CHAPTER 24( PART II)

1068 Words
(ERAIZHA) Nandito na kami ngayon sa isang room kung saan lahat ng contestants pumupunta pagkatapos ng performance. May malaking TV screen dito kung saan live naming napapanood ang mga nagpeperform. So far, ang grupo nina Camilla ang susunod, at nasa stage na sila. May konting short interview muna bago magsimula. Ilang sandali pa, nag-umpisa na rin ang kanilang performance. Kung kami ay mukhang mga prinsesa sa stage, sila naman ay may aura ng mga diyosa. Naka-chiffon dresses silang lahat, at may suot na eleganteng golden leaf headbands—parang mga diwata mula sa sinaunang panahon. “YOU’RE STILL THE ONE” by Shania Twain (11th G: CAMILLA) When I first saw you, I saw love And the first time you touched me, I felt love And after all this time You're still the one I love Si Camilla ang nag-intro ng kanta, at masasabi kong bagay talaga siya doon. Iba yung dating niya—dalang-dala niya ang role. She looked effortlessly seductive habang kinakanta ang part niya. Nakasuot silang lahat ng puting dresses, iba-iba ang cut pero pare-parehong eleganteng tingnan. [First Verse & Chorus breakdown] [1st G] Looks like we made it... [2nd G] We mighta took the long way... [3rd–5th Gs] Pre-chorus... [6th G] You’re still the one I run to... ...and so on. Ang ganda ng blend ng boses nila. Buo, malinaw, at halatang pinaghandaan. Pagkatapos ng performance, marami rin silang nakuha'ng magandang feedback mula sa mga hurado. Excited na kaming makita ang iba pa, lalo na ang group nila Gette na susunod. Sumunod na ang mga boys, pero to be honest, wala na kaming pake sa kanila—hahaha! Pagbalik ni Camilla, agad ko siyang binati. “Camilla!! OMG, congrats! Ang galing mo! Ang ganda mo pa sa TV. Pwede kang mag-artista!” puri ko sa kanya habang naupo siya sa tabi ko. Pinuri rin siya nina Ellese at ng iba pa naming kasama. “Grabe, hindi ko kinaya yung seductive looks mo sa camera. Ikaw na ang may mapang-akit na mata!” sabi ni Ellese habang natatawa. “Talaga? Di ko naman feel na nagseseduce ako. Sabi kasi ng kasama ko, isipin ko na lang daw na may kausap akong lalaki. So yun ang ginawa ko.” inosente niyang sagot. “Hala ka diyan! Baka mamisinterpret ka kapag may kausap ka talagang lalaki! Patay ka diyan, hahaha.” pang-aasar ko. Bigla naman siyang natahimik at pinalo ako ng mahina, parang may naalala. “Grabe ka! Kung anu-ano sinasabi mo. Susunod na sila Gette, panuorin na lang natin.” “Uy, nag-change topic siya! Ibig sabihin, may kausap nga siyang lalaki!” biro ko pa, pero natawa na lang siya. Group ni Gette: “YESTERDAY” by Leona Lewis Si Jillian ang nag-intro, kaya sa isip ko wala nang magiging issue. Sa totoo lang, magaling talaga siya—bagsak nga lang ang ugali, tulad ko minsan. Habang kinakanta nila ang piece, halatang-halata ang emotion ni Gette. Para bang may pinagdadaanan talaga. Napahanga na naman niya ako—lalo na nung tinapos niya ng whistle note. Gulat lahat! Pagkatapos ng performance, halos sabay-sabay ang pagpuri ng mga hurado kina Gette at Jillian. Si Jillian, nagbenta na naman ng drama sa mga tao. Lalo tuloy siyang dumami ang fans. Para siyang anghel sa paningin ng iba, pero kung kilala mo lang siya—nako, wag mo lang hayaang lumabas ang “buntot” niya. Biglang may nagsabi: “Ahhh! Susunod na sila Sage. Ang gwapo talaga niya.” Napalingon kami. Buti at nakabalik pa siya! Halos tatlong araw rin siyang nawala, at walang nakakaalam na bumalik na pala—maliban siguro sa staff at ka-team niya. “Hoy, baka matunaw!” bulong ni Gette sa akin, at nagulat ako. Di ko namalayang nandiyan na pala siya. Napalalim kasi ang iniisip ko. “Hindi no! At kelan ka pa natutong manukso ha? Nahahawa ka na kay Jhoanne.” sagot ko. Kumibit-balikat lang siya. “Hindi kita tinutukso, sinasabi ko lang yung na-oobserve ko.” “Di wow! Ikaw na ang observant.” biro ko. “In fairness, gwapo nga.” sabi niya bigla. Napatingin ako sa kanya. First time ko siyang marinig pumuri ng lalaki. “Ellese! Camilla! May crush na si Gette! Dalaga na siya!” tuksong sigaw ko. “Talaga?!” – Camilla “Ikaw ha! Di mo sinasabi. Sino diyan ang crush mo?” – Ellese “Sinasabi ko lang na gwapo siya, hindi ko sinabing crush ko! At mas bagay sila ni Era, hahaha.” sagot ni Gette, habang kumikinang ang dimples niya. “Wow ha! Ang haba na ng linya mo ngayon! Good for you girl! Sino nga ulit yan?” – Ellese “Si Sage. Mas bagay sila ni Era, ‘di ba?” – Gette “Oo nga! Siya nga yung tinutukoy dati ni Jhoanne!” – Ellese “Mahaharot kayo. Mamaya may makarinig pa sa mga pinagsasabi ninyo.” sabay irap ko. “Secret lang ‘to ha, hanggang sa makalabas tayo. Haha!” – Camilla Group ni Jhoanne: “There You’ll Be” by Faith Hill Naka-gown silang lahat ng royal blue, at ang stage background ay parang dagat. Ang taas ng pwesto ni Jhoanne—literal at figuratively. Siya ang kakanta ng killing part, at para siyang goddess sa stage. May suot silang lace gloves: black para sa lahat, pero si Jhoanne ay gold. Standout talaga siya. Ang ganda ng rendition nila—nakak goosebumps! Sabi nga ng host: “It was a breathtaking performance.” And I agree. Kahit nasa center si Jhoanne, ramdam mo ang teamwork nila. Walang hilahan paibaba. Nakakabilib din na hindi siya paos, kahit siya ang pinaka-madaldal sa amin offstage. Boys' Group: Kumanta sila ng “I Don’t Wanna Miss A Thing” kasama sina Wyn at Zephyr na pareho ring top contenders. Feeling ko, mahihirapan ang team nila Jhoanne na talunin ‘yon. Habang nagpeperform kami kanina, naririnig na rin namin ang mga audience na bumoboto. Malalaman namin ang final results pagkatapos ng event—kung sino ang ma-eeliminate, at sino ang aabante sa next round. Kaya dala na namin kanina pa ang mga gamit namin, just in case derecho uwi na pagkatapos. Nasa siyudad naman na kami, kaya mabilis lang ang byahe pabalik. NOTE! yung mga nakabold sa mga lyrics imagine niyo yun ang part nila. Mas maganda kung nagmumusic rin kayo para mas dama. hahaha. thanks muah<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD