(JHOANNE)
(JHOANNE)
Nasa isang hotel kami ngayon. Pagkatapos na pagkatapos ng performance, agad kaming pinapunta rito para i-announce ang nag-Top sa bawat group. Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang kaba namin para sa magiging resulta. Magkakasama kami ng mga ka-group ko, at wala pa ni isa sa amin ang nagpapalit ng suot.
“Good evening, Idols.”
Malumanay ang boses ni Miss Riesse, pero ramdam ang bigat ng sasabihin niya.
“The first mission you completed was very memorable for everyone, and I’m delighted you performed amazing. For us, you are all winners, but we will be selecting the Best of the Best. I’m also sad to inform you that tonight, we will have an elimination round. Malalaman kung sino ang uuwi ngayon, at kung sino ang babalik sa Isla."
Tumigil siya sandali.
"But don’t worry, kahit isa man kayo sa maalis, huwag kayong susuko sa mga pangarap ninyo. Alalahanin ninyo, hindi kayo makakapasok sa audition kung hindi kayo nakitaan ng potential ng mga judges natin. Don’t close the door on other opportunities. Maybe one day, we’ll cross paths again—not in this place, but somewhere else.”
“So tonight,” pagpapatuloy ni Miss Riesse, “I’ll be the one to declare the winner of each group.”
“Let us begin with... 'Everytime' performed by the first girl group. Your Top on the spot is none other than... Margareth Smith.”
“Following that, for 'Everytime' boys group—your top one goes to... Erick Dizon.”
“For the second group, Girl Group 'Brown Eyes'—your top one for tonight goes to... Alice Clemente.”
“Boy Group 'Hero'—the top one goes to... Maze William Miller.”
“Moving on to the third group: Girl Group 'You’re Still the One'—top one goes to Sylvia Fuentes.”
“Boy Group 'If I Let You Go'—top one goes to Clarke Steven Robertson.”
“Fourth group: Girl Group 'Yesterday'—your top one goes to Brigette Fiore.”
“Boy Group 'No Promises'—top one goes to Vernon Sage Montesorri.”
“And finally, for Girl Group 'There You’ll Be'—the top one is Jhoanne Kelly Faustin.”
“Boy Group 'I Don’t Want to Miss a Thing'—the top goes to Wyn Alistair Valerio.”
“Each winner will earn an additional 1,000 points. That’s all for now. We shall return after your hour break.”
Parang alam na namin ang ibig sabihin ng “hour break” — mag-aayos na kami ng gamit.
Pumunta na kami sa kanya-kanya naming kuwarto. Magkakasama pa rin kami ng group ko habang nag-eempake.
Ang iba, nakapagpalit na ng uniform namin para sa show. Wala pang ina-announce, pero nalulungkot na agad ako.
Pinanghahawakan na lang namin ang pagkapanalo ng group namin — sana sapat na iyon para walang matanggal sa amin.
It makes me sick that any of us may be eliminated tonight.
👑👑👑👑👑
“Hello again.”
“Alam kong hindi na kayo makapaghintay na malaman kung sinu-sino ang magpapatuloy, at kung sino ang hindi. Kung makikita ninyo, may 80 seats sa harapan ninyo. Ang mga upuang 'yan ay para lamang sa mga makakapagpatuloy. At ang mga hindi mababanggit—I'm sorry, but you’re automatically eliminated.”
May 80 na upuan: 40 para sa girls, 40 para sa boys.
Hindi na pinagsama ang ranking; magkahiwalay na ngayon.
Mayroon ding Special Seats para sa Top 5 ng bawat gender — mas malalaki ang disenyo, parang trono ng mga hari at reyna.
“Makakasama natin ngayong gabing ito ang CEO and producer of this show. Let’s all welcome... Miss Kyra Veronica Vera,” wika ni Miss Riesse.
“Thanks, Riesse. And hello to my future Idols,” bati ni Miss Kyra.
“Kinalulungkot ko man ibalita na hindi lahat ay makakapagpatuloy sa next round, pero sana hindi kayo panghinaan ng loob.”
“Once you join our show, it becomes a privilege for us—particularly for me. Pinatunayan niyo ang galing ninyo. Kung puwede ko lang kayong itago lahat dahil sa mga skill n’yong ipinakita, gagawin ko. However, as you are aware, this is a survival show. Thus, we are looking for the Best of the Best to soon become one of ‘The FAME.’”
Ramdam sa boses niya na masakit din para sa kanya ang magtanggal ng kalahok.
Pero ito ang totoo — maraming mawawala ngayong gabi.
“This rating combines your overall points — online voting, activities, judges’ votes, and audience votes a while ago.”
“So let’s begin with the females. Our Top 40…”
“You can already sit back and relax… Angela Mendez…”
Sunod-sunod ang pagbabanggit ng mga pangalan. Hanggang 31 na babae, tapos sinundan ng boys.
Tahimik ang paligid. Ang iba’y nagdarasal.
Yung mga natawag na, kahit papaano, nakapahinga na.
Pero kaming natitira—nakatayo pa rin. Walang kasiguruhan. Walang assurance kung makakapasok pa kami.
Dati, inisip ko baka hanggang First Round lang ako.
Pero ngayon, gusto kong magpatuloy. Gusto kong patunayan na kaya ko, kasi alam kong may naniniwala sa akin.
Ayokong manghinayang sila Tito, Tita, at si Galle sa akin.
Gusto ko ring may mapatunayan sa sarili ko.
Pero minsan, pinanghihinaan ako ng loob.
Rank 60 lang ako noon. Hindi rin ako sikat tulad ng iba.
Minsan pakiramdam ko kahit gaano ka kagaling, kung hindi ka kilala o hindi ka social media darling... wala rin.
Hindi nga ako socialite na tao. Ewan. Nakakapagod minsan.
Pero ngayon, pinanghahawakan ko ang tiwala sa sarili.
Kaya ko ‘to. Kahit anong mangyari.
👑👑👑👑👑
👑👑👑👑👑
👑👑👑👑👑
👑👑👑👑👑