“Here’s your group... For Group A (Girls): Ashley Imperial, Brigette Fiore, Aurora Merida, Claudine Santos, Lily Ambrosio, Sephora Valter... and Jhoanne Cavallero.”
Bigla akong niyakap ni Jhoanne, hindi maitago ang saya niya.
“Gosh! First time nating magkasama!” tuwang-tuwa niyang sabi.
Matapos ang grouping, pumunta na kami sa kanya-kanyang area para magplano. Napansin ko na si Eraizha at Camilla ay nasa Group 3, habang si Ellese naman ay napunta sa Group 2. Sa kasamaang palad, si Jillian ang ka-group niya ngayon.
“Sinong mauunang maging representative natin?” tanong ni Sephora.
Nagtaas agad ng kamay si Lily. Siya na ang sinalang. Sa kasamaang palad, hindi namin nakuha ang round. Group B ang nanalo, pero dahil hindi satisfied ang judge, 1,000 points lang ang nakuha nila. At least, may points pa rin.
Sunod na ang boys. Nanonood lang kami habang ina-announce ang susunod.
“Okay, mukhang swerte ang Group B. Kanina B girls, ngayon B boys. Clarke Steven, sinong judge ang gusto mong magtanong sa’yo?” tanong ng host.
“Si Miss Lorienne po,” sagot ni Steven, confident pa.
Napataas ang kilay ni Miss Lorie, pero ngumiti siya.
“Alright. Masuwerte ka at ako ang pinili mo, Steven. Madali lang ang question ko,” sabay ngiti nito.
“Bias!” biro ni Miss Trish. Tawanan ang lahat.
Humarap si Miss Lorie kay Steven. “What can you say to me?”
Binigyan siya ng 20 seconds, pero wala pang 10 seconds—
“I’m ready,” confident niyang sabi.
Ngumiti si Miss Lorie at sumandal. Mukhang na-excite din siya.
🎵 Jason Derulo – “It Girl” 🎵
I've been looking under rocks and breaking locks...
Habang kumakanta si Steven, maririnig mong kinikilig halos lahat ng girls sa paligid. Kung isa lang ako sa girly-girl types, baka sumigaw na rin ako. At aaminin ko, napapangiti rin ako. Pero ewan ko ba dito sa katabi ko—parang walang ka-amore sa performance. Maganda naman ang boses ni Steven, pero parang wala lang sa kanya.
“Thank you, Steven. I want to congratulate you, you presented it well in a short time. I loved your vibe in front of the camera. Keep it up. And because of that, you deserve the points.”
Nagsigawan ang group niya. Deserved naman.
Kami na ulit ang kasunod. I wanted to give it a shot this time.
“Good luck, Gette,” sabi ng mga ka-group ko.
“Ready contenders... Go!”
“Wow! Mukhang hindi papatalo ang Group A! Brigette, pick your judge.”
Tinitigan ko ang mga judges. Halos lahat ay ngumingiti, parang nagsasabing “ako ang piliin mo.” Pero gusto ko ng thrill.
“I’ll go with Miss Kyra.”
Napataas ang kilay niya—halata sa mukha niya na hindi siya inexpect na piliin.
“Wow! They chose the Mother Queen!” sabi ng host. “Miss Kyra, what do you think?”
“I suppose... it’s my privilege.” Mukha pa siyang sarcastic pero nakangiti naman.
“I’m not sure what you were thinking... but you chose me. So impressed.” Tumawa siya. “Here’s my question: What would you do if you were given the opportunity to become a boy?”
Out of nowhere! Yan ang napapala ko sa thrill.
“Twenty seconds. Timer starts now.”
Nag-relax ako. Pumikit. Iniisip kung anong kanta ang pwedeng i-connect. Gette, wag mong bibiguin group mo.
“5... 4... 3... 2...”
“I’m prepared!” sabay ngiti ko.
“Alright, you may start now,” sabi ng host.
🎵 Beyoncé – “If I Were a Boy” 🎵
If I were a boy... even just for a day...
Pinakiramdaman ko ang lyrics. Inisip ko ang meaning. Habang kinakanta ko ito ng buo—yes, hindi ako pinatigil—ramdam ko ang bawat linya. Wala man lang music, pero ang challenge ay maparamdam mo ang mensahe kahit acapella lang.
Natapos ko ang kanta. Medyo kaba ako. Pero worth it sana.
“Thank you, Brigette. I believe our judge was impressed with your performance,” sabi ng host.
Tumingin sila kay Miss Kyra.
“Well... in part, yes. I wanted you to capture what I was trying to convey in the song—and you did. I loved how you performed it, especially with just your voice. You’ve earned the points.”
Nagsigawan ang group ko. Ang saya sa feeling.
Nagpatuloy ang game. Sa girls, kami—Group A—ang highest scorer with 7,000 points. Sa boys, Group D ang nakalamang with a whopping 10,000 points. Kasama sa group na ‘yon sina Zephyr at Maze.
👑👑👑👑👑
# try to listen to the music that I've put... maganda sila.. para makarelate rin kayo sa mga naimagine ko. Sila kasi yung naiimagine kong boses.