Maingay ang buong stadium. Kanya-kanya ang mga hawak ng mga manonood na props—mga placards, banderitas, at light sticks—para maipakita ang suporta sa kani-kanilang mga pambato. Mapababae man o lalaki, may dalang sigaw ng paghanga. Gaganapin ang unang mission sa isang syudad malapit sa isla, kaya madali ring makakabalik ang mga kalahok. Hindi nila inaasahang ganito karami ang dadalo. Kaunti lang ang kapasidad ng stadium, kaya’t ang ibang hindi nakapasok ay nanood na lang sa labas sa pamamagitan ng screen.
Sa backstage, halo-halo ang nararamdaman ng mga participants: may kinakabahan, may excited, may natatakot, at may masayang-masaya. Magkakasama ang bawat grupo. Ang iba'y taimtim na nagdarasal, ang iba naman ay patuloy pa rin sa pagpa-practice ng mga linya para hindi makalimutan.
"Ladies and gentlemen, good evening! And a special good evening to our judges tonight!" malakas na anunsyo ng host.
"My name is Riesse Del Vega, and I will be your host for this evening's event! Excited na ba kayong makita ang mga performance ng inyong mga pambato?!" Hiyawan ang sagot ng audience.
"Kung ganun, huwag na nating patagalin pa ang gabing ito! Pero bago tayo magsimula, kilalanin muna natin ang ating panel of judges."
"Our first judge tonight is a well-known model and singer, not just in our country but internationally. She is also the owner of Venna Restaurant, which has expanded to hundreds of branches across Asia and Europe. Let us all welcome, Miss Venna Santiago!" Kumaway si Miss Venna habang ang crowd ay nagpalakpakan.
"Next, we have Mr. Troy Monte Vergo!"
"He is the owner of Monte Vergo Private Resort, with locations across the country and parts of Europe. He is also one of the top idols from 2009!" Malakas din ang palakpakan para sa kanya.
"Our third judge is the owner of LClark Clothing brand, with stores in several parts of America and Europe. She also became one of the idols on the show FAME back in 2011. Please welcome, Miss Lorienne Clarkson!" Tumayo si Lorienne at kumaway, sabay buga ng halik sa audience.
"And finally, we have Miss Kyra Veronica Vera—CEO and producer of KVs Entertainment, also an idol from FAME, 2011!" Isang confident na ngiti at tango ang isinagot ni Kyra sa palakpakan ng audience.
"So, let’s not delay this any longer! Let’s start with our first performing group for tonight!"
Unang lumabas ang Girls group – Everytime. Maikling interview, tapos agad silang nagsimulang mag-perform. Malinis ang galaw, buo ang boses, at palakpakan ang naging tugon ng audience. Sumunod naman ang Boys group – Everytime, na parehong maganda rin ang naging performance.
Sa gilid ng stage, habang nakahawak si Eraizha sa kamay ni Ellese, nagngitian sila.
"We can do this. Sisikapin nating walang matatanggal sa atin," mahigpit na sabi ni Eraizha sa grupo nila, habang naghihintay na tawagin.
👑👑👑👑👑
"Our next performers for tonight, let’s all welcome… the Brown Eyes Princesses!" masiglang sabi ng host na ikinatuwa ng buong stadium.
"Wow, what a wonderful name! And you all look just like princesses in your dresses."
Nagpasalamat ang grupo habang kumikislap ang mga suot nilang cocktail dresses at tiara.
"So, Miss Eraizha—leader of the group—ano ang inihanda ng grupo ninyo para sa gabing ito?"
Kinuha ni Eraizha ang mic, confident na ngumiti.
"Our team planned a magical performance that no one will ever forget."
Nagsigawan ang audience sa excitement.
"Then let’s not wait any longer. Once more, give it up for… the Brown Eye Princesses!"
[Performance Segment: “Brown Eyes” by Destiny’s Child]
Ang kanta ay kinanta nila by parts—tig-iisang linya o sabayang pagkanta ng mga miyembro. May choreography, may emotion, at bawat galaw nila ay sabay sa musika. Lumitaw ang husay ng pagkakaayos ng grupo. Kitang-kita rin ang chemistry nila, lalong-lalo na nina Eraizha at Ellese, na siyang nag-deliver ng climactic lines.
Eraizha:
“I know that he loves me 'cause it's obvious
I know that he loves me 'cause it's me he trusts.”
Ellese:
“And he's missing me if he's not kissing me
And when he looks at me his brown eyes tell his soul
He looks at me and his brown eyes tell his soul.”
Boom. Standing ovation. Malakas na palakpakan at hiyawan ang umalingawngaw sa buong stadium.
"Wow! What a great performance!" sigaw ng host.
"Ngayon naman, tanungin natin ang ating mga judges. Let’s start with Miss Lorrie."
Tumayo si Lorienne, at may ngiting tagumpay.
"I must say, I truly enjoyed this group. I particularly adore your 'princess' concept—para kayong mga 12 singing princesses! All of you are talented. Nakita ko sa VTR na ang dami niyong pinagdaanan as a team. At ngayong gabi, pinatunayan n’yong kaya n’yo! Best wishes to your team!"
Pagkatapos ng comment, bumalik na sa backstage ang grupo. Sa kanilang pagdaan, nakasalubong nila ang susunod na performers—the Boys group: HERO.
Habang nakatutok sa malaking TV sa backstage, hindi maiwasan ng grupo ang paghanga—at kaba—sa performance ng Hero. Kinanta ng boys ang “Hero” ni Enrique Iglesias. Maganda rin ang execution at malalakas ang boses. Tumanggap din sila ng magandang feedback mula sa mga hurado.
Ngunit sa kabila ng kaba, pinanghahawakan ng Brown Eyes Princesses ang tiwala sa sarili. Alam nilang ibinuhos nila ang lahat sa performance. Ang dalawang linggo ng pagod, ensayo, at luha—alam nilang magiging worth it.