Chapter 3

1617 Words
 Pagsanib (Balete) Pagkatapos ng pagpapakita ng matangkad na lalaki kay Tito Noy at ang matandang babae na bumubulong sa akin sa Room 1 ay marami pang mga sumunod na mga pangyayare. Kahit umaga ay nagpaparamdam na ang mga hindi namin makitang mga nilalang sa boarding house. ___ ___ Sabado 11 A.M Pumewesto na kaming lahat upang mananghalian ng si Cara at Lito ay nanonood parin ng TV sa sala at mukha yatang mga walang gana pang kumain. Ang ginawa ni Tita tere ay pinatay ang TV at sinabihan silang pumunta na ng lamesa. Napikon si Lito kaya kinuha nya ang remote ng TV at binuksan ulit ito. Dahil nga sa dapat ay sabay sabay kaming kakain ay nainis ng sobra si Tita tere at tinanggal ang saksakan ng TV. Wala ng magawa sina Cara at Lito kundi ang pumunta ng lamesa. Habang kumakain kami ay bigla kaming nagulat dahil sa pagbukas ng TV at Mr. Bean pa talaga ang palabas ng oras na yun. Napatingin kaming lahat sa may saksakan ng TV. Sabi ni Tita tere ay papaanong nakasaksak ulit ang TV eh tinanggal nya nga yon at papaanong nagbukas ang TV eh wala namang nasa sala para pumindot sa TV? Pumunta na si Tito Noy sa saksakan ng TV at sya na mismo ang nagtanggal nito. Sinabi nyang hayaan nalang daw muna at tapusin nalang ang pagkain. Mga 10 minuto ang lumipas ng lahat kami ay nagulat ng nalaglag ang helmet ni Tito Noy na kanina ay nakalagay sa taas ng Refrigerator. Sino ang gagalaw non eh lahat kami ay nasa lamesa at paano yon malalaglag eh yun lang naman ang nasa taas ng Ref at maayos yung ipinatong ni Tito Noy kanina? Ayaw na talaga kaming tigilan ng mga hindi namin makitang mga nilalang. Wala itong pinipiling oras kahit na umaga ay nagpaparamdam ang mga ito. Dahil sa ayaw naman ni Tito Noy na lumala ang takot at magsialisan ang mga boarders ay nagpasya syang ipaputol ang malaking puno ng balete sa likod ng boarding house. Ang malaking balete ay nasa likod ng boarding house at nasa likod din ng paaralan ng high school. Bale naka pwesto ito sa gitna ng boarding house at paaralan. 12:00 noon Dalawang buwan ang nakalipas ng ipaputol ni Tito Noy ang puno ng balete ng umuwing humahangos si Cara mula sa kanyang paaralan. Si Cara ay high school student na at kasalukuyang nag-aaral sa paaralang nasa likod lang ng boarding house. Cara POV 8 A.M nang pumasok kami sa classroom para sa first period ng klase. Mga 15 minuto na ang nakakalipas ng mag-umpisang magturo ang teacher namin. Ang kaibigan at katabi ko ng upuan na pangalanan nalang nating Mia ay nag se-selfie. Dahil sa pinakahulihang bahagi naman kami ng classroom ay hindi sya mapapansin ng teacher kung hindi ito lalapit. "Mia, baka makita ka ni Ma'am at ma confiscate ang cellphone mo. Alam mo namang ipanagbawal ngayon ang pagdadala ng cellphone sa School." Paalala ko sa kanya. "Bakit sya ba bumili neto? Hahaha at saka fresh pa look ko ngayon dahil sa bagong ligo pa at basa pa ang buhok. Ilang kuha nalang promise. Hehe Naka silent naman to eh." Sabi ni Mia habang nakangete at pasulyap sulyap sa teacher namin. Hinayaan ko nalang si Mia at nagfocus sa lecture namin. Mga 5 minuto ang nakalipas at nakita q si Mia na nakatingin na sa cellphone nya. Siguro ay tinitingnan nya na ang mga pictures nya o di kaya ay ini-edit nya para pang profile picture sa f*******:. Hehe Pasulyap-sulyap ako kay Mia at sa teacher kasi ayaw ko namang makita sya ng teacher at kunin ang cellphone nya nang makita ko si Mia na natigilan at parang matatae ang itsura. "Hoi! Nangyare sayo?" Pabulong kong tanong habang sinisiko ko sya. "Cara, tingnan mo to." ani Mia na takot na takot. Palihim kong kinuha ang cellphone nya at tiningnan ang cellphone. Nung una ay napatigil din ako dahil sa may nakita akong puting usok na nasa likuran ni Mia pero nasaisip ko na edit nya nanaman ito. "Tigilan mo ko Mia, edit mo lang yan. Akala mo hindi ko alam ang mga edit edit na ganyan? Meron panga apps na pwede mong lagyan ang picture mo ng lumulutang na babae ee." Patawa kong sabi. Umiling lang ito kaya tiningnan ko ang cellphone nya kung may apps ba sya na pang edit pero wala. At seryosong seryoso ang mukha ni Mia. Bigla nyang kinuha cp nya at binura lahat ng picture nya ng umagang yon. Dahil sa patingin tingin na samin ang teacher ay hindi ko na kinausap pa si Mia. Sa isip ko ay mamaya ko nalang sya kausapin mag re-recess narin naman. Rrriiiiiiiinnnnnnngggggggggggg............ Tumayo na kaming lahat dahil sa recess na. Papalabas na kami ng makita namin si Mia na nakaupo parin sa kanyang upuan at nakayuko. Tinawag sya namin pero hindi sya sumasagot o humaharap. Literal na hindi talaga sya gumagalaw. Imposible namang natatulog sya dahil sa ang ingay ingay. Pinuntahan namin sya at inaya pero wala talagang response. Hinawakan sya ng kaklase naming bakla at inaya patayo pero hindi malang nagalaw kahit na braso nya. Sa isip ko ay ano nanaman kaya pakulo neto ngayon, kanina sa picture ngayon naman ay ayaw tumayo. "Hayaan nalang kaya natin mag-isa yan dito." Pananakot ng bakla. Pero hindi talaga sya kumikibo. Dalawa kami ng bakla na hinawakan namin ang magkabilaang braso nya para matayuin sya pero ba't ganon? Ang bigat nya? hindi sya namin matayo eh dalawa na kaming nakahawak sa kanya tapos ang liit at payat na babae ni Mia. Pinatawag namin ang teacher namin. Tinatanong ng teacher kung ano daw ba nangyari kay Mia ng bigla syang nagwawala at sigaw ng sigaw. Natakot teacher namin dahil sa first time daw yun nangyare. Ngayon ay hinahawakan na sya ng limang mga lalaking teachers pero hindi nila makaya-kaya si Mia. Pinakiusapan ng principal na pumunta ang Pari na nasa college department dahil sa may sinasaniban sa amin. Pinatawag na din pati ang pamilya ni Mia. Habang wala pa ang Pari ay pinunta muna nila si Mia sa clinic para hindi narin matakot ang iba pang mga studyante. Hindi na namin nakita ang mga iba pang pangyayare dahil sinira ng isang teacher ang pintuan ng clinic. "Tanghali na ng makita namin si Mia na lumabas sa clinic kasama ang kanyang pamilya at ang Pari. " Pagtatapos ng kwento ni Cara. Lahat kami ay tahimik lang na nakikinig sa kwento ni Cara. Hindi naraw pumasok pa ng hapon nayon si Mia. Isang linggo ang nakalipas ng nakapasok ulit si Mia. Tinanong nila kung kamusta na ito at kung ano ang nararamdaman nito ng mga oras na sinasaniban ito. Dahil nga sa mga high school students palang ay medyo walang tigil sa mga tanong kay Mia at hindi masyadong iniisip ang mararamdaman nito kapag pinag-usapan ulit ang mga nangyayare. Dahil nga sa isang linggo na ang nakakaraan ay okay lang kay Mia na pag-usapan ito. Mia POV Hindi ko naman talaga inedit ang picture ko na may puting usok sa likod ko. Bakit ko naman gagawin sa sarili ko yun eh no. 1 matatakutin din ako. Pero dahil sa nakatingin narin samin ang teacher at mukhang hindi na makikinig sakin si Cara ay tinago ko nalang ulit ang cp ko at nag focus na sa lecture namin. Bakit ang init ng pakiramdam ko. Maaga pa naman at medyo basa pa buhok ko. Nang biglang dumilim ang aking paligid. Lahat ng classmates ko nawala. Anong nangyayare? Tinatawag ko sila Cara pero bakit walang sumasagot? Tumayo ako at lumabas ng classroom. Walang katao tao at ang dilim ng paligid tapos ay maraming mga usok sa paligid ko. Natatakot na ako dahil sa may mga kakaunting puno rin sa paligid ng school. Maya maya ay may narinig akong nag-uusap. Pinakinggan kong mabuti kung saan banda ang boses. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses at napunta ako sa C.R. ng mga babae. May nakita akong isang babae at isang lalaking nag-uusap. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi ko makita ang kanilang mga mukha. Ang lalaki ay nakapang Army na uniporme at ang babae ay nakabistida lang ng puti. Nang may nakita akong isang room na maliwanag. Pumunta ako doon at ang clinic pala yon. Pumasok ako pero wala akong makitang tao. Narinig ko nalang ang mama ko ay umiiyak at nagagalit ang papa ko. Pagtapos nun ay bigla nalang akong napahiga. Nakaramdam ako ng sakit sa lalamunan at unti-unti ko nang nakikita ang mga teachers, ang Pari, si mama at si papa. Pag-uwi namin sa bahay ay alagang alaga ako nila mama at papa. Tinanong ko sila kung ano ang nangyare pero ayaw nilang magkwento. Dahil sa mapilit ako ay wala silang nagawa. Pagdating daw nila ay pinapasok agad sila ng teacher sa clinic. Nakita daw nila akong nagwawala habang nakatingin sa Pari. "Ang sumanib daw sa akin ay isang babae. Nawalan daw sila ng tirahan at gusto daw nilang makahanap ng bagong tirahan. Gusto daw nilang gumanti muna sa pamilya ni Cara dahil sa pagsira sa kanilang tirahan pero nahumaling daw sya sa buhok ko at ako ang gusto nyang saniban." Pagtatapos ng kwento ni Mia. Ang tinutuloy siguro ng multong sumanib kay Mia ay ang puno ng balete na pinaputol ni Tito Noy mga dalawang bwan na ang nakakaraan. Mula non ay pina blessingan nila Tita Tere at Tito Noy ang boarding house at nag alay ng patay na itim na manok at mga prutas sa puno ng balete bilang paghingi ng tawad dito. ___ ___ * Hello mga horror loverz! ... Nakakatakot ang nangyare kay Mia no? Ganon pala ang pakiramdam kapag sinasaniban ka? Pero diba nakikita lang ng mga kaklase nya na hindi na sya gumagalaw sa upuan nya, pero ang nangyayare pala kay Mia ng mga oras na yun ay namamasyal ang kaluluwa nya sa boong campus ng school. Siguro ganon kapag kaluluwa kana puro itim lang ang makikita mo sa paligid mo at puro usok. YYYYYaaaaaaayyyyyy..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD