(ELLESE)
“Feeling ko makakapasok sa top 5 si Brigette.”
“Hindi, baka nga siya ang top 1.”
“Halatang crowd favorite siya.”
“Hindi rin… andiyan pa si Jillian, famous rin kaya siya.”
Ilan lang ’yan sa mga naririnig ko mula sa mga taong malapit sa kinatatayuan ko ngayon. Kasama ko ang buong grupo ko kaya alam kong sila-sila ang nag-uusap. Pero hindi na lang namin sila pinansin.
Katabi ko ngayon si Eraizha, na halatang kabado. Kanina nga, natatawa pa ako sa kanya dahil ang pinoproblema niya ay ang online voting. Aniya, marami raw siyang haters kaya baka siya ang ma-eliminate ngayon.
“Gosh, sana pala naging plastic ako dati pa. Ginaya ko na lang sana ’yung attitude ni Jillian. Sayang! Baka walang bumoto sa ’kin.”
O diba? Ang bigat ng problema niya.
“Our top 21 for the girls… Lily Ambrosio.”
Narinig naming tinawag. Unti-unti nang nauubos ang mga bakanteng upuan. ’Yung iba, grabe na sa dasal, ’yung iba umiiyak na sa gilid—marahil ramdam na nila na baka hindi na sila makapasok.
“Shocks! Kahit Top 40 lang sana ako, at least alam kong may chance pa akong magpatuloy. Pero ganito? Grabe na talaga kaba ko,” reklamo pa ni Eraizha. “Wala pa sa ’tin ang natatawag! Malapit na ang announcement ng Top 10! Buti ka pa, sure ako makakapasok ka, Ellese!”
Naghe-hysterical na siya sa sobrang kaba. Natutuwa tuloy ako sa mga reaksyon niya. Hindi niya alam, maraming camerang nakatutok sa kanya ngayon. Siguradong mapapanood siya ng buong bansa.
“Hoy, wag kang praning d’yan. Malay mo, makapasok ka rin sa Top 10, noh.”
Tumahimik siya. Pero feeling ko, nailipat na niya sa akin ’yung kaba niya.
“This is it! Our Top 10 for this week. For the girls… Rank 10: Sephora Valter. Rank 9: Samantha Flores. Rank 8: Dennise Faye Stone. Rank 7: Carmella Buenafuerte. Rank 6: Driana Ellese Faustin.”
Napangiti ako at tumayo. Pumunta na kami sa harap. Nasa likuran namin ang mga special chair—parang trono. Ang swerte ng mga uupo riyan mamaya.
“Our Top 10 for the boys. Rank 10: Anthony Marcello. Rank 9: Erick Dizon. Rank 8: Jimmy Quizon. Rank 7: Vernon Sage Montesorri. Rank 6: Clark Steven Robertson.”
“Alright, this is getting more exciting! Our Rank 5 for the girls… Let’s welcome Eraizha Zhaire Morgan!”
Napahawak siya sa bibig niya, parang hindi makapaniwala. Dahan-dahan siyang lumapit sa upuan niya.
“It appears that she never expected it,” sabi ni Miss Kyra.
Nang makaupo siya, kitang-kita pa rin sa mukha niya ang pagkagulat.
“I told you,” bulong ko habang niyakap niya ako at si Camilla nang mahigpit.
“Rank 4: Margareth Smith.”
Nagulat siya at napaiyak habang naglalakad paakyat. Niyakap namin siya, at si Eraizha, na agad namang nagkuwentuhan.
“Rank 3: Brigette Fiore.”
Hindi rin niya inasahan ’yon.
“Rank 2: Jhoanne Kelly Cavallero.”
Nagulat ito at napasigaw ng “OMG!” Halatang hindi niya rin in-expect.
“And for Rank 1… no other than Jilliane Camerone.”
Hindi na siya nagulat—parang inaasahan na niya. Confident talaga.
“Hanggang ngayon, mukhang hindi pa rin nakaka-move on ang Top 5,” sabi ng host, sabay tawa.
“Let’s move on to the boys. Rank 5: Lawrence Santiago. Rank 4: Francis Ventura. Rank 3: Zephyr Villacorta. Rank 2: Wyn Alistair Valerio. And our new Rank 1: Maze William Miller.”
“Palakpakan natin ang ating mga Top 5!”
Miss Riesse: “Can we ask Rank 1, Jilliane, how it feels to secure your spot again?”
Jilliane: “First of all, thank you to everyone who supported me up to now. I’ve been through many struggles, and I’m thankful I’m still on top. Thank you for all your support.” (umiiyak)
Mukhang sincere naman siya. O baka magaling lang umarte?
Miss Riesse: “Now let’s hear from Maze, our new top performer.”
Maze: “I didn’t expect this, but I appreciate your support and promise not to let you down. Please stay by my side throughout this journey. Thank you.” (ngumiti)
Miss Riesse: “Congratulations to our Top 5! Bukas, enjoy your free day. You may explore the island and rest. Goodnight, everyone!”
👑👑👑👑👑
The Next Day – Free Day
Nagulat ako sa kalabog sa pinto. Bumangon ako, bad trip.
“What?!” Sigaw ko pagbukas ng pinto. Pero bigla na lang silang nagsipasok sa kwarto ko.
“Wow, ang ganda ng kwarto mo. Pahiga ha!” – Jhoanne. Umirap ako. As if iba ’yung rooms namin. Lahat ng Top 10 may sariling kwarto.
“Hindi yan ang pinunta niyo rito. Anong kailangan niyo?”
“Magswimming tayo! Ngayon lang allowed, and may bantay naman,” – Eraizha.
“Kayo talaga, ang hirap niyong pilitin.”
“Sulitin natin! Baka next time, wala na tayong free day.”
Nakahanda na silang lahat. May dalang mga bag, nakasuot ng floral dresses. Kaya ako na rin, nagbihis. Nagsuot ako ng floral na dress at shorts. Si Gette lang ang naka-white shirt na may “F*ck Off” na print. Obvious ang bikini sa loob—black pa talaga.
Pagdating sa cottage, napagpasyahan naming kumain muna. May seafood na libre mula sa resort. May mga nakishare rin sa cottage, kaya mas masaya.
“Kain muna bago maligo,” aya ni Jhoanne.
“Alam ko na! Para mas masaya, walang kutsara! Lahat kamayan!”
Nag-agree ang karamihan. First time daw ng iba. Pati ako na-curious. Si Jhoanne, enjoy na enjoy. Sinawsaw pa niya ’yung bangus sa bagoong na may calamansi.
“Try mo, masarap!” Binigyan niya ako. Tinikman ko. Masarap nga!
Napadaan sina Jilliane. Nakita nilang nagkakamay kami—halatang nandidiri. Psh! Wala silang alam sa simple joys.
“Wag niyong pansinin. Naiinggit lang sila,” sabi ni Eraizha habang nilalantakan ang oyster.
Pagkatapos, napagdesisyunan na naming maligo. Naghubad ng damit sina Eraizha at iba pa—nakabikini sa loob. Si Jhoanne at Camilla, conservative. Hindi na nagbihis.
“Don’t tell me, Ellese… hindi mo rin aalisin ’yan?”
“Sasama na ako.” Saka ako hinubaran ni Eraizha. Pinalo ko pa nga ang likot kasi.
“Tara na! Gette, ikaw?”
“Pass. Dito na lang ako. Bantay ng gamit.”
Medyo nalungkot ang lahat. Pero may naisip ako. Hmm...
“Girls… let’s do this.” sabay ngiting may kapilyahan.